Hangad ng Babae ang Magandang Regalo Mula sa Kaniyang Nobyo; Labis Niyang Ikawiwindang ang Ibibigay sa Kaniya ng Lalaki

Hangad ng Babae ang Magandang Regalo Mula sa Kaniyang Nobyo; Labis Niyang Ikawiwindang ang Ibibigay sa Kaniya ng Lalaki

FunKarmaStories

Excited si Vivian dahil tatlong araw na lang at sasapit na ang kaniyang kaarawan. Inaabangan na niya kung ano ang ireregalo sa kaniya ng kasintahan niyang si Norbert.

“Babe, anong regalo mo sa akin sa birthday ko?” malambing niyang tanong sa nobyo.

“Ha? W-wala pa akong maisip, babe, e! Ano ba ang gusto mo?” balik na tanong ng lalaki.

“Kahit ano, basta galing sa iyo ay tatanggapin ko,” sagot niya.

“Sige. Siguradong matutuwa ka sa regalo ko sa iyo.”

“Sinabi mo iyan ha? Aaasahan ko iyan, babe!”

Pagkagaling sa trabaho ni Norbert ay dumiretso agad siya sa mall para bumili ng ireregalo para sa kasintahan. Habang naglilibot-libot ay biglang tumunog ang cell phone niya at sinagot iyon. Nabigla siya nang malaman kung sino ang nasa kabilang linya.

“Bakit ka napatawag?” aniya.

Nang sabihin ng kausap ang pakay ay napakamot na lang siya sa ulo.

“Okay sige, ipapadala ko na lang sa iyo ako o ako na lang ang magdadala riyan sa iyo kapag may oras ako,” sagot niya.

Namili siya ng magandang pangregalo kay Vivian at nang makabili ay iniisip niya kung ano pa ang maaari niyang bilhin ng gabing iyon.

Nang umuwi siya sa bahay ay agad niyang itinago ang binili niyang regalo sa kabinet.

Nang sumunod na araw,  habang kumakain sila sa labas ng nobya ay muling naglambing si Vivian at may hinihiling sa kaniya.

“Babe, gusto ko memorable ang birthday ko kaya napag-isipan ko na sa isang mamahaling restaurant tayo mag-dinner o magpunta tayo sa beach,” hiling ng babae.

“Mukhang magandang ideya iyan, babe. Hayaan mo at magpapa-reserve ako sa restaurant para sa dinner date natin. Ang pagpunta naman sa beach ay gawin na lang natin sa katapusan ng buwan dahil medyo marami akong trabaho ngayong linggo sa opisina,” aniya.

“Ganoon ba? Sige sa restaurant na lang muna. Excited na talaga ako! Isusuot ko iyong binigay mo sa aking damit noong nagdaang kaarawan ko.”

“Tamang-tama sa ibibigay ko sa iyo,” bulong ni Norbert sa sarili.

Nang bigla siyang marinig ni Vivian.

“Ano iyon babe? May sinasabi ka ba?” tanong ng nobya.

Natauhan si Norbert. Hindi pa niya maaaring sabihin kay Vivian ang tungkol sa kanyang binili kundi masisira ang sorpresa niya.

“W-wala, wala babe,” tanggi niya.

Bago ang espesyal na araw ni Vivian ay muling may tumawag sa kaniya sa cell phone.

“Hello, sino ito?” panatag na sabi niya sa kabilang linya.

Nang malaman ulit kung sino ang tumawag ay muli siyang napakamot sa kaniyang ulo.

“May importante akong pupuntahan bukas, e. Sa Linggo na lang tayo magkita,” mahinahon niyang sagot sa kausap.

Maya maya ay ibinababa na niya ang cell phone at tila nag-iisip nang mamalim.

‘Di nagtagal ay sumapit na nga ang pinakahihintay na araw ni Vivian. Alas sais ng gabi ay dinala ni Norbert ang nobya isang mamahaling restaurant. Tuwang-tuwa si Vivian sa pinagdalhan sa kaniya ng nobyo.

“Napaka-sosyal naman ng lugar na ito, babe. Pakiramdam ko ay para tayong mga artista o mayayamang tao sa lipunan,” manghang wka ni Vivian.

“Nagustuhan mo ba, babe? Talagang pinili ko ang isa sa pinakamahal na restaurant para dito natin iselebra ang birthday mo.”

“Naku, nakakatuwa naman, pinaghandaan mo talaga ang birthday ko ha. Labs na labs mo talaga ako, babe ko!”

Tinawag ni Norbert ang waiter at um-order na sila ng makakain nila. Pagkatapos ay inilabas na niya ang sorpresa niya sa kaniyang nobya.

“O, babe, regalo ko sa iyo!” aniya sabay abot kay Vivian.

Napamulagat ang babae sa ibinigay niya.

“Wow, ito ang regalo mo sa akin? Thank you!” tuwang-tuwang sabi ni Vivian.

“Buksan mo na, babe. Siguradong matutuwa ka!” utos ni Norbert.

Nagmamadaling inalis ng babae ang balot ng regalo at nang buksan ang kahon ay laking gulat sa tumambad sa kanya.

“A-ano ito?” nagtatakang tanong ni Vivian nang makita ang isang ‘bra’ na kulay pink. May nakalakip na sulat sa loob ng kahon at nang mabasa niya ito ay mas lalo niyang ikinawindang.

To:

Erika

“Para sa iyo ito, baby ko! Sana magustuhan mo. I love you!”

From:

Norbert

Nag-init ang bumbunan ni Vivian at kinompronta ang lalaki.

“A-anong ibig sabihin nito? S-sino si Erika? Walang hiya kang lalaki ka, regalo mo ito sa babae mo tapos ibibigay mo sa akin? Bwis*t ka!” galit na sa sabi ni Vivian.

Ikinagulat ni Norbert kung bakit iyon ang laman ng kahon na naibigay niya sa nobya. Bigla niyang naalala na magkapareho pala ng paper bag ang dalawang regalong binili niya, ang isang regalo na para sa kay Vivian ay isang kulay puting night dress at ang isang regalo naman ay kulay pink na ‘bra’ para naman sa babae niyang si Erika na magdiriwang din ng kaarawan sa susunod na linggo. Napagtanto niya na ibang regalo pala ang nadala niya, imbes na ang regalo para kay Vivian ang nakuha niya sa kabinet ay ang regalo para sa babae niya ang nadala niya. May iba palang kinak*lantaring babae si Norbert bukod sa nobyang si Vivian. Buking na ang kaniyang lihim.

“S-sorry, babe, h-hindi ko sinasadya…” nauutal na paliwanag ni Norbert sa nobya.

“Buwis*t kang lalaki ka! Kung ‘di ko pa nakita itong put*ng i*ng regalong ito ay hindi ko malalamang may ibang babae ka palang hinay*pak ka!” malakas na singhal ni Vivian.

Laking kahihiyan nang ginawa ni Norbert dahil sa pagwawala ng kaniyang kasintahan ay pinagtinginan sila ng mga tao sa loob ng mamahaling restaurant. Nabunyag pa tuloy ang sikreto niyang pangangaliwa kay Vivian.

Labis ang pagsisisi ni Norbert. Nang malaman ni Vivian ang itinago niyang kalokohan ay ‘di ito nag-atubili na hiwalyan siya. Sa isang pagkakamali ay nasira ang pinakaingat-ingatan niyang relasyon sa kaniyang nobya na nagawa niyang lokohin. Karma tuloy ang napala niya.

More Stories