Inday TrendingInday Trending
Imbes na Gluta ay Tubig ang Itinurok ng Empleyado sa Customer; Naging Miserable ang Buhay Niya Matapos ang Araw na Iyon

Imbes na Gluta ay Tubig ang Itinurok ng Empleyado sa Customer; Naging Miserable ang Buhay Niya Matapos ang Araw na Iyon

Isang napakagandang babae ang bumungad sa pintuan ng isang high end na spa sa Makati.

“Hey, bakit hindi ninyo agad igreet ang clients ninyo? Nagchichikahan pa kayo diyan.” Inis na sambit ni Sofie sa mga staff ng spa.

Sa loob-loob ng mga ito’y akala mo naman kung sino ang babaeng ito. Kung umakto’y daig pa ang may-ari ng spa.

“Ma’am ano po bang service ang kukunin ninyo?” Pataray na pagbati ni Mitch sa maarteng kliyente.

“That’s not the proper way to ask your clients kung anong service ang kukunin. Ask me again in a polite manner.” Mataray na saad ni Sofie.”Sorry, madam. Ano pong klaseng service ang gusto ninyo?” Paguulit ni Mitch sa sarkastikong tono.

“Magpapainject ako ng gluta.” Sagot ni Sofie.

Inalalayan na lamang ni Mitch ang babae sa isang silid. Sa loob-loob nito’y gusto na niya itong sabunutan.

Tuwing may nakakainisan silang kliyente, gawain na ng mga ito ang hindi ayusin ang serbisyong ibinibigay sa mga ito.

Kaya’t sa inis ni Mitch ay ininjectan niya ang bruhang babae ng tubig imbes na gamot na pampaputi.

Nang umalis na ang babae’y tawa pa ng tawa si Mitch at ang mga staff ng spa.

Nakaisa na naman sila sa mga feelingera at mayayabang na kliyente. Agad ipinaturok ni Mitch sa kaniya ang gamot na dapat sana’y itinurok kay Sofie.Kinaumagahan ay nagising na may napakabigat na pakiramdam si Mitch. Tila hindi niya maiangat ang kanang braso kung saan itinurok ang gluta. Ang taas na rin ng kaniyang lagnat.

“Ate! Ate! Ate Mitch! Di ba sa Makati ka nagtratrabaho… Sa spa.. Nagiinject din ba kayo ng ganitong gluta? Sabay turo sa larawan sa kaniyang cellphone. Tanong ng pinsan nitong si Mika. “Ah oo Naman! Kanina nga lang nagpaturok ako niyan.” Sagot ni Mitch sa pinsan.

Ate, magpacheck up ka na sa doktor. May naputulan na ng braso dahil sa gamot na yan. Hindi nila maipaliwanag ng malinaw pero may mali yata sa pagkakagawa ng gamot na iyan. Nagaalalang saad ni Mika.

Binuksan nila ang TV sapagkat nasa balita na daw ito. Sakto namang ipinakita ang mga puwedeng mangyari sa taong naturukan nito.

Doon pumasok sa isip ng pobreng si Mitch na seryoso na nga ang kaniyang kalagayan. Lalo namang kumirot ang kaniyang braso.

Agad siyang isinugod sa ospital ng kaniyang inang si Aling Flora.

Pagdating sa ospital ay nagsusuka na si Mitch. Hindi na makakita ng maayos ang dalaga. Hilong-hilo ito at hinang-hina.

Umiiyak at takot na takot na si Aling Flora sa sinapit ng anak kaya naman dasal ito ng dasal.

Maya-maya pa’y pumasok sa silid ang isang magandang babae. Gulat na gulat si Mitch sa nakita. Ito ang kaniyang kliyete sa spa na si Sofie.

“Hi, naaalala mo pa ba ako? Pumunta ako dito sa ospital upang magpatingin dahil naturukan din ako ng glutathione na ibinalita sa TV. Di ba’t ikaw pa nga mismo ang nagturok sa akin? Nagpainject ka din ba?” Nag-aalalang tanong ni Sofie kay Mitch.

“Ma’am, nakarma po ako. Sa inis ko po sa inyo’y hindi ko kayo tinurukan ng gluta. Tubig lamang ang tinurok ko sa inyo. Akala ko’y nakaganti ako sa inyo ngunit kabaligtaran pala ang nangyari.” Pagtatapat ni Mitch kay Sofie.

Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Sofie. Ngunit hindi rin nito maiwasang isipin ang kapakanan ni Mitch. Pakiramdam niya’y isinalba siya nito sa kapahamakan.

Doon na nakaramdam ng matinding kirot sa braso si Mitch. Isinugod ito agad sa operating room.

Kinailangang putulin ng mga doktor ang kaniyang braso sapagkat kumalat na ang lason dito.

Nang magising si Mitch ay iyak ito ng iyak at hindi matanggap ang sinapit. Dinalaw naman ni Sofie ang dalaga at kinausap ng masinsinan.

“Kung tutuusin, ako dapat ang nasa sitwasyon mo ngayon ngunit iniligtas ako ng tadhana. Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita at ang iyong pamilya.”

Sadyang napakayaman pala talaga ni Sofie. Binigyan nito ng dagdag kabuhayan si Mitch at sinagot ang gastos sa ospital. Sinampahan din ng kaso ang asawa nitong abogado ang manufacturer ng naturang glutathione.Di naglaon ay napasara nila ang laboratory nito sa Malabon at nakatanggap ng higit tatlong milyong piso na danyos perwisyos.

Pinagsisihan ni Mitch ang masamang ugali at mula noo’y mas naging mabuti itong tao.

Sa iyong palagay, nararapat lamang ba kay Mitch ang kaniyang sinapit? Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement