Inagaw ng Babae ang Nobyo ng Matalik na Kaibigan; Matatamasa Niya ang Karma sa Mismong Araw ng Kanilang Kasal

Inagaw ng Babae ang Nobyo ng Matalik na Kaibigan; Matatamasa Niya ang Karma sa Mismong Araw ng Kanilang Kasal

KarmaLoveStories

Lumaking matalik na magkaibigan ang magkapitbahay na sina Micah at Lovely. Maladas na magkalaro ang dalawa at dahil hindi mapaghiwalay ay nagpasya ang kanilang mga ina na papasukin sila sa parehas na eskwelahan nang kailangan na ng mga ito na mag-aral. 

Naging sandigan nila ang isa’t isa. Halos mas alam pa nga ng bawat isa ang kanilang mga sikreto kaysa sa kanilang mga kamag-anak. Kung saan mag-aaral ang isa ay doon din mag-aaral ang isa. Kaya hanggang kolehiyo ay napag-usapan ng dalawa na pareho sila ng kursong kukunin at parehong unibersidad ang kanilang papasukan. 

Dahil malayo ang napili nilang paaralan ay kailangan ng dalawa na kumuha ng mauupahang boarding house.

“Nakakatuwa at hanggang ngayon ay tayo pa rin ang magkasama, Micah,” sambit ni Lovely sa kanilang matalik na kaibigan. 

“Hindi rin naman ako makakapayag na hindi ako dito mag-aaral. Wala kang makakasama at hindi ko rin kayang malayo sa best friend ko!” saad ni Micah. 

“Sana ay walang magbago sa samahan natin, Micah. Kasi kapatid talaga ang turing ko sa’yo,” pahayag ng dalaga. 

Naging masaya naman ang buhay kolehiyo ng dalawa. Kung titingnan ay walang kahit ano talaga ang makakasira sa pagkakaibigan nila Micah at Lovely. Hanggang isang araw nang aminin ni Micah na mayroon na siyang napupusuan. Walang iba kung hindi ang sikat sa kanilang unibersidad na si Joel. 

“Sa tingin mo ay papansinin ako ni Joel, bes? Maraming magagandang dilag dito sa paaralan. Sa tingin ko ay hindi niya ako mapapansin,” sambit ni Micah sa kaibigan.

“Ikaw pa ba, bes? Nasa iyo na ang lahat. Maganda ka at matalino. Pero bakit si Joel pa ang nagustuhan mo, kilalang babaero ‘yun!” saad ni Lovely. 

“Sa tingin ko ay hindi lamang siya nauunawaan ng iba. Pero alam ko na mabuti siya,” tugon ng dalaga. 

Hinayaan lamang ni Lovely ang kaniyang nararamdaman sa binata. Ayaw naman niya kasing siya ang unang gumawa ng hakbang para mapansin siya ng binata. Ang nais niya ay kung mamahalin din siya ni Joel ay dapat ligawan siya nito ng maayos. 

Ang hindi alam ni Micah ay may lihim ding pagtingin ang matalik na kaibigan sa binatang kaniyang napupusuan. 

Hindi nagtagal ay napansin ni Joel ang angking ganda at talino ni Micah nang isang araw na sumali ito sa isang quiz bee. Lubusang nabighani ang binata kaya ginawa niya ang lahat upang mapalapit at mapaibig si Micah. 

Hindi nagtagal ay sinagot na rin ng dalaga si Joel. Dahil may kasintahan na ito ay madalas lumabas ang dalawa at naiiwanan na lamang si Lovely. Ngunit hindi ito ang iniintindi ni Lovely. Lubusan ang selos at inggit na kaniyang nararamdaman dahil sa ipinapakitang atensyon ni Joel sa kaniyang matalik na kaibigan. 

Sa kaniyang tingin ay kung siya ang unang nagpahayag ng damdamin sa binata ay siya dapat ang iniibig nito at hindi si Micah. 

Hindi na mapigilan ni Lovely ang kaniyang nararamdaman. Nais niyang maagaw si Joel sa kaniyang bespren. 

Gumawa siya ng plano kung paano niya tuluyang makukuha ang binata. 

Isang gabi ay nakatanggap ng isang mensahe ang binata mula kay Lovely. Pinapapunta niya ito sa kanilang dorm sapagkat may inihahanda raw siyang surpresa para kay Micah. Dahil isa itong supresa ay hindi ipinaalam ni Joel sa nobya ang kaniyang gagawin. 

Nang makarating ang binata ay natagpuan niya si Micah na kakaiba ang suot. Pilit niyang inaakit si Joel. 

“Uminom muna tayo, Joel,” paanyaya ni Lovely. 

Nagpaunlak naman ang binata. Nang malasing na ang dalawa ay doon na sinimulan ni Lovely ang kaniyang balak sa nobyo ng matalik na kaibigan. 

“Alam kong gusto mo rin ako, Joel. Saka alam kong may iba ka pang babae bukod sa kaibigan ko. Hindi ko ito sasabihin sa kaniya basta gusto ko ay sa akin ka rin,” wika ng dalaga. 

Dahil nga likas kay Joel ang pagkababaero ay agad niyang sinunggaban ang alok ni Lovely. Hindi nila inaasahan ang pagbalik ni Micah sa dorm. Lubusang hinagpis ang naramdaman ng dalaga nang makita ang pinakamatalik niyang kaibigan at ang kaniyang nobyo na walang saplot ang katawan. 

“Hindi ko akalain na isang lalaki lang pala ang makakasira sa pagkakaibigan natin, Lovely. Sa lahat ng tao ay hindi ko akalain na ikaw pa ang gagawa sa akin nito,” umiiyak na sambit ni Micah.

Dahil na rin sa pangyayari ay akala ng mga magulang ni Lovely na nabuntis siya ni Joel kaya pilit nilang pinagpakasal ang dalawa. 

Wala nang sasaya pa kay Lovely dahil sa wakas ay tuluyan nang mapapasakaniya ang lalaking kaniyang hinahangad. Wala siyang pakialam kahit na nawalan siya ng isang matalik na kaibigan.

Dumating ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. May parte kay Lovely na hinihiling na sana ay naroon ang kaibigan upang saksihan ang tagpong ito sa kaniyang buhay. Ngunit nakakabalik siya sa katotohanan na inagaw lamang niya ang lalaking ito mula sa kaniyang bespren. 

Nang matapos ang kasal ay dumeretso sila sa handaan. Nagpaalam si Joel na magbabanyo lamang sandali ngunit ilang minuto na ay hindi pa rin ito nakakabalik. Kaya hinanap na ito mismo ng kaniyang kabiyak. 

Hindi siya makapaniwala nang pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nakita niya roon ang asawa na nakikiapid sa isang waitress doon. Nais sana niyang sigawan at saktan ang mag ito sa panloloko na kanilang ginawa sa mismong araw pa ng kanilang pag-iisang dibdib. Ngunit nanigas na lamang siya sa pagkakatayo at naisip niya ang kaibigan na sa ganitong tagpo rin sila naabutan ni Joel. 

Napaiyak na lamang siya sa lungkot na ipinagpalit niya ang kaibigang halos kapatid na niya sa isang lalaking walang gagawin kung hindi lokohin lamang siya habambuhay. Kung maibabalik lang sana niya ang panahon, hinding-hindi niya gagawin ang kaniyang nagawa kay Micah.

More Stories