Inday TrendingInday Trending
Nagtanim ng Galit ang Binata sa Sariling Ama Dahil Iniwan Sila Nito Para sa Iba, Mas Maitim Pala ang Lihim ng Kanyang Ina

Nagtanim ng Galit ang Binata sa Sariling Ama Dahil Iniwan Sila Nito Para sa Iba, Mas Maitim Pala ang Lihim ng Kanyang Ina

Bata pa lamang si Kenneth ay kinasusuklaman na niya ang kaniyang ama dahil sa pang-iiwan nito sa kanila ng nanay niya. Ayon sa narinig niya ay sumama ang lalaki sa ibang babae.

“Anak, malapit na ang kasal mo, gusto mo ba kausapin ko ang lolo mo para dalawa kaming maghatid sayo sa unahan?” tanong ng kaniyang ina.

“Sige ma, mabuti nga po iyon.” sagot naman niya.

Mag-iisang taon na nilang inaasikaso ng kaniyang mapapangasawa ang gaganaping kasal. Minsan siyang natanong ng kaniyang magiging biyenan kung iimbitahan ba niya ang kaniyang ama.

“Kenneth, di mo ba iimbitahan ang papa mo?” tanong nito.

“Naku, bata pa lamang po ako nang iniwan niya kami kaya hindi ko na siya nakilala.” sagot naman niya.

“Talaga? Hindi mo ba siya hinanap?”

“Hindi na po, ang sabi sa akin ni mama ay may bago na siyang pamilya.”

Isang araw habang siya ay abalang naglilinis ng kanyang sasakyan ay may isang matandang lalaki ang biglang lumapit sa kaniya.

“Ano hong kailangan niyo?” tanong niya rito.

“Kenneth anak, ako ang papa mo.” sagot ng matanda.

“Wala kang anak dito.” pabulyaw na sagot niya.

Itinaboy niya ang matanda at sinabihan na huwag nang babalik pa. Sa sobrang galit niya dito ay hindi man lang niya pinakinggan ang mga paliwanag nito.

“Ang kapal ng mukha niya, pagkatapos ng napakaraming taon magpapakita siya dito na parang wala lang!” wika niya sa ina.

“Tama ang ginawa mo anak, wala na siyang lugar dito sa atin.” sagot nito.

Ilang araw na nagpabalik balik ang kaniyang ama ngunit hindi niya ito pinapapasok man lang. Ayaw na ayaw na niyang magkaroon pa ng kaugnayan dito.

Pero isang aksidente ang bumago sa kaniyang buhay.

“Tao po, tao po!” wika ng kumakatok na lalaki sa kaniyang bahay.

“Magandang umaga ho, kayo po ba si Kenneth?”

“Ako nga ho, anong kailangan niyo?”

“Nais lang po namin ibalita na nasa ospital ngayon ang inyong ama dahil sa aksidenteng naganap kagabi, kung mamarapatin niyo ho sana ay puntahan niyo siya dahil kayo lang ang inilagay niyang contact person.”

Wala na nga siyang nagawa kundi puntahan ang ama sa ospital. Pagdating niya roon ay agad siyang itinuro ng nurse sa kinaroroonan nito.

“Anak, bigyan mo lang ako ng pagkakataong magpaliwanag, yun lang ang hinihingi ko sayo.” wika ng matanda.

“Sige, ipaliwanag mo sakin kung bakit mo kami ipinagpalit sa ibang babae?”

“Wala yang katotohanan Kenneth, ako ang iniwan ng nanay mo noong sanggol ka pa lamang para sa ibang lalaki, kung saan saan ko kayo hinanap pero itinago ka niya sa akin. Hanggang sa may nakapagbalita na lang sakin na ikakasal ka na pala.”

Napag-alaman ni Kenneth na nagsasabi ng totoo ang ama, hindi lang talaga nagtagal ang relasyon ng ina niya sa kalaguyo nito. Kaya pala ganoon na lamang ang paninira ng babae sa kaniyang ina sa kaniyang ama upang kasuklaman niya ito ng sobra.

“Patawarin mo ako pa, hindi ko alam, ang buong akala ko ay kami ang iniwan mo, huwag kang mag-alala, babawi ako sayo.” sagot niya.

Pag-uwi ni Kenneth ay agad niyang kinompronta ang kaniyang ina.

“Sinungaling ka! Ang sabi mo sakin noon iniwan tayo ni Papa, yun pala ikaw ang naglayo sa aming dalawa!”

“Anak, patawarin mo ako, hindi ko sinasadya, natakot kasi ako na iwan mo ako pag nalaman mo ang totoo.” paliwanag nito.

“Paano mo nagawa yun ma? Nakita ko si papa, awang awa ako sa kalagayan niya ngayon.” humihikbing sagot ni Kenneth.

Nang makalabas ang ama sa ospital ay niyaya niya itong tumira na lamang sa kaniyang bahay, nakita ni Kenneth na nanghihina pa ito at hindi nito kakayanin ang manirahan mag-isa.

“Pa, simula ngayon dito ka muna sa bahay ko titira, kailangan niyong magpalakas dahil nalalapit na ang kasal ko, hindi pwedeng wala kayo doon.”

“Talaga anak? Imbitado ako sa kasal mo?” lumuluhang tanong ng matanda.

Alang alang sa ikapapayapa ng kaniyang puso ay pinatawad ni Kenneth ang ina, pinakiusapan niya ito na ayusin na ang matagal na alitan nila ng kaniyang ama para naman maging maayos ang kahantungan ng kaniyang kasal.

Bagaman malabo ng magkabalikan ang dalawa ay naging maayos naman ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa. Masayang naipagdiwang ni Kenneth ang kaniyang kasal kasama ang mga magulang. Mula noon ay sinubukan niyang punan ang mga panahon na hindi niya nakasama ang nawalay na ama.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement