Inday TrendingInday Trending
Kinagwapo Mo ‘Yan?

Kinagwapo Mo ‘Yan?

KarmaLoveStories

“Sige bebe, sa katapusan biiblhan kita ng bagong sapatos,” malambing na sabi ni Troy, at Trixie naman sa gabi, sa lalaking karelasyon na si Nico.

“Talaga bebe ko?! Salamat! Da best ka talaga!” sabay yakap ng lalaki dito ng mahigpit.

Nang maghiwalay ng landas ang dalawa ay ngingisi-ngising nagchat si Nico sa mga kaibigan.

“Paano ba yan, nakahingi na naman ako sa Bebe 1 ko ng bagong rubber shoes! Kayo lang eh, wala kayong bilib sa’kin e,” pagmamayabang pa niya sa kaniyang mga kaibigan.

“Ang lupit mo pare! Manlibre ka naman mamaya uy,” kantyaw pa ng isang kaibigan sa kanilang group chat.

Natawa na lang si Nico at sumakay ng jeep. Babalatuhan niya ang mga ito mamaya dahil ngayon ang sweldo ng kaniyang Bebe 2. Isang beking karelasyon niya rin ngayon na nagtatrabaho sa isang fast food restaurant bilang manager. Noong una ay nakokonsensya pa siya na pagsabayin ang mga ito, ngunit dahil malaki ang bigay at malaki ang pangangailangan, ibinaon niya ang kabutihang asal.

Nagbayad siya at napansin ang isang dalaga sa kaniyang harapan. Nang tingnan niya ay nakangiti ito, ngunit napansin niyang parang may kakaiba.

“Grabe muntik na ‘kong madaya. Beki pala, akala ko babae,” sa loob-loob niya saka sinuklian din ng ngiti ang babae. Makinis ito at maraming suot na alahas, parang dinemonyo na naman ang utak niya kaya kumuha siya ng kapirasong papel sa kaniyang bag, isinulat ang kaniyang contact number, at saka iniabot dito.

Kinindatan niya muna ang ngiting-ngiting beki bago bumaba ng jeep kung saan sila magkikita ng kaniyang Bebe 2. May nararamdaman na naman siyang nalalapit na grasya, sa isip-isip niya.

“Sisters! Di kayo maniniwala sa ikukwento ko,” matinis ang boses na tili ni John, na Jinie ang pangalan kapag gabi.

“Ay teh hinaan mo nga yang boses mo, rinig ka hanggang kabilang kanto,” saway naman ni Michael, Mika sa gabi. Nagkita-kita noon ang magkakaibigan sa isang bar, at pagdating palang ay hindi na mapara ang bibig ni Jinie sa pagkukwento tungkol sa mystery guy nito.

“Kasi naman teh! Ang gwapo-gwapo niya kaya. Alam ko namang maganda ako kaya niya ko tinititigan kanina sa jeep. Di ko naman akalaing type niya rin pala ako dahil binigay niya pa ang number niya.”

“Tatlong beses mo na yang pinaulit-ulit teh. At sure naman ako na mas gwapo pa rin ang dyowa ko no,” sabi ni Trixie sa nagmamalaking tinig.

Sina Trixie, Jinie, at Mika ay magkakaibigan na simula pa lang noong college kaya halos magkakapatid na ang turingan nila sa isa’t isa. Nang gabing iyon ay nagkita-kita ang magkakaibigang beki dahil kaarawan ni Jinie, ito ang pinakabata at ang nag-iisang single sa kanila. “Hay naku di pa nga namin nakikita yang Nico mo eh. Basta walang tatalo sa bebe kong si Angelo.”

Nagpapayabangan ang magkakaibigan nang biglang tumili si Jinie.

“Ay! Siya iyon mga sis! Si Mr. Cutie ko!” sabi nito sabay turo sa bandang likuran nila. Dahil punong-puno ng mga taong sumasayaw at sa malikot na mga ilaw ay hindi nakita ng dalawa ang tinuturo nito.

“Halika bilis hanapin natin! Suportahan niyo na ko dito mga sis! Gusto ko nang magkadyowa please!” natatarantang sabi ni Jinie sa dalawang kaibigan sabay hila sa mga ito.

Nakisiksik sa maraming tao ang tatlong beki at hinanap ang lalaki. Napunta sila sa isang sulok ng bar kung saan kaunti lang ang tao.

“Ayun! Siya yung nakatalikod na lalaki,” sabi ni Jinie at lumapit dito. Mukhang busy ito sa pakikipagkwentuhan sa isang babae nang tapikin niya ito sa likod.

“Yes?” tanong ng lalaki pagkaharap sa kaniya. Nagulat siya nang biglang sumigaw sina Trixie at Mika sa kaniyang magkabilang gilid.

“Angelo?!”, “Nico?!” sabay na sabi ng mga ito. Nang mapagtanto ng magkaibigan na ang kanilang mga nobyo ay iisang tao pala na nagpapanggap lamang ay tumili ang dalawa at sinugod ito.

Nataranta naman ang lalaki nang makilala ang dalawang baklang nasa harapan niya, ang kaniyang Bebe 1 at Bebe 2. Bago pa ito makapagpaliwanag ay pinaghahampas at pinagkakalmot na ito ng dalawa.

“Sabi mo mahal mo ‘ko! Matapos kong ibigay sa’yo ang lahat, manloloko!” eskandalo ni Mika sabay sampal sa lalaki.

“Ang kapal ng mukha mong pagsabayin ang mga kaibigan ko! Tapos isasali mo pa ko sa kalandian mo!” sigaw ni Jinie na nakisali na rin sa pambubogbog sa lalaki.

Marami ang nakiusyoso at may mga kumukuha pa ng larawan at videos. Pagkaraan ay tuluyang naawat ang tatlong beki ngunit huli na dahil gopong-gopo na ang lalaki. Punit ang damit nito at sargo ang ilong, maraming kalmot sa braso at mukha.

Makalipas ang ilang araw ay pinagpiyestahan sa social media ang mga video at larawan ng pangyayari. Marami ang nagpahayag ng galit sa ginawa nitong panlolokong kapwa.

“Kinagwapo mo ‘yan?” sarkastikong komento ng isa.

“‘Yan ang nababagay sa mga manloloko!” sabi pa ng isa.

Humingi ng tawad ang lalaki sa tatlong beki at nangakong hindi na uulitin ang ginawang panloloko sa kapwa. Ilang araw itong hindi makalabas ng bahay dahil sa kahihiyan at pagsisisi.

Pinatawad naman siya ng tatlo dahil nakita nila ang sinseridad nito.

“Nagmamahal lang naman din kaming binabae, bakit lagi na lang tayong naloloko?” atungal ni Trixie.

“Ay naku! Ako, pagod na kong habulin ang pag-ibig. Sa susunod ay hahayaan ko na lang ang tadhana na magpakilala sa akin ng taong tunay akong iibigin hindi base sa kaya kong ibigay,” sagot ni Jinie.

“Pero mga sis, kung lalaki lang din naman, huwag nating pag-awayan ah. Pangako?” tanong ni Mika sa dalawa kahit masakit pa rin sa kaniya ang nangyari.

“Oo naman!” sagot ng dalawa at nagyakapan ang tatlong magkakaibigan.

Napagtanto nila na mas mahalaga ang pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan kaysa ipaglaban ang isang relasyong hindi subok at maaaring hindi pangmatagalan. Ang pag-ibig, darating ‘yan kung maghihintay ka lamang, at mananatili kung sadyang tunay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.