Inday TrendingInday Trending
Nahuli ng Mister ang Misis na may Kalaguyo, Lalo Siyang Naghinagpis Nang Malaman Kung Sino ang Kabit Nito

Nahuli ng Mister ang Misis na may Kalaguyo, Lalo Siyang Naghinagpis Nang Malaman Kung Sino ang Kabit Nito

Araw-araw na nagmamaneho si Alex ng truck para magdeliver ng mga gulay sa palengke. Kadalasan ay gabi ang kaniyang alis dahil mas mabilis ang byahe mula sa mga probinsyang pinagaangkatan papunta sa iba’t-ibang palengkeng kaniyang pinagdadalhan.

“Aalis na ako Mina, magsarado kayo ng mga pintuan at gate ha, ang mga bata ba tulog na?” Paalam niya sa asawa bago umalis.

“Oo kanina pa sila nakatulog, ipinagbaon kita ng tinapay at kape dito sa inuman mo, magiingat ka sa byahe.” Sagot nito.

Matapos magpaalam sa asawa ay tumungo na si Alex sa truck na nakaparada sa labas ng kanilang bakuran. bago siya pumasok ay nakita niya ang kumpareng si Denis.

“Oh pare, aalis na muna ako, pakitingnan-tingnan nalang ito mag-iina ko ha, sa isang araw na ang balik ko at sa Baguio ang lakad ko ngayon.” Wika niya.

“Oo sige pare walang problema, madalas rin naman akong mapadaan dito sa inyo.” Saad nito.

Di nagtagal ay nagpaalam na si Alex sa kaibigan at umalis. Nang makitang nakalayo na ang kumpare ay kinatok ni Denis ang kanilang bahay. Agad din siyang pinagbuksan ni Mina.

“Sigurado ka ba nakaalis na siya? Baka nakita ka niyang pumasok rito ha.” Tanong nito.

“Oo sigurado ako, tulog na ba ang mga anak niyo? Tara na dun sa kwarto.” Paanyaya nito sa asawa ng kumpare.

Matagal nang niloloko ni Mina ang asawa, sa tuwing aalis ito ay siya namang dating ng kalaguyong si Denis, ang ninong ng kanilang panganay na anak at isa sa matatalik na kaibigan ni Alex. Kabisado na niya ang eskedyul ng pagalis at paguwi nito kaya’t hindi sila nahuhuli.

“Kahapon pa ako nanggigil sayo eh, ang tagal naman kasi umalis ng asawa mo.” Panghaharot ni Denis.

“Wag kang maingay baka magising ang mga bata.” Sagot ni Mina habang kinikiliti ng kabit.

Samantala ay abalang nagmamaneho si Alex ng maalalang naiwan ang kaniyang lisensya na ipinatong sa kanilang lamesa.

“Pag minamalas ka nga naman.” bulong niya sa sarili, Agad niyang iniikot ang manibela at nagmaneho pabalik sa kaniyang bahay.

Dahan-dahan niyang binuksan ang gate at pintuan dahil ayaw na niyang gisingin ang natutulog na pamilya. Madilim na ang kanilang sala at tahimik na ang paligid.

Naglalakad siya patungo sa lamesa nang marinig ang kaluskos at mga boses na tila nagtatawanan sa loob ng kanilang kwarto. Sarado ang pintuan ngunit kita niya sa ibaba ng nito na bukas ang ilaw sa loob.

“Patayin mo na ang ilaw umpisahan na natin to.” Wika ng lalaki.

“Eto na nga oh, handa ka naba?” Sagot naman ng kaniyang asawa sa malanding tono.

Nabosesan agad ni Alex ang lalaking kasama ng asawa at sa sobrang galit niya ay napasigaw siya ng napakalakas.

“Mga hayop kayo! Ang kakapal ng muka niyo!” Sabay sipa sa pintuan na madali namang nabuksan.

Tumambad sa kaniya ang hubo’t-hubad na asawa at ang kumpareng nakahiga na sa kama. Galit na galit niyang ibinato dito ang lamparang nasa tabi ng pintuan ay binigyan ito ng malakas na suntok saka sinampal ang asawa.

“Walanghiya ka Denis! Kaibigan kita! kumpare! napaka baboy niyo!” sigaw niya

“At ikaw naman, napakakati mo! Sa sarili pa talaga nating kama, nandidiri ako sayo!”

Hindi malaman ni Alex kung ano ang dapat niyang gawin, gusto niyang saktan ang taksil na asawa. Napaupo na lamang siya sa isang sulok at walang tigil na nagsisigaw. Panay naman ang paghingi nu Mina ng tawad at habang mabilis na tumakbong palabas si Denis dala ang mga damit.

“Hindi kita mapapatawad, napakasakit Mina, wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka, naging tapat ako sa iyo kahit na palagi akong nasa malayo.” Sambit niya.

“Patawarin mo ako, para mo ng awa, nagkamali ako pero mahal kita, natukso lang talaga ako.” Paliwanag nito.

Sinubukan ni Alex na patawarin ang asawa alang-alang sa mga anak, ngunit kahit ilang buwan man ang lumipas ay hindi niya pa rin makalimutan ang kababuyang ginawa nito. Para sa ikakapayapa niya ay tuluyan siyang nakipaghiwalay kay Mina.

“Tigilan na natin ito, kahit anong pilit ko sa sarili ko ay hindi ako matahimik, aalis na ako, dadalawin ko na lamang ang mga anak ko at patuloy akong magsusustento para sa kanila. Alam kong mas maalagaan mo silang mabuti kaysa sa akin.” Paalam niya sa asawa.

“Wag Alex, wag mo akong iwan nagmamakaawa ako.” Sagot nito.

Anumang pakiusap ni Mina ay hindi na nagbago ang desisyon ng asawa, umalis na ito dala ang mga personal na gamit at lumipat sa kalapit na nayon.

Dahil sa kaniyang kasalanan ay nasira ang kanilang magandang pagsasama at masayang pamilya.

Nabuhay siya na puno ng pagsisisi habang si Alex ay nakahanap ng bagong pag-ibig. Gayunmay tinupad nito ang ipinangakong pagsusustento at patuloy na naging responsableng ama sa kanilang mga anak.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement