Pumunta sa Mall ang Lalaki Para Tumambay at Mambabae; May Mabubuking Pala Siya Roon

Hilig ni Ambet ang tumambay sa loob ng mall bago siya umuwi sa bahay. Katapat lang kasi ng pinagtatrabahuhan niyang pabrika ang isang mall kaya araw-araw siyang pumupunta roon para lang tumambay. Siyempre, hindi lang basta pagtambay lang ang inaatupag ni Ambet, narooon din siya para mambabae.

“’Yun oh! May mga magagandang tsikabeb pala na nagpupunta rito!” nakangising sabi ni Ambet sa isip.

Maya-maya ay may seksing babae na lumapit sa kaniya.

“Hi, pogi!” bati ng babae na namumungay pa ang mga mata.

Bigla siyang napalingon. Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan ang babae.

“H-hello, miss! Ano’ng pangalan mo?”

“Ako si Tanya. Ikaw, ano’ng pangalan mo, pogi?” pabulong na sabi ng babae.

“A-ako? Ako nga pala si Ambet. A, eh, ano naman ang ginagawa mo rito? May kasama ka bang iba?”

Advertisement

“Wala. Tumatambay lang ako rito at wala akong ibang kasama. Bakit mo naman naitanong, pogi?”

Unti-unting nag-iinit ang pakiramdam ni Ambet sa ginagawang pang-aakit ng babae. Panay ang himas nito sa dibdib na para bang gusto nitong ipahimas ang mga iyon sa kaniya.

“P-pareho naman tayong walang kasama, ‘di ba? Kung gusto mo’y sabay na lang tayong mamasyal. Maglibot-libot tayo rito sa mall.”

“Yun lang pala, eh. Sige, pogi, game ako!” malanding sambit ni Tanya na kumapit na sa braso niya.

Lalong kinilig si Ambet sa paglingkis ng maganda at seksing tsikabeb na kasama niya. Sa palagay niya ay type rin siya nito kaya may nabuo siyang plano.

“A, eh, Tanya, parang gusto kong magpunta sa lugar na mas malamig!”

Naintindihan naman ng babae ang gusto niyang iparating.

“Sige, pogi. Gusto ko rin ‘yan, pero hindi libre, ha?” hirit nito sa kaniya.

Advertisement

“Yun lang pala, eh. Basta mag-e-enjoy akong kasama ka, ‘di problema ang bayad,” tugon ni Ambet.

“Ayan, maayos ka palang kausap, pogi, p-pero dahil type kita, baka hindi na kita pagbayarin kapag nagustuhan ko ang performance mo. O, ano pa ang hinihintay natin? Halika na sa lugar na mas malamig!”

Tuwang-tuwa si Ambet dahil tiyak na mag-e-enjoy siyang kasama ang nabingwit niyang tsikabeb. Baka maka-libre pa siya rito kung sakaling magalingan ito sa kaniya.

Pumunta sila sa pinakamataas na palapag ng mall. Bumili siya ng ticket para sa kanilang dalawa at sabay na pumasok sa sinehan. Doon ay mas malamig dahil mas malakas ang aircon. Gustong-gusto ni Ambet ang puwesto nila ni Tanya sa pinakadulong upuan sa balcony ng sinehan. Hindi sila pumunta roon para manood ng palabas sa sine, siyempre may iba silang balak kaya sila pumuwesto roon. Talagang pinili niya ang sinehan na kakaunti ang mga nanonood para walang iistorbo sa gagawin nila ngunit bago pa man siya maka-iskor sa babae ay may narinig siyang umuungol sa kanilang harapan.

“Oohh, oohh, sige pa, Brix! Ganyan nga, oohh!” halinghing at ungol ng isang babae.

Nagulat si Ambet sa narinig.

“P-parang kilala ko ang boses na iyon, ah!”

Maya-maya ay muling umungol ang babae at lalaking kasama nito. Mas malakas at malinaw na ang mga boses ng mga ito.

Advertisement

“Uuhh, oohh, Brix, napakagaling mo talaga, grabe! Walang panama sa iyo si Ambet, oohh!

“Ang bango-bango mo, Rose, oohh!”

Nang marinig ni Ambet ang sinabi ng babae ay tumayo ito sa kinauupuan, binuksan ang flashlight sa cellphone at itinutok sa dalawang naglalampungan. Laking gulat niya nang makilala ang babae.

“R-Rose?! S-sino ang lalaking ‘yan?!”

Muntik nang mapasigaw ang babae nang makita siya.

“B-bakit ka narito?! gulat na gulat na sambit ng babae.

“Bakit, pare, sino ka ba, ha?” maangas na tanong ng kasama nitong lalaki.

“Ako lang naman ang asawa ng babaeng kalampungan mo, hayop ka!” gigil na sabi ni Ambet.

Advertisement

Hindi nakapagsalita ang lalaki at agad itong lumabas sa sinehan. Hiyang-hiya naman ang kaniyang misis dahil sa ginawa nitong pagtataksil.

“Ano ito? May asawa ka na pala, pogi? Ang lakas ng loob mong umiskor sa akin, may sabit ka na pala? Sayang, ikaw pa naman ang tipo kong lalaki. Diyan na nga kayo!” inis na wika ni Tanya nang malamang may asawa na siya. Tumayo rin ito sa kinauupuan at nagmamadaling umalis.

Biglang nawala ang tapang ni Ambet nang marinig ng misis niya ang sinabi ni Tanya.

Walang imik na lumabas ang mag-asawa sa sinehan. Pareho silang walang mukhang maiharap dahil pareho lang nilang pinagtaksilan ang isa’t isa. Karma ang inabot ni Ambet dahil sa kaniyang pambababae ay hindi niya namalayang iniiputan din pala siya sa ulo ng asawa niya. ‘Di nagtagal ay nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa dahil sa ginawa nilang pangangaliwa sa isa’t isa.