Inday Trending

Inday Trending

Galit na Galit ang Lalaking Ito sa Aso ng Kanilang Kapitbahay Kaya Naman Pinagplanuhan Niyang Wakasan ang Buhay ng Kawawang Nilalang, Magtagumpay Kaya ang Lalaki?

Galit na Galit ang Lalaking Ito sa Aso ng Kanilang Kapitbahay Kaya Naman Pinagplanuhan Niyang  Wakasan ang Buhay ng Kawawang Nilalang, Magtagumpay Kaya ang Lalaki?
FunInspiringStories

Pitong taong gulang lamang noon ang binabaeng si Giana nang siya ay sunggaban at kagatin ng isang malaking aso kaya naman lumaki siyang may trauma sa hayop na iyon.

Image courtesy of www.google.com

“Peste! Ang malas ko naman talaga oh. Bagong lipat lang ako dito pero hindi ibig sabihin na hindi ako pwedeng magreklamo,” wika ng lalaki sa sarili saka ito tumayo at binuksan ang kaniyang bintana.

Image courtesy of www.google.com

“Tang*na naman! Yung aso niyo patahimikin niyo nakakaistorbo sa mga natutulog,” sigaw ng lalaki na ginamit ang kaniyang malaking boses. Halos napaatras siya nang makitang isang malaking asong itim ang tumahol pa nang tumahol sa kanya at agad niyang isinira ang bintana niya.

Image courtesy of www.google.com

Hindi na gumaling ang trauma ni Giana sa mga aso, kahit maliit at cute pa ito ay ayaw na talaga niya sa kahit anong uri na may buntot at kumakahol.

Kinaumagahan ay bwisit na bwisit si Gianang bumangon dahil hindi naman siya nakatulog sa lakas ng tahol ng aso at lumabas ito kaagad para abangan ang may-ari.

“Hoy! Yung aso niyo naman ‘day, ngawa nang ngawa. Hindi ako makatulog. Call center agent ho ako at kailangan ko ng mahimbing na tulog,” sigaw niya sa babaeng nasa kabilang bahay na may hawak ng aso.

“Pasenya na ho kayo, tumatahol lang naman ito kapag may hindi magandang nakikita,” sagot naman ng babae ngunit dahil bwisit na bwisit siya ay binagsak na niya lang ng pinto ang babae at mas piniling magsumbong sa may-ari ng kanilang apartment na tinitirahan.

“Aling Marga naman, hindi ako nakatulog kagabi sa kakatahol ng aso. Kung alam ko lang na may aso yung kapitbahay naming ay baka hindi na ako lumipat dito,” nakabusangot na wika ni Giana.

“Naku pasensya ka. Matagal na iyang asong iyan dito at malaki ang pasasalamat namin diyan kaya hindi ko sinisita, marami na kasing naitaboy na masamang loob ang kahol ng asong yun,” sagot naman ni Aling Marga.

Image courtesy of www.google.com

Hindi na lamang sumagot pa si Giana at umalis na ito papasok sa trabaho. Naisipan niyang humanap na ng ibang apartment dahil hindi siya makakatagal sa lugar na iyon, hindi niya kakayaning parating tumatayo ang balahibo niya ay palaging mabilis ang tibok ng kaniyang puso.

“Taragis, friend! May aso yung kapitbahay namin. Baka naman may alam ka diyang bakanteng ibang apartment lilipat na lang ako, alam mo naman na hindi kaya ng puso ko kapag may aso,” saad ni Giana sa kaibigang si Arthur.

“Hala, ‘di mo knows na may dog? E ‘di ba maganda yung lugar na nalipatan mo, chugiin mo nalang ang aso! Pakainin mo ng tsokolate!” tumatawang sagot sa kanya nito.

Image courtesy of www.google.com

“Ginawa mo pa akong makasalanan! Basta-basta ha, pag may alam ka naman sabihan mo kaagad ako kasi aalis na talaga ako dun at ‘di ko na kaya,” wika pa muli ni Giana.

Mag-aalas dose na ng gabi at pauwi pa lang siya, lasing at galing ng gimikan kaya pa-gewang-gewang na ang lakad niya. Bubuksan na sana niya ang kaniyang pintuan ngunit naisip niyang may tsokolate siya sa bag,

“Paano kaya kung ibigay ko ito dun, hik,” tumatawang tanong ni Giana sa sarili sabay labas ng isang malaking Toblerone.

Image courtesy of www.google.com

“Kaso sayang naman kapag binigay ko lahat, hik. So hahagisan ko nalang siya ng paisa-isa mamaya,hik,” dagdag pa nito sabay bukas ng kaniyang pintuan. Hindi na nakapag hilamos pa ang lalaki at diretso na itong nahiga sa kaniyang kama at wala pa yatang limang minuto ay nagtatahol ang aso ng kanilang kapitbahay.

Binuksan nya kaagad ang bintana at nakitang tinatahulan nito ang isang lalaking naka-itim na may bitbit na bag. Nawala ang kalasingan ni Giana at doon napagtantong magnanakaw ang lalaki. Nakikita niyang inaamo ng lalaking naka-itim ang aso sa ‘di niya malamang kadahilanan ay nagsisisigaw siya para magising ang mga kapitbahay.

“Ahh! Magna! Tulong!” malanding sigaw ni Giana ngunit nakatago siya dahil ayaw niyang makita siya ng lalaki. Mabuti na lang matalino ang aso dahil hindi ito umamo doon at aambang susugurin na ng aso ang lalaking naka-itim kaya napa-atras ito nabitiwan ang bag. Doon nagsi-andar ang ilaw ng kaniyang kapitbahay at mabilis na tumakbo ang lalaki, hindi na hinabol ng aso bagkos kagat kagat nito ang bag na iniwan ng magnanakaw.

Dali-dali rin siyang lumabas ngunit hindi nakapagbukas ng pinto dahil nasa harapan ang aso.

“Sa’yo yata itong bag na kagat ni Bran, pwede kang lumabas at hindi ka niya kakagatin,” wika ng ale na may-ari sa aso.

“Ito oh, trained kasi ang aso ko para sa mga magnanakaw,” sabay ngiti ng babae sa kanya at inabot ang bag. Hindi naman tumahol ang asong kaninang galit na galit imbes nilabas lamang nito ang kaniyang dila. Doon napagtanto ni Giana na siya pala ang nilooban ng magnanakaw at dahil sa dulong bahay sya nakatira kaya naharangan ito ng aso.

Image courtesy of www.google.com

Isip-isip ng lalaki na kung kinitil niya ang buhay ng kawawang nilalang ay malamang umiiyak na siya ngayon dahil natangay ang kanyang pitaka na sinungkit mula sa bukas niyang bintana. Mula noon ay hindi na niya pinag-initan pa ang aso at unti-unti ring nawawala ang kaniyang trauma dito lalo na’t araw-araw na niyang nahahawakan ang cute na si Bran.

More Stories