Labis Kung Pakainin ng Lalaki ang Kanyang Nobya Dahilan Upang Tumaba Ito, Laking Takot Naman ng Babae na Baka Iwan na Siya ng Nobyo

Labis Kung Pakainin ng Lalaki ang Kanyang Nobya Dahilan Upang Tumaba Ito, Laking Takot Naman ng Babae na Baka Iwan na Siya ng Nobyo

FunLoveStories

Tila isang dyosa ang itsura ni Carla kung kaya naman ay sandamakmak ang kanyang mga manliligaw. Pero sa kabila nito, isa pa rin ang umangat sa lahat. Ito ay si Neil. Kung tutuusin kasi, na kay Neil na lahat ng hinahanap ni Carla sa isang lalake. Gwapo, matiyaga, masipag, matalino at lagi siyang napakikilig nito. Isa pa, simula nang payagan ni Carla na manligaw si Neil ay binakuran na niya agad ang dalaga para ipakita sa ibang manliligaw na siya ang dapat na nagmamay-ari rito. Kaya makalipas ang limang buwan na panliligaw nito ay sinagot na ni Carla ang binata.

“Neil, kailangan natin mag-usap,” sabi ni Carla habang walang emosyon sa mukha nito. Kinabahan naman agad si Neil dahil ang buong akala niya ay papalayuin na siya ng dalaga.

“Tu- tungkol saan ba ito, Carla?” utal-utal na tanong ni Neil.

“Mamaya na natin pag-usapan pagkatapos ng exam. Gusto ko ay mag-focus muna tayo doon. Ipasa mo yung test ha?” sagot naman ng dalaga. Pagkatapos ng pagsusulit ay agad na nilapitan ni Neil si Carla para itanong ang tungkol sa kanilang pag-uusapan.

“Carla, pwede na ba nating pag-usapan?” Kabadong tanong nito sa dalaga.

“Kasi Neil alam mo, may nakilala ako. Mabait siya, masipag, may takot sa diyos at…” hindi pa natatapos ang dalaga ay sumabat na agad si Neil.

“Ba-bustedin mo na ba ako?” Halos maluhang tanong ni Neil.

“At hindi nagpapatapos ng sasabihin ko! Haha! Ikaw yung tinutukoy ko. Labis kong naramdaman ang halaga ko nung nakilala kita. Maraming salamat. Simula sa araw na ito, August 18, tayo na,” masayang sabi ni Carla. Natulala nalang ang binata sa sinabi nito at pagkatapos ay nagtatalon ito sa tuwa.

“TALAGA, CARLA? TAYO NA? THANK YOU! MAHAL NA MAHAL KITA. HINDI MO ALAM KUNG GAANO MO AKO PINASAYA,” tuwang-tuwa na sabi ng binata sa kanyang bagong kasintahan. Agad naman napalingon ang mga kaklase nila sa kanila. Bakas sa mukha ng ibang manliligaw ni Carla ang lungkot at galit na nadarama. Hindi naman mapigilan ng matalik na kaibigan ni Carla na si Lesty ang kiligin sa kanyang kaibigan.

“OMG, girl! Congrats sa inyo ni Neil. Sabi ko na nga ba at bagay na bagay kayo. Kaya niyo pa atang pataubin ang tandem ni John Loyd at Bea,” may pahampas-hampas pang sabi ni Lesty.

“Deserve na rin naman niya siguro. Tsaka ako rin. Palagi kasi niya akong napapakilig, tapos lagi rin niya akong hinahatid at sinusundo sa bahay,” pagmamalaki naman ng dalaga sa lalaki. Bakas sa mukha ni Neil ang saya pero ramdam pa rin niya na handa siyang kalabanin ng ibang mga manliligaw ni Carla para makuha sa kanya ito.

Ilang buwan na ang nakalipas at walang pagbabago sa pagmamahalan ng dalawa, para kay Neil ay si Carla pa rin ang nag iisang prinsesa ng buhay niya. Habang naglalakad sila papasok ng paaralan ay nagkwentuhan muna ang dalawa.

“Babe, bakit prinsesa mo lang ako? Bakit ‘di mo ako kayang gawing reyna?” tanong ni Carla sa kanyang nobyo.

“Kasi babe, ang nag-iisang reyna ng buhay ko ay si mama. Pero ‘wag kang mag-alala, balang araw ipapasa sa’yo ni mama ang trono niya,” nakangiting sagot naman ni Neil. Tila naguluhan ang dalaga sa sagot ng kanyang kasintahan kaya ipinapaliwanag niya ito rito.

“Anong ibig mong sabihin, babe?” tanong nito.

“Ipapasa sa’yo ni mama ang trono niya sa pagiging reyna ko pagkatapos ng kasal natin,” nakangising sagot ni Neil sa dalaga na nagbigay agad ng ngiti sa mga labi ng dalaga na umabot sa magkabilang dulo ng tenga.

Kahit na matatag ang relasyon ng dalawa ay may mga tao pa rin na pilit silang pinaghihiwalay tulad na lang ng mga dating manliligaw ni Carla.

“Pre, paghiwalayin na lang natin ang dalawang ‘yan. Para naman sa’kin na si Carla. Halata naman na mas bagay kami kaysa dun sa Neil na ‘yon,” natatawang sabi ng isang lalaki sa kanyang kaibigan. Agad naman itong narinig ni Neil kaya pinagsabihan niya ito.

“P’re! ‘Wag mo na subukang gawin yan kasi kung sa’yo siya nababagay, una pa lang ay ikaw na ang pinili niya,” sabi ni Neil sa kaklase nito. Pagkatapos sabihin ni Neil ito ay agad niyang pinuntahan ang nobya. Agad niya itong niyakap at sinabing “Akin ka lang ha,”

Nagulat si Carla dahil sa ginawa ng kanyang nobyo. Hindi niya akalain na magagawa niya iyon kahit kasama niya ang kanyang mga kaibigan.

“Oo naman. Iyo lang ako. Hindi ako pwede sa iba,” masayang sabi ni Carla. Pagkatapos nito ay agad naman na niyaya ni Neil na kumain sa labas si Carla.

Pagkatapos ng ilang buwan ay malaki ang pagbabago kay Carla, kung dati ay maganda at sexy ito. Ngayon naman ay lumobo na ang kanyang katawan dahil halos araw-araw na pagkain sa labas. Unti-unti na ring nawala ang mga manliligaw ni Carla at ang ibang mga nangungulit sa kanya. Kung kaya naman ay kinabahan ito na baka si Neil ay iwan na rin siya.

“Babe, ang taba taba ko na! Baka iwan mo na ako,” malungkot na sabi ng dalaga sa kanyang nobyo.

“Hindi babe. Masaya nga ako na mataba ka. Na hindi ka na nagpipigil na kumain ng marami,” masayang sagot ni Neil.

“Hala. Bakit naman?” Gulat na tanong ni Carla kay Neil.

“Kasi ngayong mataba ka na, lalayuan ka na ng mga nangungulit sa’yo at ng iba na pilit pa rin na nanliligaw. Dahil alam ko na ayaw nila sa mga matataba. At ako naman, kahit ano pang build ng katawan mo. Mahal pa rin kita. Kahit ano pang maging itsura mo, tatanggapin kita,” sagot ng binata. Natawa naman ang dalaga dahil hindi niya napansin agad ang motibo ng nobyo.

“Grabe! Ano ka ba naman? Kahit marami ang nangungulit sa akin, kahit na marami pa rin nanliligaw sa akin, hindi ako makikipaghiwalay sa’yo dahil ikaw lang ang nakakapagpasaya sa akin ng ganito,” natatawang sabi ni Carla.

“Tara na nga at kumain na tayo. Nagugutom nanaman ako eh,” pahabol pang biro nito.

Nagulat si Neil sa sinabi ng kanyang kasintahan. Pareho pala silang handang maging tapat sa isa’t isa. Natutunan naman ni Neil na magtiwala sa kanyang nobya. Napagtanto rin nila kinalaunan na hindi rin maganda ang pagkakaroon ng labis labis na timbang, kaya naman sabay na rin ang magkasintahan na nagbawas ng kain at nag-ehersisyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng kung ano-anong sakit dala ng katabaan.

Ngayo’y hindi na natatakot si Neil na maagaw si Carla ng ibang lalaki dahil malaki na ang tiwala nila sa isa’t-isa. Masayang-masaya naman si Carla dahil napatunayan din niyang handa siyang mahalin at tanggapin ng nobyo kahit ano pa ang kanyang hitsura.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

More Stories