Inday Trending

Inday Trending

Siniraan ng Biyenan ang Manugang sa Anak na Mayroon Itong Relasyon sa Bestfriend Nito, Natawa na Lang ang Lalaki nang Lumabas ang Totoo

Siniraan ng Biyenan ang Manugang sa Anak na Mayroon Itong Relasyon sa Bestfriend Nito, Natawa na Lang ang Lalaki nang Lumabas ang Totoo
FamilyInspiringStories

Noon pa man ay tutol na ang ina ni Jefferson na si Sonia sa relasyon ng anak kay Cheska ngunit ang nasunod pa rin ay ang gusto ng anak nito. Nagpakasal ang dalawa at itinira ng lalaki ang asawa sa poder ng ina.

Araw-araw ay dagok para kay Cheska ang makasama ang biyenan sa iisang bahay dahil wala itong ginawa kundi ang pag-initan siya.

“Hay naku, mula nang may ibang tumira dito ay naging makalat na ang pamamahay ko!” parinig ni Sonia habang nagtitimpla ng kape ang babae.

“Ako na naman siguro ang pinariringgan ng biyenan kong ito,” wika ni Cheska sa sarili.

Nagkatinginan na lamang sila ng kasambahay na si Rosie sa pagpaparining na iyon ng biyenan.

“Huwag mo na lang pansinin, ate,” sabi nito.

Sinuklian niya ng ngiti ang sinabing iyon ng kasambahay.

Minsan naman habang nanonood siya ng TV sa sala ay hinugot ng biyenan ang saksakan ng electric fan. Ang pinagtataka niya ay alam naman nitong naroon siya. Ang pinakamalala ay nang umuwi siya ng hatinggabi dahil nagkasayahan sila ng mga kasamahan sa trabaho. Nagpaalam naman siya sa asawa na gagabihin nang uwi ngunit laking gulat niya nang pagsarhan siya ng gate ng biyenan para hindi siya makapasok sa bahay. Mabuti na lang at gising pa ang kanyang mister, tinawagan niya ito sa cell phone para pagbuksan siya ng gate.

Isang araw ay dumalaw naman sa bahay nila ang bestfriend niyang si Goodie. Hindi ito nakadalo sa kasal niya dahil noong panahong iyon ay nasa Singapore ito at may trabahong inaasikaso. Pinadadala ito ng kumpanyang pinagtatrabahuhan sa iba’t ibang bansa para kumuha ng mga kliyente kaya bihira na silang magkita. Bigatin na kung ituring ni Cheska ang bestfriend kaya di sinasadya na napasarap ang kanilang kuwentuhan. Hindi niya namalayan na dumating na pala ang biyenan galing sa pagsisimba.

“Ah, eh, ma… si Goodie po. Bestfriend ko,” pakilala niya sa kaibigan.

Tiningnan lang ni Sonia mula ulo hanggang paa ang lalaki sabay ismid saka nagmamadaling umakyat sa kuwarto nito.

“Mukhang masungit ang monster este mother-in-law mo, ha!” anito.

“Naku, ganyan talaga iyan! Ikaw na ang bahalang magpasensiya,” aniya.

Ang hindi nila alam ay lihim itong nakikinig sa mga pinagkukuwentuhan nila.

Isang gabi, habang nakahiga siya sa kama ay napansin niyang umiiwas sa kanya ang asawang si Jefferson. Nakatalikod ito sa kanya at malayo ang distansya. Nag-alala siya dahil hindi naman ganoon ang ugali ng mister. Kapag nakahiga na sila sa kama ay magsisimula na itong maglambing, yayakap sa kanya at magsisimulang bumulong na hudyat na kailangan na may gawin sila sa kama ngunit ngayon ay parang nanlalamig ito at ayaw siyang katabi. Hindi niya iyon pinansin dahil baka pagod lang ito o masama ang pakiramdam.

Mula naman nang bumalik sa bansa si Goodie ay palagi itong dumadalaw sa bahay nila tuwing araw na wala siyang pasok sa opisina. Kapag naroon ang lalaki ay palaging nakasimangot at nagdadabog si Sonia. Minsan ay hindi na nito napigilan ang sarili at nagparinig na naman.

“Ano ba iyan, may asawang tao nakikipaglandian pa at sa pamamahay pa ng anak ko! Nakakahiya!” buwiset na sabi ng babae.

Nagkatinginan na lang sina Cheska at Goodie sa ginawang pagpaparinig ng biyenan. Dahil sa inasta nito ay nagpasya nang magpaalam ang lalaki.

“Sorry ha! Tinotopak na naman kasi ang biyenan ko e,” paumanhin niya sa kaibigan.

“Wala iyon, bes. Naiintindihan ko naman ang biyenan mo.”

Kinagabihan ay mainit ang ulo na umuwi si Jefferson. Panay ang dabog nito hanggang sa makapasok sa kanilang kuwarto. Dahil matagal na niyang napapansin na may kakaiba sa asawa ay kinompronta na niya ito.

“Ano bang problema at palaging mainit ang ulo mo at nagdadabog ka pa riyan?”

“Ikaw, ikaw ang problema ko at ang lalaking iyon!” sigaw ng mister.

Napakunot ang noo ni Cheska sa sinabi nito. Alam niya na ang tinutukoy nito ay ang bestfriend na si Goodie.

“Teka, nagseselos ka ba? Matagal mo ng alam na matalik kaming magkaibigan ni Goodie mula noong mga bata pa kami. Nanligaw ka hanggang ikinasal tayo ay tanggap mo ang katotohanang iyon, pero bakit ngayon ay pinagseselosan mo iyong tao?”

“Talaga lang ha? Iba kasi ang nakarating sa akin e!” anito.

“Sino bang sinungaling ang nagsabi sa iyo niyan? Dapat ay nagresearch muna siya bago ako husgahan.”

Sa sobrang galit ay nasaktan ni Jeffreson si Cheska. Sinampal ng ubod lakas ng lalaki ang asawa na ikinabuwal nito.

“Hindi ko akalaing magagawa mo akong pagbuhatan ng kamay,” maluha-luhang sabi ng babae.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes on

Tila nahimasmasan naman ang lalaki nang saktan ang asawa. Napapailing ito na lumabas sa kuwarto.

Sa ginawa ng mister ay nagdamdam si Cheska. Nag-empake ito ng mga damit at inilagay iyon sa maleta. Isinara niya ang kuwarto at nagmamadaling lumabas ng bahay. Umuwi muna siya sa mga magulang para magpalipas ng sama ng loob.

Nang dumating si Jefferson ay nadatnan nitong wala ang asawa.

“Ma, nasaan po ang asawa ko?” tanong nito sa ina.

“Malay ko at paki ko! Hanapan ba ako ng nawawalang asawa?” pilosopong wika ni Sonia.

Nang pumunta sa kusina ang lalaki ay ang kasambahay naman nilang si Rosie ang inusisa nito.

“Rosie, alam mo ba kung saan nagpunta ang Ate Cheska mo?”

Umalis po siya, kuya! Nakita ko po na may dala siyang maleta.

“Ano, saan daw ang punta?” gulat niyang tanong.

Hindi ko po alam e! Pero sana mag-usap po kayong mag-asawa. Wala pong ginagawang masama si ate,” sabi ng kasambahay.

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Kung anuman po ang iniisip niyo kay Ate Cheska ay wala pong katotohanan. Magkaibigan lang po talaga sila nung Goodie, iyong pong lalaki na palaging dumadalaw rito. Wala naman po silang ibang ginagawa kapag narito kundi magtawanan at magkuwentuhan ng tungkol sa trabaho at sa pagkabata nila. Sinisiraan lang po siya ng mama niyo sa inyo,” bunyag ni Rosie.

“Paano mo naman nasabi?” tanong pa ng lalaki.

“Kapag narito po kasi iyong lalaki ay panay ang parinig ng inyong mama ng kung ano-anong masasakit na salita. Nakakahiya nga po dun sa tao,” anito.

Hindi makapaniwala si Jefferson sa ipinagtapat ng kasambahay. Na-guilty tuloy siya sa mga ginawa niya sa kanyang asawa.

“At isa pa kuya, wala ka naman dapat ipagselos dun sa Goodie, dahil sigurado akong ‘binabae’ ang kaibigang iyon ni Ate Cheska. Kapag narito siya ay pinagmamasdan kong mabuti ang kilos niya. May pilantik ang kanyang mga daliri at kakaiba ang kembot ng baywang kaya malakas ang kutob ko na isa siyang beki.”

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes on

Natawa na lang ang lalaki sa ibinunyag na iyon ni Rosie.

Agad niyang pinuntahan si Cheska sa bahay ng mga magulang nito at humingi ng tawad sa asawa.

“Patawarin mo ako, mahal kung pinagdudahan at nasaktan kita. Sana pala ay mas pinakinggan ko ang nararamdaman ko sa iyo kaysa sa sabi-sabi ng iba,” wika ng lalaki sabay yakap nang mahigpit sa kanyang misis.

“Wala na iyon, mahal. Kinalimutan ko na ang mga nangyari. Ang gusto ko lang naman ay pagkatiwalaan mo ako, dahil ako ang iyong asawa,” sabi ng babae.

Nangako si Jefferson na pagkakatiwalaan na niya ang asawa at hindi na kailanman ito pagdududahan. Napagdesisyunan din ng mag-asawa na bumukod ng bahay para makaiwas na sa mainit na mata ng biyenan kay Cheska. Napag-alaman din ng lalaki na totoo ang hinala ng kanilang kasambahay sa tunay na pagkatao ng bestfriend ng kanyang misis. Mismong si Cheska na ang nagkumpirma sa mister.

“O, alam mo na mahal! Kaya wala kang dapat ipagselos kay BESHI!” nakangising wika ni Cheska.

“Copy, mahal! Hinding-hindi na talaga ako magseselos!” sabay halik sa labi ng misis.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

More Stories