Inday TrendingInday Trending
Mahal Pa ng Babae ang Dating Nobyong Pamilyado na Ngayon, Nang Magkita Sila Muli sa Reunion ay Isang Di Inaasahan ang Naganap

Mahal Pa ng Babae ang Dating Nobyong Pamilyado na Ngayon, Nang Magkita Sila Muli sa Reunion ay Isang Di Inaasahan ang Naganap

Isinara na ni James ang kanyang laptop, hinimas nya pa ang sentido dahil sumasakit ang ulo nya sa dami ng trabaho. Natambakan kasi sya, nagkasakit ang anak niyang si Doreen, walong taong gulang. Ayaw niya namang ipagkatiwala sa yaya ang bata lalo kung hindi maganda ang pakiramdam nito kaya wala siyang choice kung hindi mag-leave muna sa trabaho.

Napasulyap siya sa kanyang kalendaryo at nanlaki ang mata niya nang makita kung anong date ngayon, high school reunion nila!

Alas tres palang ng hapon, alas sais ang simula ng reunion. Nag isip siya kung dadalo ba siya, ilang taon na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita kita. Ang narinig niya pa sa mga dating kaklase, uuwi raw mula sa England sa ang kaklase nilang si Leigh.

Ah….si Leigh, ang first love niya.

“Ang galing mo! Para sa akin, ikaw ang winner sa declamation, hindi 1st runner up!” masayang sabi ni James kay Leigh, inakbayan niya pa ito. High school palang ay magnobyo na sila, ngayon ay nasa 4th year college na ang dalawa.

“Mas magaling ka nga eh, kaya nga talo mo ako,” natatawang sabi ng babae.

“O sige na pareho na tayong magaling. Kaya nga bagay tayo. Siguro pag nagkaanak tayo mahilig ring makipag-debate kasi mana sa atin pareho.” nakangiting sabi nya.

Namula ang pisngi ng babae dahil sa kanyang sinabi, pero agad nawala ang ngiti nito at dahan dahang umalis sa pagkakaakbay niya nang makitang nasa gate at nakatanaw sa kanila ang mommy nito.

“Baby, si M-mommy..” sabi nito. Napatingin rin naman si James, ngumiti siya sa ginang pero tinaasan lang siya nito ng kilay. Kahitmatalinosiyaayhindisiyagustongnanayni Leigh,dahilhindisiyaganoonka-yaman.

Bumuntong hininga si James, “Okay, pupunta ako.” sabi nya. Matagal na naman iyon, tsaka, sigurado siyang pamilyado na rin si Leigh.

Wala nang malisya ang lahat, siguro kaya lang siya kinakabahan dahil mula nang maghiwalay sila ay di na sila nagkita pang muli. Tandang tanda niya pa, graduate na sila noon ng college. Masayang masaya pa sana siyang ibabalita rito na may trabaho na siya, makakapag ipon at makakapagpakasal na pero sabi ng mommy nito ay umalis na raw ang babae at may pinakasalang foreigner sa England.

Halos gumuho ang mundo nya noon. Hindi nya alam kung saan magsisimula. Pinukpok niya ang sarili sa trabaho at mabilis siyang na-promote pero di pa rin sya masaya. Pag uwi niya sa bahay, ay binabalikan siya ng bangungot ng kanyang nakaraan. Di matakpan ng maraming pera ang butas sa puso niya.

Isang taon siyang tulala, buti nalang ay nakilala niya ang misis nya.. minsan ay nagseselos pa rin ang babae kay Leigh pero nilinaw niya ritong nakaraan na iyon.

Akala nya, sobrang saya na ng buhay. Maayos na ang lahat, hanggang matuklasan nilang may cancer ang misis niya na siya ring kumitil sa buhay nito. Ngayon ay anim na taon na siyang biyudo.

Mabilis lumipas ang oras at sumapit na ang reunion. Bumaba na si James sa kotse niya at pumasok, bumungad sa kanya ang mga dating kaklase.

“Uy pare, parang di nagkaanak ah! Hindi mukhang 33 anyos,” tatawa tawang sabi ng isa nyang ka-eskwela.

“Nambola ka pa, ikaw nga tong binatang binata. Balita ko nakakaapat kana?” biro niya rin dito.

“Oo! Gwapong gwapo sa akin ang misis ko eh. Misis ko lang naman, ang ibang babae ayaw! Ikaw tong mabenta, siguro ay di magkamayaw ang mga chikababes sa pag aagawan sayo. Lalo na ngayon na single kana ulit,”

Sasagot pa sana si James nang mapasulyap siya sa pintuan. Parang nagslow motion ang paligid, pumasok ang isang napakagandang babae. Ang pagkadagdag ng edad nito ay tila lalong nagpaganda rito. Mas malapad ang balakang, mas kayang dalhin ang sarili. Ang mga mata nito ay nagsasabing marami na itong kaalaman.

Hanggang balikat ang buhok nito kaya lalong tumingkad ang ganda ng mukha, ang makinis na leeg..

“Leigh! Wow, look at you!”

Napakurap pa ng matagal si James nang magsalita ang kumpare niya sa likuran. Gusto niya itong sakalin sa pagtawag sa atensyon ng babae, ganitong nagpapasasa pa ang mata nya sa kagandahan nito. Buti nalang ay nabawi niya rin ang kanyang sarili.

Si Leigh naman ay kinakabahan, mas dumagundong ang puso niya nang may tumawag sa kanya sa bandang kanan at pagkalingon niya ay natanaw niya si James.

Halos wala itong pinagbago. Ang huling balita nya ay ikinasal na ito at may anak na, buti pa siya, sa isip isip niya.

Hindi siya makapag isip nang maayos lalo pa at nahuli nyang nakatitig ang lalaki, “K-kumusta?” sabi niya pagkalapit sa mga ito, pumiyok pa ang boses niya.

“Okay lang kami, uy pareng James, kumusta raw!” sagot ng isang kaklase nila dati.

“I’m good,” matipid na sagot ni James. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito, hindi nya maintindihan kung bakit parang galit ito, gayong ito naman ang sumuko sa kanilang dalawa at nag asawa ng iba.

Nahihiyang tumango nalang si Leigh at tumalikod na, buti nalang ay hinila siya ng ibang kaklase, nakaligtas siya sa awkward na sitwasyong iyon. Sa paglalim ng gabi ay nagkayayaan pang magvideoke at mag inuman ang magkakaklase.

“Lika na, ito naman si Leigh, next week babalik kana sa England.” kantsaw ng isa.

“Babalik kana agad?” napalingon si Leigh nang magsalita si James.

“Oo, tambak ang workload ko eh,” simpleng sagot. Mapait na ngumiti ang lalaki at umiiling iling pa. Para wala nang masabi ang iba ay sumama na siya.

Pagdating doon ay kapansin pansin na nangunguna si James sa pag inom, kaya hindi pa sila nagtatagal ay lasing na ito. Si Leigh naman ay pinainom rin ng mga kaklase niya, konti lang naman pero dahil di sya sanay ay nahihilo na siya agad.

“Ako na! Akin ang kantang yan,” sabi ni James, inagaw nito ang mic sa may hawak. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase nila dahil hindi kumakanta ang lalaki. Natulala si Leigh nang marinig ang awit nito..

“Bakit ba hindi ka nakilala nung ako’y malaya pa? At hindi ngayon ang puso ko’y, may kapiling na.. Bakit ba hindi ka nakilala ng ako’y nag iisa.. Sino ang iibigin? Ikaw sana..”

Tahimik na pinahid ni Leigh ang kanyang luha. Sinabayan niya iyon ng pagtungga sa alak para hindi masyadong mahalata, “Ang pait! Nakakaiyak!” sabi niya pa.

Makalipas ang ilan pang oras ay lasing na lasing na si Leigh, nag uwian na ang lahat at sila na lamang ni James ang natira doon. Niyayaya narin ng iba ang lalaki na umuwi na pero ayaw siyang iwan nito.

“Muwi kana, yaan mo na ako dito. Kakanta pako eh, hik!” tatawa tawang sabi ng babae.

“Hayaan hayaan, gusto mo lagi kitang hahayaan tapos mang iiwan kana naman,” sagot naman ng lalaki.

“Oy! Kahpal mo ha! Ikaw nga toh sabi ng mommy nakabuntis kana raw kaya ako nagpuntah sa England para mag move on! Ikaw nga to may pamilya na!” wala sa sariling sagot niya, saglit na natigilan ang lalaki. Inilang hakbang nito ang pagitan nila, sinibasib siya ng halik.

Di alam ni Leigh ang sumunod na pangyayari dahil naalimpungatan siya sa isang kwarto. Pagdilat ng mata niya ay agad nanlaki iyon dahil nakita niya si James sa kanyang tabi..walang damit!

“What have I done..what have I done!” halos sampalin niya ang sarili, may pamilya ang lalaking ito! At sisirain niya iyon!

Dahan dahan siyang umalis sa kama. Kung kinakailangang lumuhod siya sa harap ng misis nito at akuin ang kasalanan ay gagawin niya. Dahan dahan siyang nagsuot ng panty, pero hindi pa man din niya iyon tuluyang nakakapagsuot ay napapitlag na siya nang magsalita ang lalaking nagtutulug tulugan lang pala.

“Iiwan mo na naman ako?” namamaos pa ang boses nito, gusto nya sanang kiligin kung hindi lang kasalanan itong ginagawa nya.

“P*ke mo tumalon!” sabi niya dahil sa gulat, nakatuwad pa man din sya.

Nakatitig lang sa kanya ang lalaki, tila amused na amused ito. Bumuntong hininga si Leigh, nagsuot siya ng damit at lumapit dito.

“Once and for all, para ma-clear na ang lahat. Hindi ko intensyon na sirain ang pamilya mo, na guluhin ka whatsoever. Yes! Mahal pa kita, pero hindi ko kayang tanggalan ng ama ang anak mo.. maayos kana, maayos na ako. Let us just move on, ito na ang una at huling beses na magkikita tayo ulit,” malungkot na sabi ni Leigh, sana hindi halatang naiiyak sya. Ang lungkot ng buhay..

Nagulat siya nang kabigin siya ng lalaki palapit, ikinulong siya nito sa mga bisig at ang lakas lakas ng tibok ng dibdib nito.

“Leigh, my God Leigh..My sweet Leigh..” sabi lang nito. “May dahilan siguro ang lahat, dahil nang mawala ka ay nakilala ko naman si Sandra, she’s my late wife. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako magkakaroon ng magandang anak, and Denise is the best gift I’ve ever received. But Sandra passed away 6 years ago. My life is okay and stable, until you came back at nayanig nanaman ang mundo ko..

I realized nothing has changed. I loved Sandra, pero hindi nawala ang espesyal na parte mo dito sa puso ko. Lalong nabuhay ang damdamin ko nang makita kita ulit. Sana, bigyan mo tayo ng 2nd chance, kung.. kung walang magagalit?”

Umiiyak na napatango si Leigh, bigla namang nagtaka si James nang tila may maalala ito, “Hey, what about the guy na sinamahan mo sa England na pakakasalan mo dapat?”

“I never had a boyfriend in England! I never fell inlove, I just stayed there crying all the time, brokenhearted because you got-” di na natapos pa ni Leigh ang sasabihin niya dahil hinalikan na siyang muli ni James.

Muli nilang kinilala ang isa’t isa, close na close si Leigh sa anak ni James at halos mommy na nga ang itawag nito sa kanya. Palibhasa ay maliit pa ito nang mawalan ng ina.

Pagkatapos ng isang taon ay muling nagpakasal ang dalawa at ngayon ay nagdadalantao na si Leigh sa kanilang panganay.

First love never dies.

Advertisement