Malagim na Winakasan ang Buhay ng Isang Pamilya, Matukoy Kaya ng Baguhang Imbestigador ang Salarin?

Malagim na Winakasan ang Buhay ng Isang Pamilya, Matukoy Kaya ng Baguhang Imbestigador ang Salarin?

KarmaMysteryStories

Masigasig na binasa isa-isa ni Jack ang mga papeles habang nagmamaneho ang kanyang kasama. Ito ang unang araw niya bilang imbestigador, matagal niya nang pinapangarap ang propesyong ito kaya ngayong natupad na ay talagang pagbubutihan niya.

“Handa ka na ba pre? Kalunos-lunos ang daratnan natin. Masanay ka na dapat, normal na ang ganito sa trabaho natin.” sabi ni Melchor, abala pa ito sa pagse-selfie, palibhasa bago ang cellphone. Sinasamantala ang traffic at nagpi-picture na hawak ang manibela.

Sinulyapan niya naman ito at tinanguan, “Siguro handa na. Hindi naman siguro nila ginalaw ang cr*me scene ano? Baka kasi may mawalang ebidensya,” sabi niya.

Umiling ang lalaki, “Hindi. Tayo lang ang may karapatang gumalaw doon. Alam mo, medyo affected ako kasi kilala ko ang pamilyang iyon eh. Mabait sina Mr. at Mrs. Gomez, pati ang anak nila. Kaya nga hindi ako makapaniwala na may gagawa pa nito sa kanila. Ang sabi ng mga kapitbahay, posibleng iyong kasambahay na pipe raw,” dagdag pa ni Melchor.

Binuklat naman ni Jack ang papeles at tiningnan ang record ng sinasabing kasambahay, si Sabel. Pipe nga ito at may ID pa ng disabled.

Narating na nila ang mansyon. Gustong mangilabot ni Jack pero kailangan niyang gampanan ang tungkulin.

May mga talsik pa ng dugo sa pader. Maraming basag na salamin sa sahig na siyang ipinangsaksak sa anak, at ipinanglaslas sa leeg ng mag-asawa. Nawawala rin ang mahahalagang gamit ng pamilya at malaking halaga ng pera.

Kumuha ng sample ng dugo si Jack,”Nasaan ang kasambahay?”

“Nasa presinto pare, pagkagaling natin sa morgue, iinterview-hin natin siya,” sabi ni Melchor.

Nang matapos siya sa pangangalap ng ebidensya ay dumiretso sila sa morgue.

Napa-sign of the cross sila pareho, walang kaluluwa lamang ang gagawa ng ganito sa kapwa. Ni hindi itinuring na tao.

Makalipas ang ilang sandali ay nakabalik na sila sa presinto, ang tagal pa ng hinintay nila bago ma-interview ang kasambahay dahil kinailangan pa nila ng translator. Isang taong nakakaintindi sa sign language ng mga pipi.

“Alam mo pare, malakas ang kutob ka na iyong Sabel nga ang gumawa. Bakit kamo? Hindi ba kapag may diperensya maski na ano sa katawan, may kakulangan na rin sa pag-iisip?” sabi ni Melchor.

“Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Eh kasi may kapitbahay kaming bingi. Ayun, parang may toyo na rin sa utak,”

Bago pa siya makasagot ay tinawag na sila sa loob ng selda. In-interview niya ang kasambahay na kay sama ng tingin sa kanilang dalawa.

Wala naman silang nakuhang ibang sagot mula rito, puro “Hindi ho ako, wala akong alam,natatakot ako.” lang ang sinasabi nito.

Ilang araw pa ang lumipas, talagang ginugol ni Jack ang oras para malutas ang kaso. Medyo nahirapan siya dahil sinira ng suspek ang lahat ng CCTV sa malaking bahay.

Araw ng Martes, masayang nagka-kape si Melchor nang makasalubong si Jack.

“Pare, hindi ka na yata natutulog. Hayaan mo na muna yan. Nahuli na ang suspek eh, ang aga aga pa o, chill muna.” sabi ng lalaki. Sinadya pang itaas ang bagong mamahaling relo.

Sukat sa pag angat ng braso ay bigla siyang pinosasan ni Jack.

“Pare, ano ito? Taragis, ayos ang trip mo ah! Tanggalin mo na!”

Sa halip na sumagot ay inakay siya nito papasok sa opisina ng kanilang chief.

“Sir, nahuli ko na ang suspek.” diretsong sabi nito sa matanda.

Takang taka ang chief, lalo na si Melchor na nagsisimula nang pagpawisan ng malamig.

Nagpaliwanag si Jack, “Mautak ka. Nag-prisinta kang sumamang mag-imbestiga para walang maghinala. Sinadya mong itirang buhay ang kasambahay na pipi dahil alam mong di siya makakapagpaliwanag ng maayos at walang maniniwala sa kanya. Para rin mailihis sa katotohanang tuwing Linggo ay bumibisita ka sa pamilya dahil kunwaring kinakaibigan mo sila.

At saan galing ang mamahalin mong mga gamit? Bakit hindi ka makatingin ng diretso sa akin? Matalino ka man, tanga ka pa rin. Dahil nakalimutan mong sirain ang CCTV sa kusina,” sabi ni Jack, inilapag sa mesa ng chief ang nakuhang CCTV footage.

Nanginginig na napasigaw si Melchor, malay niya bang masyadong seryoso itong baguhan?

Lingid sa kaalaman niya, maski na gabi ay pabalik balik ang lalaki para magmasid at mag- imbestiga.

Nakalaya ang inosenteng kasambahay at nakulong si Melchor, habangbuhay niyang pinagdusahan ang kasalanang nagawa.

Agad namang na-promote si Jack sa kanyang propesyon, hiling niya lang sa Diyos ay bigyan pa siya ng lakas at kaalaman para magawa ng tama ang kanyang trabaho.

More Stories