Sobrang Init ng Ulo ni Misis sa Kapatid ng Mister Niya, Grabe Naman Pala Kasi ang Katamaran ng Babae
Pagkatapos ng isang taon na pagiging magkasintahan ay agad nagpakasal sila Michael at Isabela, ngayon ay magda-dalawang taon narin silang nagsasama bilang mag-asawa.
“Mahal, sabi nga pala ni mama dito muna sakin titira si Janna, gusto dito maghanap ng trabaho sa Maynila e,” wika ni Michael sa asawa.
“Parang wala naman na akong choice, mukhang nakapagdesisyon kana. Di mo na kailangan ng sagot ko,” saad ni Isabela sa mister.”Pagsabihan mo yang kapatid mo na kung titira dito sa’tin e ayoko ng makalat lalo’t ngayong buntis ako. Ayoko ng dagdag sakit sa ulo” dagdag pa niya.
Mabait naman ang kaniyang asawa ngunit napapansin niyang nagbago ito simula ng nakasama nila sa bahay ang kaniyang kapatid.
“Mahal, pwede mo ba ako paglutuan ng agahan bago ako pumasok?” lambing ni Michael rito.
“Paghahandaan kita tapos makikinabang rin yung kapatid mo? Ano ako katulong niyo?” pabalang na sagot ni Isabela sa lalaki. Iniisip na lamang ni Michael noon na baka dahil sa buntis kaya mainit ang ulo ng kaniyang misis.
Ngunit nagsunod-sunod pa ang pagkainis nito sa kapatid katulad nang mapansin niya ang kanilang sapatusan, hindi sinasama ng kaniyang misis sa pag-aayos ang sapatos ng kaniyang kapatid kahit pa nga nasa isang lagayan lamang ito. Hindi rin nagluluto ang babae kapag nasa bahay ang kapatid niya, hinahayaan niya lang din na magulo ang bahay at hindi ito naglilinis.
“Ano ba yan Isabela ang kalat ng bahay! Maglinis ka naman!” baling ni Michael sa asawa.
“Lilinisin ko yung sa’tin lang!” sagot naman ng babae.
“Linisin mo lahat! Nasa bahay ka na nga lang. Maglilinis ka nalang di mo pa magawa,” sagot muli ni Michael.
Naging madalas ang pag-aaway ng dalawa.
Hindi naman ganito ang babae dati dahil maayos ito sa bahay, palagi nga niyang ipinagmamalaki na kahit mas bata ang napangasawa niya ay maayos at maasahan ito sa bahay.
Hanggang sa lumabas na ang kanilang supling na labis na nagpabago sa ikot ng kanilang buhay. Nagkaroon ng pneumonia ang baby kahit bagong silang pa lamang.
Tila napagbuntunan naman ng misis niya ang kanyang kapatid.
“Ano ba yan, ilalagay na lang ang pinggan ay hindi pa maayos!” saad ni Isabela sabay hugot muli ng mga pinggan at inayos ito mula sa malaki hangang sa maliit.
“Ano bang klaseng ayos ang gusto mo para pinggan lang e napakaarte!” pabalang na sagot ni Janna sabay ismid nito.
“Ano ba yan? pinggan lang ay pinag-aawayan ninyo pang dalawa,” singit ni Michael dito.
Umalis na lang si Isabela at umakyat sa taas para puntahan ang anak at doon umiyak. Sinundan ni Michael ang asawa at kinausap ito.
“Ano bang problema mo sa kapatid ko? bakit ba laging mainit ulo mo sa kaniya? Ayaw mo ba siyang nakatira dito? Alam mo naman na sa akin binilin yan ni mama e,” pahayag ni Michael sa asawa.
“Bakit hindi mo muna tignan yang katamaran ng kapatid mo bago mo ako tanungin ha?!” sagot ni Isabela sa mister.
“Hon, nagtratrabaho yung tao, halos hindi mo na nga tanggapin dito sa bahay e,” baling ni Michael.
“So ako pa ngayon ang masama? Hindi mo talaga nakikita ano? Gusto ninyo akong gawing katulong! Magka-edad lang kami ng letcheng Janna na yan pero yung kapatid mo hindi marunong mag-ayos ng sapatos na nagamit niya.
Hindi marunong maghugas ng mga pinggan, nakita mo ba ang mga hugas niya? Inuulit ko pa dahil may mga dumi parin! Sa tagal niyang nakatira dito sa’tin ilang beses ko yan nakitang nagwalis, t*ngina Michael! Wala! UMUUWI, NATUTULOG,KUMAKAIN LANG YUNG KAPATID MO DITO!” wika ni Isabela at umagos ng tuluyan ang kaniyang mga luha.
“Bakit mo gagawing katulong yung kapatid ko, hindi naman yun katulong!?”pabalang na sagot ng lalaki sa misis.
“So ako? Ano pala ako dito!? Ako ang katulong ninyo!? Ako magliligpit ng kalat niyo?! Kahit minsan wala kang narinig sa akin noong dalawa lang tayo dahil responsibilidad kong pagsilibihan ka pero pati ba naman kapatid mo? Nakakapunta siya kung saan-saan, buwan buwan bago ang kulay ng buhok niya tapos buhay prinsesa siya dito sa bahay?
Hindi ako nagpakasal sayo para gawin mo akong katulong . Kung hindi mo kayang mapagsabihan yang kapatid mo na kumilos dito sa bahay ay hindi tayo kailanman magkakasundo!” saad ni Isabela sa asawa, pigil na pigil ang boses niya dahil natatakot siyang baka magising ang anak.
Nanahimik na lamang si Michael at lumabas para mag-isip. Tama nga naman ang asawa, hindi niya napapansin na ginagawa niyang katulong ang babae na ultimo kalat ng kaniyang kapatid kailangan ito na ang magligpit. Nakalimutan din niyang napapabayaan na ng misis niya ang kaniyang itsura magawa lamang ang mga utos niya at alagaan ang anak.
Doon nakita ni Michael na maagang gumigising ang kaniyang asawa para magluto bago siya pumasok, buong araw itong nag-aalaga sa anak dahilwala silang katulong, siya lang rin ang naglilinis ng bahay, naglalaba, namamalantsa at nagluluto.
Mahirap ang trabaho ni Isabela bilang isang may bahay. Kaya naman kinausap niya ang kapatid na tumulong.
Sa wakas ay naayos rin ang samahan nila. Nagkapatawaran ang dalawa at naging sobrang close pa.
Lahat ng tao ay may kani-kaniyang hirap na pinagdadaanan at hindi ibig sabihin na ang mga nanay na nasa bahay lang ay hindi na sila marunong mapagod. Malaking bagay na Makita rin natin ang sakripisyo nila.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.