Ipinagmamalaki ng Binata ang Kaniyang Maganda, Sexy at Mukhang Teenager na Ina, Ngunit Isang Pangyayari ang Sisira sa Respeto Niya Dito
“Tol, ang ganda ng nanay mo ah. Nanay mo ba talaga ‘yan?” Ito ang laging tanong na nakukuha ni Dom mula sa mga kaibigan o kaklase na unang beses na makita ang mommy niya.
“Oo tol, kamukha ko ‘di ba. Mana ako diyan, pogi ako eh.” Pagmamalaking sagot ni Dom.
Mula nang bata pa lamang si Dom ay napapansin na ng kaniyang mga kaklase ang ganda ng mommy niya. Lagi niya itong ipinagmamalaki dahil bukod sa kagandahan nito, sexy ay mistulang hindi tumatanda’t dalaga pa rin tignan ang kaniyang mommy.
“Hay naku Dom, hindi porket iniwan ako ng daddy mo eh pababayaan ko na ang sarili ko. Kahit na gaano kadami ang problema mo at wala ka mang pera o malungkot ka, kapag maalaga ka sa sarili ay hindi nila ito mahahalata.” Ito ang paliwanag ng kaniyang mommy ng minsang tanungin niya ito kung bakit nga siya ganoon mag-ayos.
Bata pa lamang ay naghiwalay na ang mommy at daddy ni Dom. Sabi nila, hindi na lang daw talaga maganda ang takbo ng relasyon nila at nagkasawaan na lang sila. Sa ngayon ay matalik pa rin namang magkaibigan ang kaniyang mga magulang.
“Ma, dito kami gagawa ng thesis. Doon kami sa kwarto ko, ah.” Paalam ni Dom.
“Oo sige, dalhan ko kayo ng snacks sa taas. Tapusin ko lang ‘tong pinapanood ko.” Sagot naman ni Lea.
“Tol, ayos yang mommy mo. May asim pa, ah. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong nanay.” Wika ni Troy.
“Loko ka, syempre nanay ko ‘yon. San pa ba magmamana ng ganda ng mukha ‘yon kung hindi sa ‘kin, napaka-pogi ko ‘di ba? Hanggang tingin lang kayo do’n.” Pabirong sagot ni Dom.
Inakyatan ng mommy ni Dom ng pagkain ang magkakaklase. Lalong nahumaling si Troy kay Lea. Hindi niya talaga maalis ang tingin dito. Manipis at maiksing pantulog ang suot ni Lea kaya naman kitang-kita ang kinis ng balat nito.
Isang araw habang mag-isa sa bahay si Lea ay may nag-doorbell. Nang buksan niya ang pinto ay nakita niya ang gwapong si Troy.
“Oh, ba’t mag-isa ka? Wala dito si Dom, nasa school.” Tanong ni Lea.
“Mam, para sa inyo po talaga ‘tong dala ko. Andito po ako para bisitahin kayo.” Sagot ni Troy.
Nagulat si Lea sa sinabi ni Troy ngunit pinapasok niya pa rin ito sa kanilang tahanan at nakipagkuwentuhan.
Lingid sa kaalaman ni Dom ay sadyang mahilig sa mga batang lalake ang kaniyang mommy. Si Troy naman ay talagang mahilig rin sa mas may edad sa kaniyang mga babae. Pareho rin pala silang interesado sa isa’t isa.
Lumipas ang mga araw at linggo ay lalong napapadalas ang pagkikita ni Lea at Troy. Sa bawat araw na nagkikita sila ay mas lalong nahuhulog ang loob ni Lea sa binatilyo. Talaga naman kasing napakaguwapo ng batang si Troy.
Wala namang napapansin o nararamdamang kakaiba si Dom dahil magaling magtago ang dalawa. Madalas ding natutulog sa kanila si Troy dahil sa paggawa nila ng kanilang thesis.
Hanggang isang gabi, pagkatapos nilang gumawa ng thesis ay nag-inuman sila sa kwarto ni Dom. Nang malasing at makatulog na ang mga magkakaklase ay lumabas ng kwarto si Troy upang puntahan sa kwarto si Lea.
Ilang minuto pa ay nagising naman si Dom para mag-CR. Habang naglalakad ito patungong hagdan ay narinig niya ang boses ng kaniyang mommy na parang may kumikiliti at nasasarapan sa kung anumang ginagawa sa kaniya.
“Nakuha mo na talaga ang gusto ko. Ikaw ang pinakamagaling sa lahat.” Malanding sabi ni Lea.
“Sabi ko naman sa’yo eh, magaling ako. Syempre bata pa ‘ko kaya kayang-kaya kong tumagal. Gagalingan ko pa para sa’yo.” Sagot ni Troy.
Natigilan si Dom at dahan-dahang sinilip ang kuwarto ng mommy niya. Hindi siya makapaniwala sa kalaswaang nasaksihan niya. Sinugod ni Dom si Troy at pinagsususuntok. Pinigilan siya ng kaniyang ina at saka sinarado at ni-lock ang pintuan upang hindi magising ang iba pa nilang mga kaklase. Gigil na gigil si Dom kay Troy at diring-diri naman ito sa kaniyang Mommy.
“Nakakahiya kayo! Ma! Kaklase ko ‘yan! Kaibigan ko! Kaedad ko lang! Dapat nga’y anak ang ituring niyo sa kaniya! Pero bakit?!” Sigaw ni Dom.
Hindi na nakaimik pa ang kaniyang Mommy sa hiya sa nangyari.
Kahit na sumabog ang galit ni Tom ay nagawa pa rin nilang pag-usapan ang lahat. Sinabi nila kung kalian at paano nagsimula ang kanilang relasyon na lalong nagpagalit kay Dom.
“Dom, pasensya ka na, tol. Sorry!” Nakaluhod na pagmamakaawa ni Troy kay Dom.
“Wag ka nang magsalita! Nanay ko ‘yan paano mo nagawa ‘yan! Matagal na kayong magkarelasyon. Ginago mo ‘ko!” Galit na galit na wika ni Dom.
Napagdesisyonan nila na maipasa lang nila ang kanilang thesis ay hindi na kailanman pa sila magkakaroon ng ugnayan. Nilihim nila ang nangyari ng gabing iyon sa iba pa nilang mga kasama.
Ginawa nila iyon upang hindi na maging kahiya-hiya o pag-usapan pa sa kanilang eskwelahan ang natuklasang relasyon ni Lea at Troy.
Mula noon hanggang makagraduate sila ng kolehiyo ay hindi na nagusap si Troy at Dom. Si Lea naman ay pinipilit makabawi sa anak.
“Sana anak, bumalik na yung dating ikaw. Patawarin mo na ako.” Wika ni Lea.
“Ma, nanay kita at kahit kailan hindi kita kayang tiisin pero kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko.” Malungkot na sagot ni Tom.
“Hihintayin ko ang araw na mapatawad mo ako ng buong-buo. Sorry, anak.” Wika ni Lea habang yakap yakap si Dom.
Mula noon ay unti-unti nang nagbago si Lea at kailanma’y hindi na ito nakipagrelasyon sa mga batang lalake. Naging disente na rin itong manamit at natutong kumilos ng ayon sa kaniyang edad.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!