Nang Dahil sa Lampin ay Napahiya ang Babae na Pinagbintangang May Ginagawang Kung Ano ang Mister at Pinsan Niya; Bakit Kaya?

Nang Dahil sa Lampin ay Napahiya ang Babae na Pinagbintangang May Ginagawang Kung Ano ang Mister at Pinsan Niya; Bakit Kaya?

FamilyFunStories

Tampulan si Bernard ng tukso sa opisina pagdating ng uwian.

“Goodtime muna, pare,” yaya ng katrabaho niya.

“Siya nga naman, kaunting lihis ng daan pauwi. Minsan lang naman ‘to,” sabad naman ng isa.

“Palibhasa’y puro lumba-lumba na ang mga misis niyo kung kaya’ di kayo nasasabik umuwi,” kantiyaw niya.

Dahil may katwiran nga namang umuwi nang maaga si Bernard dahil…

“Uhmm! Amoy pinipig talaga ang napakaganda kong misis,” aniya sa asawang si Vicky sabay halik sa leeg nito at yakap nang mahigpit at himas sa binti.

“Ayy! Yang kamay mo, ha, alam na alam ang destinasyon kung saan hihipo,” tugon ng misis.

Iyon din kasi ang kahinaan ng asawa niya, ang paglalambing niya.

“Bernard naman, ‘yung niluluto ko,” kinikilig na sabi ni Vicky nang umpisahan na siyang buhatin ng mister.

“Uhmm…maluluto din ‘yon, ang mahalaga ay ang gagawin natin,” sabik na wika ni Bernardna panay ang halik sa asawa.

Dinala ni Bernard ang misis sa loob ng kwarto at sila ay naglabing-labing. Habang nagpapakaligaya ang dalawa ay biglang nagising ang istorbo.

“Uha, uha!

Nagulantang ang mag-asawa.

“Nakupo, nagising si beybi,” gulat na sabi ni Vicky.

“Naknamputsa, kung kailan naman na heto na,” nabiting sabi naman ni Bernard.

Wala silang nagawa kundi itigil ang ginagawa at inasikaso ang beybi nilang si Toby.

Isang araw, dumalaw naman sa bahay nila ang ‘din inaasahang bisita.

“O, pinsan? Ikaw nga, tuloy ka!” wika ni Vicky nang buksan niya ang pinto. Dumating ang pinsan niyang si Agnes na galing sa probinsya. Inanyayahan niya ito sa loob ng bahay nila.

Nang makita ni Bernard ang magandang pinsan ng misis niya ay nanlaki ang mga mata niya.

“Wow! Ang kinis at ang seksi,” bulong ng lalaki sa isip na hangang-hanga sa dumating na bisita.

‘Di nakaligtas sa mapanuring mata ni Vicky ang mga titig ng asawa niya sa pinsang si Agnes.

“Ang loko, nakakita na naman, pinasukan na naman ng kaberdehan ang utak,” inis na sabi niya sa sarili.

Nang makilala niya noon ang mister ay ubod ito ng babaero nagbago lang ito ng kaunti nang maikasal sila at nagkaanak, pero ngayon na nakakita na naman ito ng maganda at seksing babae ay nararamdaman niyang umuusok na naman ang t*mbong nito.

“Huwag kang kang magkakamaling aswangin ang pinsan ko kundi ay maghahalo ang balat sa tinalupan,” gigil pa niyang sabi.

Sinabi ng pinsan niya kung ano ang pakay nito.

“Makikiusap sana akong dito muna tumuloy, insan, habang naghihintay ako ng resulta ng board exam,” wika ni Agnes.

Walang nagawa si Vicky. Alangan namang ipagtabuyan niya ang pinsan niya.

“Oo naman, pinsan. Walang problema sa amin. Welcome na welcome ka dito,” pagpayag niya sa hiling nito.

Tuwang-tuwa naman ang damuhong si Bernard.

“Ayos! Bukod sa esmi ko’y may iba pang magandang tanawin dito sa bahay,” nakangising sabi ng mokong.

Kaya si Bernard, mas lalong nasabik sa oras ng uwian.

“Ano, pare, sama ka na mamaya sa amin?” Mamamam tayo,” yaya ng isa niyang kasama sa opisina.

“No thanks, pare! Sa bahay na lang ako mag-gogoodtime,” sagot niya na nagmamadaling umalis.

Pag-uwi niya ay talaga namang mapapa-goodtime siya sa tanawing bumungad sa kanya – ang maganda at seksing pinsan ng asawa niya na prenteng nakaupo sa sofa. Maigisi ang suot na shorts na para bang ibinibilad pa ang maputi at makinis nitong hita. Hindi siya nagpahalata at tuluy-tuloy na pumasok.

“Good evening, Agnes! Ang pinsan mo?” tanong niya.

“Hello, bayaw! Wala, eh, nag-grocery siya. Hindi pa bumabalik,” tugon ng babae.

Dahil wala ang misis niya ay ang seksi nitong pinsan ang pumapel sa role nito. Ipinaghanda siya ng pagkain ni Agnes.

“Nakakahiya naman sa iyo, ikaw pa ang nag-abala sa paghahanda niyan,” wika ni Bernard.

“Oks lang, bayaw. Ako nga ang nahihiya sa inyong mag-asawa, eh,” sagot naman ni Agnes.

Maya-maya ay biglang nagising ang beybi nina Bernard at Vicky.

“Uha, uha!

“Ayy…nagising si beybi Toby!” gulat na sambit ni Agnes saka dali-daling pumunta sa kwarto nito.

‘Di mapakali si Bernard kung kaya’t sinundan niya si seksi.

“Agnes, ayos na ba ‘yan?” tanong niya.

“Mas maigi siguro, bayaw, kung dalawa tayo rito sa loob ng kwarto,” sagot naman ni Agnes.

Wala silang kamalay-malay na dumating na si Vicky, didiretso na sana ito sa kusina pero…

“Huh, narito na ang sapatos ni Bernard, narito na siya?” aniya.

Nang may narinig siya sa loob ng kwarto.

“Halika, bayaw tulungan mo na ako sa paghuhubad!” sabi ng pinsa niya.

“Uuhmm…bakit naman kasi laging basa ‘yan, eh,” wika naman ng asawa niya.

Biglang nag-init ang bumbunan ni Vicky sa narinig.

“Sinasabi ko na nga ba, wala talaga akong tiwala sa damuhong ito, eh! Pati pinsan ko’y tinatrabaho ng l*ntek, at sa kwarto pa ni beybi nag… mga walanghiya!” galit na galit na sambit niya sa isip.

“Ako na, ako na ang magsusuot,” wika pa ng mister niya.

“Ako na, bayaw, eksperto naman ako sa paghuhubad, eh,” tugon naman ng pinsan niya.

Ngitngit na ngitngit si Vicky habang palihim na pinapakinggan ang ginagawang milagro ng dalawa sa loob ng kwarto.

“Aray, natusok ako bayaw!”

“Sabi ko naman sa iyo, dahan-dahan lang, eh.”

Nang ‘di na nakatiis si misis, para itong action star na tinadyakan ng ubod lakas ang pinto at…

“Mga ahas! Ano’t dito pa sa kwarto ni beybi kayo nag…”

Imbes na ang dalawa ang magulat, siya pa ang nasorpresa.

“D-darling?”

“P-pinsan?”

Mali pala ang hinala niya.

“Ano ka ba darling, nagpapalit lang kami ng lampin ni beybi. Ano ba kasi ang iniisip mo?” tanong ng mister niya.

“A-ano? P-pinapalitan lang ng lampin?”

“Oo, pinsan. Hirap palang palitan ng basang lampin itong si beybi Toby, napakalikot,” wika pa ni Bernard.

“Sa kalikutan nga, eh, natusok pa ako ng perdible, pinsan,” tugon naman ni Agnes na ipinakita pa sa kanya ang sugat nito sa daliri.

Basang lampin lang naman pala, ang dumi kasi ng utak ni Vicky.

“Pi-pinsan, d-darling sorry, ha? Akala ko kasi…”

“Na ano? Na may ginagawa kami ng pinsan mo? Sus, tama na nga ‘yang akala mo, alam mo namang ikaw lang ang pinakamaganda at pinakaseksing babae sa buhay ko. Nagbago na ako, darling, hindi na ako ‘yung dating Bernard na g*go at babaero. Hanggang paghanga lamang ang nararamdaman ko sa pinsan mo, yun lang at wala nang iba, siyempre ikaw pa rin ang mahal ko,” sambit pa ng mister niya.

“Oo nga naman, pinsan. At saka may boyfriend na ako ‘no! at mas guwapo pa kay bayaw. Hay, naku ganyan ba talaga ang buhay may asawa? Nakakaloka ha, ‘di ba, beybi?” natatawang sabi ni Agnes na hinalik-halikan si beybi Toby.

Kaya marami ang napapahamak sa maling akala, ‘di po ba?

More Stories