Inday TrendingInday Trending
Nadurog ang Cake na Binili ng Lalaking Ito Dahil sa Pagtulong Niya sa Isang Matanda, Laking Gulat Niya nang Bumawi ang Kapalaran

Nadurog ang Cake na Binili ng Lalaking Ito Dahil sa Pagtulong Niya sa Isang Matanda, Laking Gulat Niya nang Bumawi ang Kapalaran

“O, Mentos, sinong may birthday? Mukhang espesyal ‘yang binili mong cake, ha?” bati ni Aling Kiray, isang araw nang makita niya ang kaniyang inaanak sa palengke.

“Ah, si mama po, Ninang Kiray. Unang sweldo ko po, eh, sakto namang birthday ni mama,” sagot ni Mentos matapos magmano sa ninang saka bahagyang itinaas ang hawak niyang cake.

“Naku, marami ba kayong handa? Baka pwede namang makikain sa inyo mamaya!” biro nito sa kaniya dahilan upang bahagya siyang mahiya.

“Sa katunayan po, itong cake lang ang maibibigay ko po kay mama. Maliit lang po ang sweldo ko sa kontraksyon, eh, pero kung gusto niyo pong matikman ‘to, pwede naman po kayo pumunta. Tiyak matutuwa po si mama,” sambit niya pa ng may kagalakan.

“Ay, ganoon ba? O, sige, gagawi na rin ako sa inyo at magdadala ako ng kaunting pagkain para mapagsaluhan nating tatlo. Kita tayo mamaya, mauna na ako sa’yo!” tugon nito saka tuluyan na siyang nilisan, nagmadali na rin siyang umalis upang maibigay na sa ina ang regalong cake.

Lumaki sa piling ng ina ang binatang si Mentos. Bata pa lamang siya nang masaksihan kungv paano saktan ng kaniyang ama ang kaniyang ina dahilan upang layasan nila ito.

Sa murang edad, natuto siyang magbatak ng buto upang makatulong sa gastusin nilang mag-ina. Ito na rin ang naging dahilan upang hindi na siya tuluyang makapag-aral.

Habang siya’y pumapasok bilang kargador sa palengke, natanggap naman ng mga labada ang kaniyang ina dahilan upang makaraos sila sa isang araw. Sapat lamang ang kanilang kinikitang dalawa upang mabayaran ang renta sa maliit na bahay at pagkain pang-araw-araw kaya naman kahit anong espesyal na araw ang dumating sa kanilang mag-ina, ni hindi nila ito nagagawang ipagdiwang kahit pa sa simpleng paraan.

Ngunit kahit pa laki sa hirap, palagi siyang hinahangaan ng mga nakakakilala sa kaniya. Palagi kasi siyang handang tumulong kahit sino man ang nangangailan kaya naman, nang makapasok siya sa konstraksyon, itinurin niya itong malaking biyaya at ipinangako niya sa sariling gagawin ang lahat upang makatulong sa iba at bukod pa doon, ipinangako niya ring ibibili niya ng cake ang ina sa kaniyang unang sweldo bilang tanda ng pagpapasalamat niya sa mabuting pagpapalaki nito. Sakto kasing ika-animnapung taon na nito.

“Sa tanan ng buhay ng nanay ko, ito ang unang cake na kaniyang matatanggap, sana matuwa siya nang labis at maramdaman niyang espesyal talaga siya,” nakangiti niyang ika habang naglalakad patungo sa kanilang bahay.

Ngunit bigla siyang napahangos nang makita ang isang matandang walang malay sa isang bukas na kotse. Agad niyang nabitawan ang hawak na cake at inilabas ang matanda sa naturang kotse. Dali-dali siyang nagpara ng pedicab upang dalhin sila sa pinakamalapit na ospital. Nang dumating na ang mga kaanak ng matanda, agad na siyang pumuslit upang makauwi na.

Sumagi sa kaniyang isip ang cake ng ina dahilan upang magmadali siyang pumunta kung saan niya ito nabitawan. Nakita niya itong durog-durog na, nais man niyang bumili ng panibago upang presentableng maibigay sa ina, hindi na niya magawa dahil wala na siyang pera. Maluha-luha niyang pinulot ang pira-pirasong cake saka tuluyang umuwi sa kanila.

Ngunit labis siyang nagtaka dahil pagkauwi niya, wala pa ang kaniyang ina. Habang naghihintay, iniayos niya ang pira-pirasong cake saka naglagay ng maliit na kandila sa tuktok nito.

Mayamaya pa, nakarinig na siya ng kaluskos sa kusina dahilan upang agad siyang pumunta dito, ngunit imbis na ito ang masupresa, siya pa ang nasupresa sa dami ng pagkaing dala nito.

“Ma-mama? Saan galing lahat ng ‘yan?” nauutal niyang sambit.

“Doon sa matandang tinulungan mo, anak! Kanina pa nga ako nag-aayos dito, eh, magtawag ka ng kapitbahay, pakainin natin sila!” masayang sagot nito saka siya ipinakilala sa anak ng matandang tinulungan niya.

Doon niya nalamang ang matandang ito pala ay may-ari ng isang sikat na hotel sa Maynila at bilang pasasalamat, binigyan sila ng anak nito ng mga pagkain lalo pa noong malamang kaarawan ng kaniyang ina.

Binigyan din siya nito ng trabaho sa nasabing hotel na labis niyang ikinatuwa at doon na nga sila nagsimulang bumangon ng kaniyang ina mula sa kahirapan.

Ilang taon lang ang lumipas, nagawa na niyang makapagpatayo ng sariling nilang bahay mag-ina. Minabuti niya na ring patigilin ang ina sa paglalabada dahil sa katandaan nito.

Kahit pa nakakaangat na sa buhay, palagi pa rin siyang handang tumulong sa nangangailangan lalo na’t dahil dito, labis siyang nabiyayaan.

Sakripisyo ang kailagan sa pagtulong sa kapwa ngunit huwag manghinayang dahil malaki naman ang makukuha mong gantimpala kapag sinubukan mo ito.

Advertisement