Inday TrendingInday Trending
Nasakal sa Kanilang Relasyon ang Lalaking Ito Kaya Nakipaghiwalay Siya sa Kaniyang Kasintahan; ‘Di Niya Akalaing Hahanap-hanapin Niya Pala Ito

Nasakal sa Kanilang Relasyon ang Lalaking Ito Kaya Nakipaghiwalay Siya sa Kaniyang Kasintahan; ‘Di Niya Akalaing Hahanap-hanapin Niya Pala Ito

“Hi Babe! Kamusta na ang pakiramdam mo? Nakuha mo ba ‘yung pinadala kong pagkain diyan sa office mo kanina? Nagustuhan mo ba? Ako mismo ang nagluto nun,” paglalambing ni Loisa sa kaniyang nobyo.

“Sana hindi ka na lang nag-abala. Hindi mo naman makuha ‘yung lasa na gusto ko,” malamig na sagot ni Joe, nobyo ni Loisa.

Hindi na nakasagot si Loisa sa sinabi ng kasintahan.

“Anyway, kailangan natin mag-usap mamayang gabi. Puntahan mo ko rito after office hours,” ang sabi pa ni Joe.

Pagkatapos magtrabaho ni Loisa ay dumaan muna siya sa isang restaurant bago tumuloy sa opisina ni Joe. Siya ay bumili muna ng paboritong pagkain ng kaniyang kasintahan.

Pagkalabas na pagkalabas ni Joe ng gusali ay sinalubong siya ni Loisa at inabot ang biniling pagkain.

Matapos tanggapin ay hindi na nagpaligo’y ligoy pa si Joe. Siya ay nakipaghiwalay sa kaniyang kasintahan na si Loisa.

“Ayoko na ng relasyon natin. Sawang-sawa na ako. Nakakasakal na ang mga pinaggagagawa mo. Parati ka na lang nandiyan at nakabuntot sa akin. Itigil na natin ‘to,” pahayag ni Joe.

Ikinagulat ito ni Loisa at hindi sinang-ayunan ngunit tuluyan pa rin siyang iniwan ni Joe na umiiyak sa gilid ng kalsada.

Ganoon man ang nangyari ay hindi pa rin sumuko si Loisa. Patuloy niyang sinuyo ang dating nobyo nang matagal na panahon.

Nung mga unang linggo ay parati niya itong pinupuntahan sa opisina. Pinadadalhan niya rin ito ng mga pagkain at mga bagay na posible nitong kailanganin sa buhay.

Minsan naman ay hindi nagdalawang-isip na lumiban sa pagpasok sa opisina si Loisa nang mabalitaang naaksidente si Joe. Agad siyang sumaklolo rito at inalagaan ang dating kasintahan ngunit bigla siyang napauwi nang dumating ang bagong kasintahan ni Joe. Ikinagulat niya ito at hindi kinayanan. Ilang buwan niya itong iniyakan sa tuwing sasagi sa isipan ang dating nobyo.

Makalipas pa ang ilang buwan ay may nakilalang bagong lalaki si Loisa sa kanilang opisina. Ang lalaking ito ay mula sa ibang branch ng kanilang kumpanya na nagngangalang Ram.

‘Di kalaunan ay nagkagusto si Ram kay Loisa ngunit dahil hindi pa rin nalilimutan ng dalaga ang dating kasintahan na si Joe ay tinanggihan siya nito.

Ngunit kahit na ganun ay patuloy pa ring sinuyo ni Ram si Loisa. Parati niya itong inaasikaso at pinapasaya. Pinababaunan niya rin ito ng pagkain at sinasabayan sa pagkain sapagkat nais niya itong makasama at makita palagi. Bandang huli ay hinahatid at sinusundo niya na ito kahit na anong tanggi ng dalaga upang makisigurado sa kaligtasan ng nililigawan.

Nang mapansin ni Ram na unti-unting lumalambot ang puso ni Loisa para sa kaniya ay lalo niya itong hindi tinigilan. Pinaigting niya ang kaniyang panunuyo at paglalambing sa dalaga hanggang sa isang gabi ay nagkrus muli ang landas nila Joe at Loisa.

“Loisa? Kamusta ka na? May boyfriend ka na ba uli? Ang ganda mo pa rin ah,” pag-uusisa at pambobola ni Joe sa dating kasintahan.

Hindi umimik si Loisa kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Joe.

“Alam mo bang gabi-gabi kong pinagsisihan ang pakikipaghiwalay at pagpapalit sa’yo ng ibang babae? Hindi maalaga si Brenda gaya mo. Instead siya pa ‘tong alagain at napaka-demanding,” pahayag ni Joe.

“Baka puwedeng tayo na lang uli Loisa?” pahabol na tanong ni Joe.

Sa kanilang pag-uusap ay biglang napansin ni Loisa na nakatingin si Ram at pinagmamasdan sila. Nang makita niyang tumalikod na si Ram upang umalis ay agad niyang tinanggihan si Joe at pinutol ang kanilang usapan. Nagmadali siyang maglakad patungo sa kinaroroonan ni Ram at hinawakan ito sa braso upang pigilan.

Natigil sa paglalakad si Ram at napatingin kay Loisa.

“Mahal mo pa? Kayo na ba uli?” maluha-luhang tanong ni Ram.

Hindi na inantay ni Ram ang sagot ni Loisa bagkus ay tuluy-tuloy na ang kaniyang pagmamakaawa sa dalaga: “Please Loisa, hindi ko na kayang mawala ka sakin at mapunta pa sa iba. Mahal na mahal kita. Please, ako na lang ang mahalin mo. Please give me a chance!”

Napangiti si Loisa. Damang-dama niya ang pagmamahal ni Ram para sa kaniya at takot nito na mapunta siya sa iba. Hindi kagaya ni Joe na para bang walang pakialam sa kaniya noon. Nahanap niya kay Ram ang mga pagtratong hinahanap-hanap niya sa dating kasintahan na halos hindi nagawa nito para sa kaniya noon kaya naman sinagot niya si Ram ng: “I love you too, Ram!”

Natigilin si Ram at biglang niyakap sa galak si Loisa.

Mula noon ay namuhay sila bilang magkasintahan. Masaya sila sa isa’t-isa at hindi pinagsisisihan ni Loisa ang pagpili kay Ram. Kaya naman makalipas ang ilang taon ay ikinasal ang magkasintahan. Sila ay biniyayaan ng dalawang malusog na anak at maligayang nagsasama. Habang si Joe naman ay nagsisisi sa pagkakatali niya nang tuluyan kay Brenda ilang buwan makalipas ang huling pag-uusap nila ni Loisa nang malaman nitong nabuntis niya ang kasintahan.

Advertisement