Inday TrendingInday Trending
Ang Dalagang Gipit, sa Matandang Mayaman Kumakapit

Ang Dalagang Gipit, sa Matandang Mayaman Kumakapit

“Nay, sa isang kilalang eskwelahan na po ulit ako mag-aaral!” masayang balita ni Dheza sa kanyang ina.

“Ano? Paano naman nangyari iyon? Hindi nga sapat ang perang naiuuwi ng ama mo sa atin simula nang bumalik siya dito sa Pilipinas para dito na magtrabaho eh,” nagtatakang tanong naman ni Aling Sisa sa anak.

“Basta nay,” nakangiting sagot ng dalaga sa ina. Nasa pangatlong taon na ng kolehiyo si Dheza. Dating marangya ang kanilang buhay, ngunit lahat ay nagbago nang natanggal sa trabaho sa Canada ang kanyang ama. Muntik na silang tumigil sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid, ngunit nagawaan pa rin ito ng paraan ng kanyang mga magulang. Iyon nga lang, kinailangan nilang lumipat sa mga pampublikong eskwelahan na labis namang nagpasama sa loob ni Dheza.

Sanay kasi sa marangyang buhay ang dalaga. Hindi ito sanay na maghirap o makisalamuha sa mga pangkaraniwang tao. Spoiled brat, ika nga.

“Yes girl! May trip to Tagaytay ako this coming weekend! Gusto niyo bang sumama? Sagot lahat ng jowa ko,” pag-iimbita ni Aira, kaklase nila Dheza na mukhang sosyalin.

Maganda ito at mukhang mayaman, kaya hindi maintindihan ni Dheza kung bakit sa pampublikong eskwelahan ito nag-aaral kung abot-kaya naman nito ang gumala kung saan-saan. Isa pa, mamahalin din halos lahat ng gamit nito.

Na-excite naman ang kanilang mga kaklase at syempre isa na siya doon. Puro sila babae, dahil ang sabi ni Aira ay “all girls trip” lang daw ito. Yung boyfriend lamang daw ni Aira ang bukod tanging lalaki na kasama. Bawal daw kasing magdala ng kahit na sinong lalaki ang iba, dahil napakaseloso daw ito.

Dumating ang weekend at nagkita-kita silang lahat sa harap ng kanilang paaralan. Lahat ay naroroon na maliban kay Aira at sa nobyo nito. Ilang sandali lang din ay dumating na ang kanilang hinihintay, sakay ng isang sasakyan. Mukhang mayaman nga talaga ang nobyo ni Aira.

“Oh girls, tara!” sumakay naman sila agad sa sasakyan. Agad na hinanap ni Dheza ang kasintahan ni Aira.

“Ito nga pala ang napakagwapo kong jowa girls, si Rico!” pagpapakilala ni Aira sa nobyo. Bagama’t nagulat, hindi na lamang pinahalata ni Dheza ang kanyang naging reaksyon at baka makasakit pa siya ng damdamin ng iba.

Halos doble ng edad pala nila ang nobyo ni Aira! Kaya naman pala lahat ng luho ng kaibigan ay nakukuha niya ng walang kahira-hirap. May sugar daddy pala ito!

Ginugol nila ang buong pagtatapos ng linggo sa pagpapakasaya lamang. Puro pasyal, kain ng mga masasarap na pagkain, at syempre inuman kinagabihan. Labis silang nagpakalunod sa alak dahil na rin sa kanya-kanyang problema sa kanilang mga buhay.

Kinabukasan ay laking gulat na lamang ni Dheza nang magising siyang nasa isang kama at nakakumot lamang habang walang saplot. Tiningnan niya ang kanyang paligid. Mukhang nasa isang resthouse siya sa Tagaytay. Nakikita niya kasi ang Taal Volcano mula sa bintana. Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang lumabas ang kasintahan ni Aira, na si Rico mula sa banyo at mukhang bagong ligo pa lamang.

“Good Morning Beautiful!” Napakalaki ng ngiti ng lalaki sa kanya. Kinilabutan siya bigla. Hindi siya makapaniwalang naisuko niya ang bataan sa isang lalaking kasing edad na ng kanyang ama!

Hindi siya umimik dahil hindi niya rin naman alam ang kanyang sasabihin. Nakipaglaro siya ng apoy sa isang lalaking hindi naman kilala at kasintahan pa ng kanyang kaklase! Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

“Huwag kang mag-alala alam ko na ang lahat ng tungkol sayo at ako na ang bahala sa lahat ng kailangan mo. Ibabalik ko ang dating marangyang buhay mo,” saad ni Rico ng makita ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Talaga po? Bakit po? Tsaka ano po yung kapalit?” lumapit sa kanya ang lalaki at hinaplos ang kanyang pisngi at mapang-akit na bumulong sa kanyang tainga.

“Ikaw ang kapalit. Gabi-gabi ay magiging akin ka at lahat ng karangyaan na nakasanayan mo ay babalik sayo.”

Kinilabutan naman si Dheza sa ginawa at sinabi ng lalaki pero hindi rin naman siya pumalag. Sawang-sawa na siyang maghirap at magtiis kaya naman wala siyang iba nagawa kundi pumayag na din.

Gaya nga ng sinabi ni Rico, ibinigay nito ang lahat ng kanyang karangyaan na nakasanayan ni Dheza. Binalik siya nito sa dati niyang eskwelahan, binibigyan siya ng malaking allowance at ipinamimili ng mga mamahaling gamit sa mall. Binigyan pa siya ng lalaki ng sarili niyang condo unit! Masayang-masaya siya na natatamasa niya na ulit ang marangyang buhay na nawala sa kanya.

Ngunit isang araw ay bigla na lamang lumitaw sa harap niya si Aira. Ang tagal niya ng hindi nakita ang dating kaklase. Ang huli ay noong nag Tagaytay pa sila. Bigla naman siyang nakonsensya.

“Dheza, narito ako para magmakaawa sayo. Tumigil kana sa ginagawa mo bago pa mahuli ang lahat at magaya sa akin. Layuan mo na si Rico. Iwan mo na siya,” naluluhang saad ni Aira sa kanya. Napataas naman ang kanyang kilay.

“At bakit ko naman gagawin iyon?” matapang niyang sagot sa dating kaklase, ngunit natigilan din siya ng makita ang tiyan ni Aira. Buntis pala ito! Bigla siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan at napatingin nalang sa mangiyak-ngiyak na si Aira.

“Oo, buntis ako. Iniwan ako ni Rico nang malaman niyang buntis ako. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang pinalit niya sa akin. Kaya ng malaman ko ay agad kitang hinanap,” nagulat naman si Dheza ng bigla na lamang lumuhod sa kanyang harapan si Aira.

“Parang awa mo na, kahit para sa bata nalang Dheza, please?” walang tigil ang luha ni Aira habang nagmamakaawa sa kanya. Napapikit na lamang si Dheza at pinatayo si Aira at saka niyakap. Hindi niya kayang makita itong nahihirapan lalo na at alam niyang may sanggol itong dinadala sa sinapupunan.

Kinabukasan, kinompronta naman agad ni Dheza si Rico at nakipaghiwalay. Nagmakaawa din siya na panagutan ng lalaki si Aira at ang kanilang anak. Noong una ay ayaw pumayag ni Rico pero ng tumagal-tagal ay napapayag niya din ang lalaki.

Mabuti na lamang at legal na hiwalay na sa asawa si Rico, kaya naman nagawa pa nitong pakisamahan si Aira, bago man lang lumabas ang kanilang magiging anak.

Pinili ni Dheza na ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya, peor sa pagkakataong ito, sa malinis at maayos na pamamaraan.

Agad naman siyang naghanap ng trabaho at tinulungan ang kanyang pamilya gamit ang perang kanyang pinaghirapan. Natutong mamuhay ng simple si Dheza, kahit na siya ay sumasahod na ng malaki. Natutunan din niya ang tunay halaga ng pera at kung gaano ito kahirap kitain. Tuluyan na siyang nagbago at nagsimula ulit ng malinis na pamumuhay.

Image courtesy of www.google.com

Advertisement