Inday TrendingInday Trending
Tsismis Ka Lang, Pamilya Kami!

Tsismis Ka Lang, Pamilya Kami!

“Hoy Lourdes magbayad ka na! Ngayon na ang due date mo! Ano gusto mo nanamang tubuan ko ito?” anang isang tsismosa sa kanila. Parang si Matutina ang tining ng boses nito.

“Eh Aling Berna, diba po sabi ko sa katapusan na? Wala pa pong sweldo si Badong e. Pasensya na po kayo, sige po tubuan niyo na lang po.” malumanay na ani Lourdes.

“Hay naku kayo talagang mag-asawa gusto niyo atang yumaman sa utang. Akala niyo ba pinupulot ko lang ang pinapautang ko sa inyo,” ika ng babae habang unti-unting humuhina ang bosesm naglalakad na kasi palayo.

Nagising si Jerald sa ingay na nagawa ng nagpapautang na yon. Siya ang kaisa-isang anak nila Badong at Lourdes. Mahirap man ang kanilang buhay, masaya naman siya sa piling ng mga magulang.

Labing tatlong na taong gulang na siya ngunit hindi pa rin niya nararanasang makipaglaro sa mga bata sa barangay nila. Gustuhin man niya, palagian siyang tinataboy ng mga ito. Palagi siyang tinutukso. At sa tuwing lalabas siya, naririnig niya na palaging pinag-uusapan ang mga magulang niya.

Minsan siyang inutusan ng nanay niyang nagluluto na bumili ng sardinas sa sari-sari store malapit sa kanila. Ayaw niya sanang lumabas dahil para siyang sinasaksak sa tuwing naririnig niya ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang magulang, pinili niya pa ring sundin ang kanyang tatay.

Paglabas niya ng bahay, nakita niya na agad ang nakatumpok na mga ale sa tabi ng tindahan.

Huwag mo silang pansinin Jerald. Huwag mo silang pakinggan. Ang mahalaga makabili ka ng sardinas para makakain na kayo nila Mimi at Dada, okay? pangungumbinsi ni Jerald sa sarili.

Matagumpay namang siyang nakabili ngunit bago siya makaalis, napatigil siya sa kanyang narinig.

“Yan? Iyang batang yan? Ampon lang daw yan nila Badong. E diba dating manggugupit ng buhok yon? Ayon kinupkop lang daw yan dahil gusto ibaon ng buhay ng tunay na magulang.” ika ng isang ale, halatang pinarinig sa kanya ang buong detalye, nagsimulang magbulungan ang mga ito.

Pagkarinig niya ng mga salitang iyon, dali-dali siyang tumakbo papasok ng bahay. Inilapag niya lang ang nabiling sardinas sa lamesa saka nagkulong sa kwarto.

“Jerald, anak! Halika na andito na si Mimi mo! Kain na tayo!” sigaw ng kanyang Dada.

Tahimik lang siyang kumain. Habang ang mga magulang niya naman ay nagdidiskusyon patungkol sa utang nila doon sa babaeng naniningil kanina.

“Ayos lang na tubuan niya Lourdes, wala e, wala pa akong sweldo. Hayaan mo mababayaran rin natin yon. Huwag kana malungkot dyan. Nakikita ng anak natin kung gaano ka kapangit kapag naiyak o.” biro ni Badong, dahilan para mapatawa si Jerald.

“Okay ka lang ba anak? Bakit parang matamlay ka? Hindi ba masarap ang luto ko? O naglulungkot-lungkutan ka para damayan ako?” ani Lourdes.

“Ah wala po, may narinig nanaman po kasi akong kwento sa labas.” tapat na sabi ni Jerald.

“Nak, sabi sayo huwag mo na sila pansinin e. Nabuhay ata yan sila para husgahan kaming dalawa.” ika ni Badong.

“Hindi po sa inyo, narinig ko po na ampon lang daw ako. Anak daw po ako ng isa sa mga ginugupitan mo ng buhok noon.” nakatungong ika ng bata.

Nagtawanan nang malakas ang kanyang mga magulang sa narinig. Halos hindi na makahinga ang mga ito.

“Nak? Naniniwala ka don? E halos lumuwa nga ang mga mata niyan nila noong mabuntis ako! Ako kaya ang trending dito sa barangay noong pinagbubuntis kita! Tapos ngayon gagawa sila ng usapan na ganyan? Mga tao nga naman sa barangay natin o!” patawa-tawang sabi ni Lourdes.

“Nak, huwag ka maniwala doon. Naiinggit lang yan sila kasi kahit kakaiba yung pamilyang mayroon tayo, kita mo ang saya-saya natin? Nakakainis nga e, pinalungkot nila ngayong araw ang anak ko? Hindi ko sila mapapatawad!” ika ni Badong, tinusok ang kutsilyo sa lamesa habang nakapamewang, malakas silang nagtawanan.

“Nak! Gusto mo laro tayo tumbang preso sa tapat?” yaya ni Lourdes.

“Talaga po? First time ko makakalaro non! Tara na po! Hanap lang ako lata!” excited na ani Jerald.

Masayang naglaro sa tapat ng bahay ang kanilang buong pamilya. Hindi nila alintana ang mag mata’t bibig na nakamasid sa kanila, dahil ang mahalaga para sa kanila ay masaya sila. Kalaunan, nakisali ang ibang mga bata sa kanila, ganoon na lang kasaya si Jerald, sa wakas, nakalaro rin siyang walang takot na baka husgahan.

“Sobrang saya ng araw na ito, Dada at Mimi! Kahit na may mga naririnig pa rin akong bulungan tungkol sa inyo at sakin, ang mahalaga masaya tayo. Sino ba naman ang hindi maiinggit satin diba? Kakaiba ang pamilya natin! May Mimi ako na magaling mag make-up at title holder ng Ms. Gay Pangkalawakan tapos may Dada akong famous sa barangay noong ipinagbuntis ako kasi ti-bumble bee raw! O diba? Tapos araw-araw pa tayong masaya kahit minsan wala tayong ulam. Sobrang swerte ko po sa inyo!Pusong mamon ka man Mimi at may pusong lalaki ka naman Dada, nag-uumapaw na saya’t pagmamahal yung naibibigay niyo sakin!” ganadong ika ni Jerald bago sila matulog.

www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement