Nagbakasyon ang Ina sa Amerika sa Pag-anyaya ng Kaniyang Anak na Dalaga; May Iba Pala Itong Pakay na Tiyak na Ikagugulat Niya

Nagbakasyon ang Ina sa Amerika sa Pag-anyaya ng Kaniyang Anak na Dalaga; May Iba Pala Itong Pakay na Tiyak na Ikagugulat Niya

FamilyHeartbreakingStories

“Wow, ang ganda rito sa New York, anak… parang laging busy ang mga tao. Saka ang lamig-lamig!” sabi ni Aling Adelfa sa kaniyang anak na si Rachelle, na matagal nang nagtatrabaho roon bilang isang manager.

Things to do in New York, NY: New York City Guide by 10Best

Inaya ni Rachelle ang inang si Aling Adelfa, isang green card holder, na magbakasyon sa Amerika. Matagal na niyang hinihimok ang ina na isang US citizen din na manirahan na lamang doon, subalit ayaw nito. Hindi kasi maiwan-iwan ang kanilang lumang bahay sa Cavite, na pamana pa raw ng kaniyang mga magulang. Ang lolo niya ay isang Amerikano.

“Matagal na kitang inaayang dito na tumira ayaw mo naman. Masarap ang buhay dito, Ma. You can have all things that you wish for,” sabi ni Rachelle sa ina habang minamaneho ang kotse.

“Heto na naman po tayo. Sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Hindi ko talaga maiiwan ang Pilipinas. Hindi rin ako makaka-survive dito kasi hindi rin naman ako mahusay mag-Ingles,” sabi ni Aling Adelfa.

“Ano ka ba Ma… mas magaling ka pa nga mag-Ingles kaysa sa mga kasamahan kong Asian sa opisina. Sayang naman ang green card mo kung hindi mo mapapakinabangan. Malay mo makapag-asawa ka pa rito,” biro ni Rachelle.

“Naku tigilan mo nga ako Rachelle. Alam mo namang hindi ko ipagpapalit sa kahit na kanino ang daddy mo. Maraming nagtangkang manligaw sa akin noon, baka akala mo. Pero hindi ko sila pinansin dahil si Edwin lang ang una at huling lalaking mamahalin at pakakasalan ko,” paliwanag ni Aling Adelfa sa anak.

Napangiti lamang si Rachelle. Si Edwin ang kaniyang ama na namayapa dahil sa sakit nitong pulmonya.

“Oo nga pala Ma. Nasa bahay pala si Mark ha… we are living together,” sabi ni Rachelle. Si Mark ang ka-live in partner ni Rachelle na isa ring Pilipino.

Kahit alam na ni Aling Adelfa ang tungkol sa set up ng anak, hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-isip. Dahil kaisa-isang anak na dalaga, pangarap niyang maikasal ito at maihatid sa dambana. Ito ang unang pagkakataong makakaharap ni Aling Adelfa ang kinakasama ng anak.

“Kayo ba ni Mark eh… walang balak?” tanong ni Aling Adelfa. Napasulyap sa kaniya si Rachelle. Kahit walang binabanggit ang ina, alam niya ang tinutukoy nito.

“Nasabi ko na sa iyo before, Ma. Hindi pa kami ready. Marami pa akong gustong ma-achieve,” tugon ni Rachelle sa ina.

“Pero siyempre hindi mo naman maaalis sa akin na makita kang naglalakad sa altar. Iba pa rin ang may basbas ng simbahan, anak,” paalala ni Aling Adelfa.

“Alam ko ho iyan, Ma. Huwag kang mag-alala, napag-uusapan naman namin ni Mark ang kasal,” sabi ni Rachelle sa ina upang matapos na lamang ito sa pag-ungkat ng kanilang pagpapakasal ni Mark.

Ilang minuto lamang at nasa harapan na sila ng maliit na pad nina Rachelle at Mark. Sinalubong sila ni Mark na isang guwapo at matangkad na lalaki. Binitbit nito ang mga maleta ni Aling Adelfa papasok sa bahay.

“Maganda ang place ninyo, ah… malinis,” papuri ni Aling Adelfa sa loob ng pad nila.

America Apartment – Holiday Rental Madeira

“Si Mark ang nag-ayos nito, Ma. Interior designer siya eh,” bida ni Rachelle.

“Siya nga ba? Ang galing mo naman…” nakangiting sabi ni Aling Adelfa.

At nagsimula silang magkuwentuhan. Inalam ni Aling Adelfa ang lahat-lahat kay Mark, at mukha naman itong mabait. Mukhang magkakasundo sila. Subalit hindi mapalagay si Aling Adelfa. May kung anong kutob siyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag.

At hindi nga nagkamali si Aling Adelfa. Hindi natapos ang hapunan nila nang hindi sinabi ni Rachelle ang dahilan kung bakit siya nito pinapunta sa Amerika. Hinihiling nitong pakasalanan niya si Mark upang magkaroon ito ng green card.

“Pakiulit mo nga ang sinabi mo, Rachelle? Naririnig mo ba ang sarili mo?” pagpapaulit ni Aling Adelfa. Hindi siya makapaniwala.

“M-ma… isa o dalawang taon lang naman. Pagkatapos, puwede na kayong magdiborsyo. Legal ang diborsyo rito, mabilis lang iyon. Kailangang-kailangan lang talaga ni Mark na maging US citizen na siya para makahanap siya ng mas malaking oportunidad. Ma, please…” pagmamakaawa ni Rachelle.

Napatayo sa kaniyang kinauupuan si Aling Adelfa.

“Rachelle… nagagawa mo sa akin ito? Nagagawa mong bastusin ako nang ganito? Ipapakasal mo ako sa lalaking ngayon ko lamang nakilala, at sa karelasyon mo pa? Hindi ako makapaniwalang sarili mong ina ay magagawa mong ipain sa ganito! Ano bang nangyari sa iyo, Rachelle? Hindi na kita kilala! Wala kayong mapapala sa akin! Wala!” galit na galit na sabi ni Aling Adelfa. Kinuha nito ang kaniyang bag at mga bagahe. Iisa lamang ang naiisip niya: uuwi siya ng Pilipinas ngayon din.

Walang nagawa sina Rachelle at Mark. Hanggang sa labas ay pinipigilan nila ito. Hanggang sa hindi nila napansin ang isang rumaragasang kotse sa daanan. Nahagip si Aling Adelfa at tumilapon ang katawan nito sa malayo. Hindi nakahuma sina Rachelle at Mark sa bilis ng mga pangyayari.

Sising-sisi si Rachelle sa mga nangyari. Sana, hindi na lamang niya inaya ang ina sa Amerika at alukin ito ng isang bagay na pinangarap niya rin para sa kaniyang sarili. Abot-abot ang paghingi niya ng tawad sa puntod nito.

More Stories