Kahit Minahal at Sustentado pa ng Matandang Lalaki ang Babae ay Nagawa pa rin Nitong Pumatol sa Mas Batang Lalaki; Mabilis ang Singil sa Kaniya ng Karma

Maganda si Alwina kaya nagawa niyang pumatol sa ‘DOM’ o matandang lalaki na ubod ng yaman.

Nakilala niya sa pinapasukang club si Mauricio, isang kilala at maimpluwensiyang negosyante. Madali niyang napa-ibig ang matanda sa taglay niyang kagandahan kaya kahit sukang-suka siya sa tuwing kasama niya ito ay pinagtitiyagaan niya. Siyempre, dahil sa pera kung bakit siya nakikisama kay Maurcio. Sa laki ng sustentong ibinibigay nito sa kaniya ay buhay reyna na siya. Pinatigil na siya ng lalaki sa pagtatrabaho sa club at binigyan pa siya nito ng sarili niyang condo unit sa Makati.

“Here’s your allowance, Alwina,” sabi ni Mauricio sabay abot ng tseke sa babae.

“Naku, salamat, Mauricio. Napakalaki nito!” tuwang-tuwang tugon ni Alwina nang mapasakaniya ang malaking halaga ng pera na ibinigay ng matandang kinakasama.

“May business trip ako sa Cebu at one week ako roon. Hindi ka naman maiinip dahil kumpleto ang gamit dito sa condo mo at sapat na ang sustento ko sa iyo para makapaglibang ka. Sa cell phone na lang tayo magbalitaan, okay?” saad pa ni Mauricio.

Ngunit sa kabila ng pakikipagrelasyon kay Mauricio ay may ibang pinagkakaabalahan si Alwina. Nakikisama lang naman siya lalaki dahil pineperahan niya lang ito at walang pagmamahal na involved, pero iba na kapag kasama niya si Irwin.

“Irwin, honey!” sigaw ni Alwina nang puntahan nito ang lalaki.

“Hey! Akala ko’y hindi ka na pupunta rito. Balak ko na sanang bumalik dun sa…”

Advertisement

“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin! Just stay here… hindi naman kita pinababayaan, ‘di ba?” sagot ni Alwina.

“Oo nga, eh! Pero minsan-minsan ka lang kasing magpakita. Naiisip ko tuloy na gutom lang ang aabutin ko sa iyo. Sabi ko sa saili ko na babalik na lang ako sa bar at least, malaki ang kita ko dun,” wika ng lalaki.

Si Irwin ang lalaking kinalolokohan ni Alwina. Nakilala niya ito sa g*y bar nang minsan siyang pumunta roon. Batang-bata rin at ubod ng guwapo si Irwin na isang macho dancer kaya madaling nahulog ang damdamin niya sa lalaki. Dahil mahal na mahal niya ito’y pinatigil niya ito sa pagtatrabaho sa g*y bar at binigyan din ng sarili nitong condo unit. Malaki ang nakukuha niyang sustento kay Mauricio kaya ang iba rito ay ibinubuhos niya kay Irwin.

“Don’t do that, Irwin. Kayang-kaya kitang sustentuhan, honey!” tugon niya.

Kaya niyang sustentuhan ang lalaking pinakamamahal niya, sustentong galing sa sugar daddy niyang si Mauricio. Mahal na mahal din siya ng matanda, mula nang mabiyudo ito ay ngayon lang ulit ito nagmahal ng babae kaya nga napakasuwerte niya na siya ang nagustuhan nito. Iginagalang din siya ni Mauricio, kahit may relasyon sila ay wala pa ring nangyayari sa kanila. Ayaw din nitong itira siya sa sarili nitong bahay dahil nga hindi pa sila mag-asawa, pangit daw tingnan. Konserbatibong tao si Maurcio kaya nga binilhan siya ng condo para roon sila nagkikita na dalawa. May plano na rin silang magpakasal kaya lang ay sobrang busy ni Mauricio sa Mga negosyo kaya hindi nila magawang asikasuhin iyon. Wala rin itong mintis sa pagsustento sa kaniya, pero eto siya’t nagsusustento sa ibang lalaki. Lalaking, mas bata, mas sariwa at mas mahal niya, pero ang totoo’y mahal din ba siya nito?”

“Huwag na huwag mo akong iiwan, Irwin. Hindi-hindi ko makakaya na iwan mo ako. I love you!” buong paglalambing na sabi ni Alwina sa lalaki.

“Okay, you can have me, but you have to pay me,” sagot ni Irwin.

“Alam ko, Irwin. Kaya nga ginagawa ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan,” aniya.

Advertisement

Hindi maalis sa isip ni Alwina ang ginagawa niya. Tinatawanan na lang niya sa isip ang sarili niya. Bakit nga ba niya pinagsisiksikan ang sarili sa lalaking hindi naman siya mahal at sinusustentuhan pa niya?

“Bakit nga ba? Ang g*ga at ang tanga-tanga ko,” sambit niya sa isip. “Pero, siya kasi ang mahal ko, ang itinitibok nitong hibang kong puso,” saad pa niya.

Naisip din niya si Mauricio. Ang matandang lalaki na kahit ubod ng yaman ay nagawang umibig sa sa tulad niya na isa lang serbidora sa club. Sukdulang sustentuhan siya at gastusan. Napagtanto niya na kahit mahal siya nito at ginagastusan pa ay mas mahal niya ang isang lalaking gaya rin niyang pera lang din ang hangad.

Ngunit wala talagang lihim na hindi nabubunyag. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa kaya isang araw…

“Akala mo ba ay hindi ko malalaman na may kinalolokohan kang ibang lalaki? Isang macho dancer sa isang g*y bar at Irwin ang pangalan? Ano? Totoo, ‘di ba? Huwag mong tangkain pang magsinungaling dahil huling-huli ka na!” galit na galit na sabi ni Mauricio nang pumunta ito sa condo ni Alwina.

Hindi nakapagsalita si Alwina. Nasaksihan niya ang sobrang galit sa mukha ni Mauricio.

“Wala kang utang na loob! Ibinibigay ko na sa iyo ang lahat, minahal kita at balak na pakasalan pero sa isang macho dancer ka lang pala magpapakag*ga nang husto? Magsama kayo ng lalaki mo! Tingnan natin kung ano ang mapapala mo sa kaniya, kung ano ang maibibigay niya sa iyo! Mula ngayon ay wala ka nang mahihita sa akin, tapos na ang lahat sa atin, Alwina!” singhal pa ng matanda saka tuluyan nag umalis.

Natigilan si Alwina at napaluha na lang sa isang tabi. Ipinagpasalamat niya na kahit sobrang galit na galit si Mauricio ay hindi man lang siya nito nagawang saktan. Ngunit tumatak sa isip niya ang sinabi nito, ano nga ba ang mapapala niya kay Irwin?

Advertisement

Tuluyan na siyang hiniwalayan ni Mauricio. Binawi rin ng matanda ang condo unit na ibinigay nito sa kaniya. Sa ngayon ay wala na siyang ibang mapupuntahan kundi si Irwin, ang lalaking sinusustentuhan niya dahil mahal na mahal niya. Mas gusto niya talaga si Irwin dahil bukod sa bata pa ay hindi tulad ni Mauricio na mahina na ang tuhod.

Ngunit tangkang papasok pa lang siya sa pinto ng condo unit ni Irwin ay may narinig siya…

“I said it very clear, Irwin… kung wala kang maibibigay ngayon… sorry na lang,” wika ng isang babae.

“Please, huwag mo akong iwan, Lorna! M-may hinihintay pa akong perang parating,” sabi naman ni Irwin sa kausap.

“Eh, kailan naman ‘yon? Ubos na ang pasensiya ko sa iyo!” anas pa ng babae.

“N-No… wait!” sigaw ni Irwin.

Dahil sa narinig ay lakas loob na binuksan ni Alwina ang pinto at tumambad sa kaniya ang katotohanan…

“I just want to be clear, Irwin, ang sustento ko or you won’t see me anymore!” malakas na sigaw ng babae.

Advertisement

“Sandali lang, please, huwag kang umalis, I love you, Lorna!” pakiusap ni Irwin sa babae.

Nang makita siya ng dalawa ay gulat na gulat ang mga ito.

“A-Alwina?!”

“Who’s this girl? Maid mo? Hmp! Makaalis na nga!” mataray na sambit ng babae saka nagmamadaling umalis.

Hindi nakakibo si Irwin sa katotohanang sumampal kay Alwina. Labis na nanghina ang buong katawan ni Alwina. Ang rebelasyong nasaksihan niya ay sapat ng kabayaran sa kag*gahang ginawa niya. Nagising siya sa katotohanan na ang lalaking kinababaliwan niya at sinusutentuhan ay nagawang isustento sa iba ang sustentong ibinibigay niya. Ipinagpalit siya ni Irwin sa mas bata at mas magandang babae na sinusustentuhan din pala nito para hindi ito iwan ng babae at ang perang ibinibigay sa kabit ay ang perang galing mismo sa kaniya. Laking pagsisisi niya kung bakit pinili niya si Irwin na hindi na nga siya mahal ay isa pang taksil. Bukod sa wala na siyang aasahang sustento ay wala na rin siyang babalikang trabaho sa club dahil nakahanap na ang may-ari ng dati niyang pinagtatrabahuhan ng kapalit niya na mas bata at mas maganda kaysa sa kaniya. Loveless na nga, jobless pa ang kaawa-awang si Alwina.

Hinayang na hinayang si Alwina sa ipinalit niya sa mayamang matanda na si Mauricio na kahit uugod-ugod na ay totoo namang minahal siya. Pinakawalan niya ang pagkakataong magkaroon sana ng pamilya at magandang pamumuhay sa piling ni Mauricio. Magsisi man siya ay huli na dahil hindi na siya muling makakahiga pa sa malambot na kama dahil mas pinili niyang mahiga sa matigas na papag.