Inday Trending

Inday Trending

Nakaugalian ng Binatang Ito ang Matulog Kahit Busog, Kaya Naman Hindi Inasahan ng Kaniyang mga Magulang ang mga Sumunod na Nangyari

Nakaugalian ng Binatang Ito ang Matulog Kahit Busog, Kaya Naman Hindi Inasahan ng Kaniyang mga Magulang ang mga Sumunod na Nangyari
FunInspiringStories

“Sinasabi ko naman sayong bata ka! Tumayo ka diyan, kakain mo lang e nakahiga ka na kaagad. Napakabatugan ng style mo anak,” wika ni Aling Sally, ang nanay ng lalaki, sabay hampas ng tuwalya sa binti ng anak.

Image courtesy of www.google.com

“Ma, ano ba? Batugan agad? Hindi ba pwedeng ayaw ko lang magkabilbil, kaya humihiga ako para flat at hindi maipit,” sagot naman ni Julius ang nag-iisang anak ng ale.

Image courtesy of www.google.com

“Mag-ama talaga kayo ng tatay mo! Parehas na malas at gaba ang mga paniniwala niyo,” baling muli ng ale at saka hinapas rin ang kaniyang asawang si Mang Jojo.

“Alam mo mahal, huwag mo na lang kaming paki-alamanan dahil hindi mo naman kami pinalaking batugan. Sadyang naka-ugalian na lang naming itong paghiga pagkatapos kumain, huwag mo ng gawan pa ng issue dahil mangungulubot ka lang kakasermon,” tumatawang sagot ng kanyang mister. Parehas na naglalaro ng poker ang mag-ama sa kani-kanilang mga cellphone.

Image courtesy of www.google.com

Iniwanan na lamang ng ale ang dalawa at itinuloy ang paghuhugas nito ng mga pinagkainan nila. Dahil araw ng linggo ay nakaugalian na nila ang maging bonding ang pagkain ng sabay-sabay. Pare-parehas kasing nagtratrabaho ang mga ito. Si Julius na 24 anyos ay pumapasok bilang isang call center agent, si Mang Jojo at Aling Sally naman ay parehas na Janitor.

“Julius, ‘yong mga kaibigang sinasamahan mo riyan sa trabaho mo e piliin mo naman, anak. Puro inuman na lang ata at bisyo ang ginagawa niyo e,” saad ng ale habang nagwawalis ng kanilang bahay.

“Oo nga anak, hindi naman sa pinagbabawalan ka naming makipagbarkada. Pero simula nang mapasok ka sa call center na yan ay mas malakas ka pa sa’kin uminom at manigarilyo,” dagdag naman ng kaniyang amang nakahiga pa rin.

“Hindi naman ho, nakikisama lang naman ho ako sa mga katrabaho ko. Alam niyo na, bagong salta kaya kinukuha ko pa ang loob nila. Saka sa call center, hindi na maiiwasan ang hindi manigarilyo, pampagising kasi talaga. Kaya naman umiinom para makatulog agad, lalo na pag night shift ka tapos ‘di ka pa sanay, minsan ‘di talaga nakakatulog sa umaga,” paliwanag pa ng kanilang anak na si Julius.

Dahil sa hirap ng buhay ay 2 year course lang ang natapos ni Julius ngunit hindi naman matatawaran ang pagiging mabait ng binatang ito sa kaniyang mga magulang. Simula’t sapul kasi ay siya na ang nagpa-aral sa kaniyang sarili at hindi ito humingi sa kaniyang mga magulang at ngayon ngang nagtratarabaho na ang anak ay parating buong sweldo pa rin ang binibigay ng binata at humihingi na lang sa pangangailangan nito araw. Wala pang nobya ang lalaki dahil mas hilig nito ang paglalaro ng computer at cellphone.

“E yun na nga anak, pumapangit ang kalusugan kapag sa call center nagtratrabaho. Hindi mo na napapansin? Pag umuuwi ka dito sa bahay ay kakain ka lang tapos matutulog ka kaagad ni hindi ka man lang nagpapababa muna ng busog. Masama kasi sa kalusugaan ang ganoon, pwede ka naman nang magresign diyan at humanap ng ibang trabaho anak, yung normal ang pasok at hindi naapektuhan ang kalusugan mo,” wika pang muli ng ale.

“Huwag kang mag-alala sa akin ma, malakas at bata pa ako,” tumawang sagot naman ng lalaki.

Halos magdadalawang taon na itong pumapasok sa kaniyang trabaho at kaakibat din nito ang kaniyang napapadalas na pag-inom ng alak at pagkain ng pagkain ngunit dahil mabilis daw ang panunaw ng binata kaya naman hindi siya tumataba. Katulad ngayon, kukumbinsihin pa sana ng ale ang anak ngunit paglingon niya ay humihilik na ito.

Isang araw, ay kakauwi lamang ng trabaho ni Julius at kaagad siyang nagpahain ng mainit na noodles sa ina. Kakapalit lamang kasi ng schedule ng binata na mula sa pang gabi, ngayon ay pang-umaga naman siya at nais niyang makatulog kaagad.

Hinigop nito ang mainit na sabaw ng noodles at saka nagyosi sa labas, wala pa mang limang minute ay humiga na ang binata at natulog. Nais mang pigilan ng ale ngunit naawa nalang siya sa anak dahil nakikita niyang labis ang pagod nito.

Alas onse na ng gabi at habang nasa kasarapan ng tulog ang binata ay nagulat ang kaniyang ina na tila naninigas ang kaniyang anak.

Image courtesy of www.google.com

“Julius! Anak? Gising, anak! Binabangungot ka,” wika ng ale saka sinampal ang kaniyang anak at tinapik na rin ang asawa nito para tulungan siya.

Tumindi pa ang paninigas ng katawan ng lalaki hangang sa sinampal ito ng malakas na malakas ni Aling Sally.

“Aray!” sigaw naman ni Julius na nagising na rin sa wakas.

“Binabangungot ka, ang tagal ka naming ginigising anak,” saad ng ale sabay yakap nito dito.

“Okay na ako ma, ayos na ako,” baling naman ng binata. Babalik na sana sila sa kanilang naputol na pagtulog ng sumigaw ang kanilang kapitbahay at nanghihingi ng tulong. Agad naman nilang pinuntahan ito.

Doon nakita nilang niyuyugyog ang binatang si Alvin na katrabaho ni Julius, dahil wala na itong malay. Agad nilang isinugod ito sa ospital at sabi ng doktor ay mabuti na nga lang at naitakbo nilang kaagad dahil kung nahuli sila ng lima pang minuto, malamang wala na ang lalaki.

“Katatapos niya lang kumain dok, pero natulog siya kaagad. Tapos napansin ko na lang ho na hindi na siya humihinga,” umiiyak na wika ni Aling Milda, ang nanay ni Alvin.

“Ayon po sa pagsusuri naming ay mayroong pancreatitis ang pasyente, namamaga po ang kaniyang pancreas at mga bituka. Kadalasan, nakukuha ho ito sa madalas na pag-iinom at hindi magandang habit sa pagkain. Katulad nga po ng sinabi niyo na kakakain lamang ng pasyente ngunit natulog na siya kaagad, maaring isa ho ito sa naging sanhi ng kaniyang pagkawala. Marami pa hong kaming titingnan at babalikan na lang naming kayo,” paliwanag ng doktor.

Image courtesy of www.google.com

“Dok, sandali lang po. Ibig sabihan pwedeng madedo ‘pag natulog agad matapos kumain?” malakas na tanong ni Julius sa doktor.

“Pwede, pero depende sa pasyente at sa kalusugan ng isang tao. Lagi nating tatandaan na kapag natutulog tayo ay nagpapahinga rin ang ating mga organs, kaya nahihirapan silang tunawin ang mga pagkain dahil tulog na yung ibang pwedeng tumulong sa kanila, katulad ng ating mga bituka, na dapat tulungan ang isat-isa para matunaw at maisantabi ang ating kinakain. Hindi lamang ito nakukuha sa isang beses na ginawa ng tao, kundi sa paulit-ulit na pagtulog ng busog. Katulad ng sa dinala niyong pasyente, namaga ang kaniyang pancreas maaring isa ito sa naging dahilan, kaya babalikan ho naming kayo at titingnan lang muna naming siya,” wikang muli ng doktor saka ngumiti sa kanila.

Ilang araw lang ang lumipas at nakalabas naman si Alvin na labis na ipinagpapasalamat ng lahat. Nagyon ay naging aral sa marami ang nangyari kay Alvin. Lalo na sa mag-amang si Julius at Mang Jojo, hindi na sila humihiga at natutulog ng busog, naiwasan na rin ni Alvin ang kaniyang pag-inom ng alak at mas dinalasan pa ang pag-eehersisyo.

More Stories