
Nagpaparenta ng mga Babae ang Lalaking Ito; Pati Anak Niyang Musmos, Hindi Nakaligtas sa Kaniya
“Glenda, ano pang ginagawa mo riyan? Bakit ayaw mo pang bihisan ang anak mo? Kanina pa naghihintay sa hotel ang kliyente natin!” bulyaw ni Bien sa kaniyang asawa nang makita niya itong tulala sa kanilang silid.
“Bien, kailangan ba talagang pati anak natin na wala pa sa wastong gulang, ipapasok na agad natin sa ganitong klaseng gawain? Hindi ba pupwedeng maghanap ka na lang iba? Huwag na ang anak natin, Bien,” mahinahong wika nito habang nakatitig sa kaniyang mga mata na tila ba nagmamakaawa.
“Nahihibang ka na ba? Malaki ang alok na pera sa atin ng kliyenteng ito kapag nabigyan natin siya ng limang taong gulang na bata! Kung hahanap pa tayo ng ibang bata, hindi natin makukuha nang buo ang pera!” sigaw niya rito habang hawak ito sa magkabilaang braso.
“Ayos lang kahit hindi natin ‘yon makuha ng buo, Bien, huwag mo lang sirain ang buhay ng anak natin!” sagot nito na ikinainis niya.
“Hindi ako papayag, Glenda! Kung ayaw mong bihisan ang anak natin, ako ang magbibihis!” wika niya pa saka agad na nagtungo sa silid ng walang muwang na bata.
“Huwag, Bien, maawa ka sa bata!” habol ng kaniyang asawa habang pilit siyang pinipigilan. Sa sobrang inis niya, ito’y kaniyang nasuntok sa mukha na ikinapanghina nito.
Ibang-iba sa lahat ng padre de pamilya ang lalaking si Bien. Walang ibang mahalaga sa kaniya kung hindi ang pera. Handa siyang gawin at isugal ang lahat para lang sa ikakayaman ng kaniyang bulsa.
Ito ang dahilan para kaniyang pasukin ang mundo nang pagbebenta ng mga babae. Hindi naman siya nagsisi rito dahil bukod sa nagkakapera na siya nang walang kahirap-hirap, kung saan-saang lugar pa siya nakakarating dahil dito.
Sa katunayan, pati kaniyang asawa, nagawa na niyang ipagamit sa iba, lalo na kapag may nagkakorsonadang kliyente rito. Ni hindi siya nagdadalawang isip na ito’y papasukin sa isang silid na may naghihintay na hindi niya kilalang lalaki basta’t makatanggap lang siya ng malaking halaga ng pera.
“Sa mundong ito, talo ang walang diskarte sa buhay!” palagi niyang sambit sa tuwing may gustong magrenta sa kaniyang asawa.
Kaya ganoon na lamang ang galit ng asawa niya sa kaniya. Hindi naman nito magawang makipaghiwalay dahil palagi niya itong tinatakot na babawian ng buhay.
Ngunit ngayong nagbabalak siyang pati kanilang anak ay kaniyang ipaparenta, ganoon na lang siya pinigilan nito. Pero dahil nga likas na sa kaniya ang pagkaganid, hindi niya ito inintindi. Katwiran niya pa, “Bata pa naman ‘to, hindi niya ito maaalala pagtanda niya,” saka niya ito tuluyang ginising at pinagbihis ng sexy na damit.
Nang makapagbihis na ito, agad na niya itong dinala sa nasabing hotel kahit na labis siyang pinigilan ng kaniyang asawa.
Ilang minuto lamang ang lumipas, tuluyan na silang nakarating doon at katulad ng napag-usapan nila ng kliyente niyang ito, agad nitong binigay ang isang maleta ng pera kapalit ang isang oras na kasama ang kaniyang anak.
“Sigurado po ba kayong isang oras lang?” tanong niya pa rito.
“Oo, sobra pa nga ‘yon, eh. Sa lobby ka na lang maghintay, ha?” tugon nito na kaniyang ikinatawa saka na niya iniwan doon ang umiiyak na anak.
Habang naghihintay, kumain muna siya sa isang mamahaling restawran sa ibabang bahagi ng naturang hotel at nang siya’y mabusog na, agad na siyang nagpunta sa lobby ng hotel upang hintayin ang anak.
Kaya lang, halos dalawang oras na siyang naghihintay doon, hindi pa rin bumababa ang naturang kliyente pati na ang kaniyang anak.
Doon na siya bahagyang nakaramdam ng kaba. Agad niyang binalikan ang silid na pinag-iwanan niya sa kaniyang anak at halos manlumo siya nang makitang duguan na ito. Wala na ang mga lamang loob nito. Isang puting papel na may mensahe lamang ang kasama nito, “Salamat, Bien!” na labis niyang pinanggigil at pinagsisihan.
Agad itong nakarating sa kinauukulan at inaksyunan ang naturang kr*men. Doon na nabunyag ang masamang negosyo niya dahilan para kahit hindi siya ang gumawa nito sa kaniyang anak, pati siya ay kinulong at kinasuhan ng kaniyang asawa.
“Patawarin mo ako, Glenda, mahal ko! Hindi ko gustong mawala sa atin ang anak natin!” iyak niya habang sila ay nasa korte.
Ilang araw lang ang lumipas, natunton din ng mga pulis ang kaniyang kliyente na isa pa lang doktor at ang negosyo pala nito ay ang pagbebenta ng mga lamang loob ng bata sa mga nangangailangan.
Katulad niya, ito rin ay nakulong. Natanggalan pa ito ng lisensya at sinentensyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo.
Ang perang pinag-ipunan niya, lahat ngayon ay nasa kamay ng kinauukulan.
“Bakit ba nagpalinlang ako sa pera? Nawala ko tuloy ang anak ko!” sigaw niya sa kaniyang selda.