Inday TrendingInday Trending
Pinagbintangan Niyang Nanlalaki ang Nobya nang Malamang Babae ang Magiging Anak Nila; Tama ba ang Kaniyang Naging Basehan?

Pinagbintangan Niyang Nanlalaki ang Nobya nang Malamang Babae ang Magiging Anak Nila; Tama ba ang Kaniyang Naging Basehan?

Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Emerald, kaya hindi maitago ang sayang kaniyang nararamdaman na sa wakas ay malalaman na nila kung ano ang kasarian ng kaniyang baby na nasa kaniyang sinapupunan pa lamang.

“Excited ka na ba, Emerald?” Nakangiting tanong ng ate niyang si Amethyst.

Agad namang ngumiti ang si Emerald at sabik na nagsalita. “Opo ate. Gustong-gusto ko ng malaman ang kasarian ni baby,” aniya.

“Oh! Narito na pala si Jordan,” anito nang marinig ang busina g kotse ni Jordan.

Sasamahan siya ni Jordan ngayon sa kaniyang pagpapa-ultrasound. Kagaya niya’y sabik na rin itong malaman kung ano ang kasarian ng magiging anak nila.

Nasa Ospital na sila at ginagawa na nga ni Doc Sanchez ang ultrasound sa kaniya. Nang makita niyang ngumiti ang doktora at kita sa mata ang saya’y agad ding sumaya si Emerald.

“Babae ang anak mo, Emerald. It’s a baby girl,” sabik na anunsyo ni Doc Sanchez.

Agad namang nakaramdam ng saya si Emerald. Sa wakas! May mini-me na siya. Ngunit hindi niya napansin ang pag-asim ng mukha ni Jordan sa balitang nalaman. Kung sabik na sabik si Emerald, ay hindi gano’n ang naramdaman ng nobyo niyang si Jordan.

Nasa sasakyan na sila ngunit tahimik pa rin ito. Kaya nagdesisyon na si Emerald na kausapin ang nobyo at tanungin kung ano ang problema nito.

“Bakit babae ang magiging anak natin, Emerald?” Agad na wika ni Jordan.

“H-ha? Hindi kita maintindihan, Jordan. Anong problema kung babae ang magiging anak natin? Ang mahalaga’y malusog at kumpleto siya. Wala akong pakialam sa kasarian niya, sapagkat ang tanging mahalaga ay anak natin siya. Anong problema sa babaeng anak?” Salubong ang kilay at nagtatakang wika ni Emerald.

“Hindi sa’kin ‘yan,” mahina ngunit mariing wika ni Jordan. “Bukod pala sa’kin ay may iba ka pang sinisi*pingan, Emerald.”

“Ano? Ano bang pinagsasabi mo? Anong koneksyon roon? Kapag babae hindi mo anak, pero kapag lalaki anak mo. Gano’n ba, Jordan?”

“Oo! Hindi pwedeng maging babae ang anak natin. Kaya hindi ko iyan anak!” Mariing pinagdidiinan ni Jordan na iniipu*tan niya ito.

“Saang siyensiya mo ba nabasa ang ganiyang klaseng paniniwala, Jordan!” Naiinis na wika ni Emerald. “Paano ka nakakasigurong lalaki lang ang magiging anak mo! Pinagbibintangan mo pa akong nanlalaki kasi babae ang nandito sa sinapupunan ko?

Kung hindi mo tanggap na ito ang ibinigay sa’tin ng Diyos, ay nararapat lang sigurong tapusin na natin ang relasyong ito! ‘Ta*nginang paniniwala ‘yan, Jordan!

Bukod tanging sa’yo ko lang narinig ang let*seng paniniwala na iyan. Ayoko na! Tapos na tayo! Kaya kong buhayin ang anak na— ahh! Hindi mo pala anak ‘to, sabi mo. Kaya kong buhayin ang anak ko kahit wala ka!” Gigil na wika ni Emerald saka nagmartsa palayo sa lalaki.

Umuwi si Emerald sa bahay nila na umiiyak. Paano nasabi ni Jordan na hindi ito ang ama ng ipinagbubuntis niya? Alam ng lahat na wala siyang ibang mahal kung ‘di ito lang. Por que babae ang anak nila, hindi na agad ito ang ama.

Makalipas ang dalawang araw ay nagpunta si Jordan sa bahay nila upang humingi ng tawad sa kasalanang nagawa.

“Patawarin mo ako, Emerald. Masyado lang akong nag-assume na sana lalaki ang maging panganay natin. Dala lamang ng pagka-dismaya ko kaya nasabi ko ang mga nasabi ko sa’yo. Sorry Emerald, patawarin mo ako.

Hindi ko kaya kapag nawala kayong mag-ina sa’kin,” humihikbing wika ni Jordan. “Alam mong mahal na mahal kita, pati na si baby. Nadismaya lang ako noong nalaman kong babae siya. Pero pinagsisihan ko na iyon, Emerald.

Tama ka, ang Diyos Ama ang nagbigay sa’tin sa kaniya. Patawarin mo ako, Emerald. Sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon,” dugtong pa nito.

Naaawang niyakap naman ni Emerald si Jordan. “Huwag mo nang uulitin iyon, Jordan. Alam mong mula noong minahal kita’y wala nang ibang lalaki sa buhay ko kung ‘di ikaw lang.

Hindi ko desisyon o nino man na maging babae ang anak natin. Biyaya siya sa’tin ng Diyos, kaya walang sinuman ang nakakaalam kung babae ba siya o lalaki. Ang tanging magagawa lang natin ay tanggapin siya at mahalin. Hindi por que gusto mo ng lalaking anak, ay lalaking anak na ibibigay sa’yo.

Hindi ka Diyos, para gawin iyon. Nagtatampo ako sa paniniwalang hindi ko alam kung saan mo hinugot. Kaya sana huwag mo nang uulitin iyon, kahit sa mga sumunod pa, kung sakaling biyayaan tayo ulit,” mahabang wika ni Emerald.

“Pangako Emerald. Hinding-hindi na. Sorry, masyado akong ga*go kaya nagawa ko iyon. Patawarin mo ako sa mga sinabi ko. Hinding-hindi na ako uulit,” ani Jordan.

Diyos lamang ang nakakaalam kung anong kasarian ng iyong anak ang ibibigay niya sa’yo. Kung anuman ang ibinigay ay dapat lang na masaya mo itong tanggapin. Hindi lahat ng gusto natin ay siyang ating nakukuha. Siya at siya pa rin ang masusunod sa lahat.

Ang tanging magagawa ng isang magulang ay tanggapin kung anuman ang magiging kasarian ng anak at mahalin ito. Iyon ang obligasyon ng isang magulang sa kanilang mga anak.

Advertisement