Inday TrendingInday Trending
Nagtampo ang Lalaki sa Kanyang Lolo Dahil Imbes na Pera ay Libro ang Ibinigay Nito, May Lihim Palang Nakakagulat sa Regalong Iyon

Nagtampo ang Lalaki sa Kanyang Lolo Dahil Imbes na Pera ay Libro ang Ibinigay Nito, May Lihim Palang Nakakagulat sa Regalong Iyon

Nasa ikatlong taon na ng kolehiyo si Julio, hindi niya pa rin alam kung paano siya nakapasa noong mga nakaraang taon dahil wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-bulakbol. Nag iisa kasi siyang anak at mahal na mahal siya ng mga magulang kaya lumaki siyang nasusunod ang luho.

Nagsimula na lamang maghigpit ang mga ito dahil sa huling kalokohang ginawa niya, pumasok siya sa klase ng lasing. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na pumasok siyang nakainom, pero iyon ang unang beses na nahuli siya. Matapang kasi ang alak na pinagsaluhan nila ng kanyang barkada at amoy na amoy.

Bukod pa doon ay talaga namang sumusuray siyang maglakad, sinigawan niya pa ang guro at dinabugan. Kaya heto siya ngayon, walang kahit na anong gadget, walang pera, ibig sabihin wala ring gala.

Pag minamalas nga naman!

Saglit siyang dumapa sa kama at pinagsusuntok ang unan dahil sa kagaguhan niya nang bigla siyang makaisip ng ideya, ang lolo niya!

Tama! ito na lang ang pag asa niya, kung puno na ang mga magulang niya sa kanya, ang lolo niya hinding hindi magsasawa. Mahal na mahal siya ng matanda at siya ang paborito nitong apo. Humarap pa siya sa salamin at nagpraktis ng sasabihin dito.

Ilalaglag niya na lamang ang mga kaibigan tutal hindi naman masyadong napunta ang mga iyon sa kanila. Sasabihin niya sa matanda na ang mga ito ang pumilit sa kanyang tumikim ng alak at dahil di siya sanay ay nalasing siya. Tapos pumasok pa rin siya dahil ayaw na ayaw niyang lumiliban sa klase, ang galing!

Pakikiusapan niya itong pagsabihan ang mga magulang na ibalik na ang mga ka-pritso niya- cellphone, pera, gala. O kahit bigyan na lamang siya ng pera, ayos na iyon. Tutal ay mabait naman siyang apo. Dahil nasa kanila ang lolo niya tuwing weekend ay madali niya lamang itong makakausap, perfect timing dahil wala ang parents niya at may pinuntahang binyagan.

“Lo..” tahimik na tawag niya sabay katok sa pinto ng kwarto nito.

“Pasok ka Julio..” sabi ng matanda, pagpasok ni Julio ay umupo siya sa gilid ng kama nito. Nasa maliit na upuan naman ang matanda at nagbabasa ng dyaryo.

“N-nung Monday po kasi napagalitan ako ni Mommy at Daddy dahil…” ikinuwento niya na ang nangyari pero syempre, iniba niya ang ilang detalye. Iyon bang tipong di siya magmumukhang masama, iyong pinraktis niya.

Tumatangu-tango lang naman ang lolo niya.

“Wala ako dito nang nangyari iyan pero ikinuwento nga ng Mommy mo,” komento nito.

“Yun na nga po.. ano sana,” sabi niya, bumwelo pa.

“Ano naman yun apo?” nag aabang ito ng isasagot niya.

“Kung.. naniniwala ka naman po sa akin diba? I mean, alam mo naman na mabait ako. Help mo naman po ako na mapapayag sina Mommy na ibalik na ang.. privileges ko,” sabi niya.

“Privileges?” tanong muli ng matanda.

“Opo, yung mga gamit ko po. Kasi syempre kailangan ko yung cellphone para nako-contact ko ang classmates ko about school, mga ganun po..or kahit konting cash nalang lolo, if meron po kayo,” sabi niya.

Tumango naman ang lolo niya, saglit itong tumayo at may kinuha sa malaking cabinet nito. Di na lumingon pa si Julio dahil ayaw niyang magmukhang masyadong excitement, nagpapaawa nga siya eh.

“Ito,” sabi nito. Medyo nagulat pa ang binata dahil inaabutan siya ng matanda ng isang libro.

“Ito po? Ano pong gagawin rito?” takang tanong niya.

“Basahin mo,” sabi ng matanda. Napatitig naman si Julio sa aklat, seryoso ba?

100 Ways to be Matured

“Basahin mo at malalaman mo ang sagot sa mga problema mo apo,” sabi nito at nagbasa na muli ng dyaryo. Di na nakasagot pa ang nagulat na binata, bitbit ang libro ay bagsak ang balikat niyang bumalik sa kanyang kwarto.

First time na tinanggihan siya ng kanyang lolo. Ano ba yan! Pati ba naman ito, sinesermunan na siya? At ano ang gusto nitong palabasin sa pagbibigay sa kanya ng libro, tungkol sa pagiging matured? Ibig ba nitong sabihin, hindi siya matured, ganun ba?

Nilagay niya ang libro sa ilalim ng kama at nagmukmok maghapon.

Makalipas ilang linggo ay isinugod nila ang lolo niya sa ospital dahil inatake ito sa puso, habang nakaratay ang matanda ay kinausap siya nito. Kahit pa hinang hina na.

“Apo, nagtatampo ka sa akin ano?” sabi nito na habol ang hininga.

“Wala na po yun Lo,” sabi niya, kahit ang totoo ay medyo nalungkot talaga siya nang di siya tulungan nito.

“Hindi mo pa nga talaga binabasa ang libro,” komento nito.

Hindi niya na inintindi ang sinasabi ng matanda, tapos na naman kasi iyon at gusto niyang magpahinga nalang ito.

Binawian rin ng buhay ang matanda at matapos ang libing nito, ay agad na nagmukmok si Julio sa kanyang kwarto. Ngayon, wala na talaga siyang kakampi. Di niya alam pero tila ba may bumubulong sa kanyang basahin ang librong ibinigay sa kanya ng matanda, after all, iyon ang huli nitong regalo sa kanya.

100 Ways to be Matured

Dahil di naman mahilig magbasa ay inabot ng tatlong araw si Julio para matapos iyon, paputol putol rin kasi siya. Aaminin niyang marami siyang natutunan at tila ba boses ng lolo niya ang naririnig na nagsasabi ng mga nakasaad doon.

Pero hindi niya inaasahan nang buklatin niya ang pinakahuling pahina, naroon, malutong at nakaipit…limang libong piso.

Nagbigay pala ng pera ang lolo niya!

May nakasulat rin sa tabi noon: Kakampi mo ako, gusto ko lang matuto ka apo.

Napangiti si Julio at nayakap ang libro, hanggang sa huling pagkakataon ay kinampihan pa rin pala siya ng matanda kahit pa bulakbol siya. Di niya ginastos ang perang iyon, palagi lang nakaipit sa libro at itinatago niya sa kanyang damitan para silipin upang magpaalala sa mga pangaral ng kanyang lolo.

Ngayon ay graduate na si Julio at may maganda nang trabaho. Laking pasasalamat ng kanyang mga magulang dahil sa wakas, nag-mature din ang kanilang anak.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement