Matapos Ipahiya ni Misis ang Mister ay Nakipaghiwalay Siya Rito; Magalit Din Kaya ang mga Anak Nila sa Kanilang Ama?

Matapos Ipahiya ni Misis ang Mister ay Nakipaghiwalay Siya Rito; Magalit Din Kaya ang mga Anak Nila sa Kanilang Ama?

FamilyInspiringStories

Galit na sinugod ni Jamaima ang asawang si Nestor at ang kabit nitong nakilala niya sa pangalang Vien. Nang makalapit ay agad niyang sinabunutan ang buhok ng babae at pinagsasampal.

“Ang kapal ng mukha mong hitad ka!” Sigaw ni Jamaima, habang mahigpit na nakahawak sa buhok ni Vien.

Agad naman siyang inawat ni Nestor dahil nakita na nitong nasasaktan si Vien. Marami na ring taong nakikiusyoso sa paligid. Nakiki-tsismis, may iba pang tila nasisiyahan at nanggigigil sa babaeng sinasabunutan.

“Tama na iyan, Jamaima!” Mariing sigaw ni Nestor, saka buong lakas na pinaghiwalay ang dalawang babae.

Nang mabitawan ni Jamaima ang buhok ni Vien ay agad niyang nakitang niyakap ni Nestor ang babae, dahilan upang mas lalong tumaas ang galit niya sa babae at sa asawa.

“Ang kapal ng mukha niyong dalawa!” Mangiyak-iyak na sigaw ni Jamaima sa inis.

“Aminado akong nagkamali ako sa’yo, Jamaima. Pero sa tingin mo ba tama ang pagpapahiyang ito? Nabawasan ba ang galit mo sa’min? Nabawasan ba ang kasalanan namin sa’yo?!” Inis pang wika ni Nestor.

Agad namang narinig sa buong paligid ang malakas na pagsinghap ng mga taong nakikiusyoso.

“Hindi! Ni katiting Nestor, walang nabawas sa lahat ng sinabi mo,” matatag na sagot ni Jamaima. “Sa nararamdaman kong sakit at galit ngayon sa palagay mo ba may puwang pa ang hiya sa’kin? Ang sakit-sakit ng ginawa niyo sa’king panloloko! Nakiusap ako sa’yo, Vien, na tama na,” aniya sa hirap na hirap na boses. Ayaw niyang umiyak ngunit ayaw magpapigil ng kaniyang mga luha.

“Kahit ako ang asawa, lumuhod pa ako sa’yo para lang tigilan mo na ang pakikipag-relasyon sa asawa ko. Hindi na lang para sa’kin kung ‘di para na lang sa mga anak namin. Ngunit niyurakan mo ako. Niyurakan mo ang kapwa mo babae, at hindi ka natakot na baka balikan ka ng karma sa ginawa mo!

Sa palagay mo ba sa pagsugod ko sa’yo ngayon ay may balak pa akong ayusin ang pamilyang pilit kong binubuo, ngunit pilit mo namang winawasak?!” umiiyak na wika ni Jamaima.

Muling umugong sa buong paligid ang malakas na singhapan ng mga taong nanunuod.

“At ikaw naman, Nestor! ‘Di ba mas kaya mong mawala kami ng mga anak mo kaysa ang mawala si Vien? Sige! Ibibigay na kita sa kaniya. Saksi ang mga tsimosang naririto ngayon, ibinibigay na kita sa kaniya. At tama ka!

Wala akong napala sa pagsugod sa babae mo kung ‘di pagpapahiya sa sarili ko. Pero alam mo bang kahit papaano’y gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Kasi kahit papaano, nasuklian ko sa pisikal na paraan ang sakit na dinulot sa’kin ng babaeng iyan!” Ani Jamaima saka nagsimulang maglakad palayo sa mga ito.

Masakit! Aminado si Jamaima na walang makakapagsabi sa sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Ngunit sa loob ng dalawang taong mahigit na panloloko ni Nestor at Vien sa kaniya’y sapat na iyon upang maging handa siya sa araw na ito.

Handa na siyang kalimutan ang lahat ng sakit na ginawa ng asawa at ng kabit nito. Kasama naman niya ang kaniyang tatlong anak na sina Zaren, Kaye at Nayumi. Alam niyang makakayanan niya ang lahat. Kakayanin niya, para sa mga anak niya.

Makalipas ang tatlong buwan.

“Mama, nabalitaan niyo na po bang ikakasal na si Papa at Si Vien?” Wika ni Zaren.

Kinse anyos na si Zaren noong nagdesisyon si Jamaima na iwanan na si Nestor. Habang dose anyos naman si Kaye at otso anyos naman si Nayumi. Malalaki na ang mga anak niya kaya alam niyang naiintindihan na ng mga ito ang nangyari.

“Gano’n ba? Gusto niyo bang um-attend sa kasal ng papa niyo?”

“Pwede po ba mama?” Wika ni Kaye.

“Oo naman mga anak. Alam niyo, malaki ang naging kasalanan ni papa niyo at ni Vien sa’kin. Pero hindi ibig sabihin no’n ay pati kayo magalit sa papa niyo. Baliktarin natin ang mundo, si Papa Nestor niyo pa rin ang totoo niyong ama. Kaya oo naman, pwede kayong pumunta sa kasal nila,” ani Jamaima.

“Thank you po mama,” sabay na wika ng mga anak niya.

Hindi kailanman ninais ni Jamaima na kasuklaman ng mga anak niya si Nestor. Malaki man ang kasalanan ni Nestor at Vien sa kaniya— sa kaniya lang naman ang dalawa may atraso. Hindi sa mga bata.

Kahit hiwalay na si Nestor at Jamaima ay hindi naman pinutol ni Nestor ang pagsuporta sa mga anak niya. Kaya walang dahilan upang i-brain wash niya ang mga ito.

More Stories