Kursunada ng Magandang Dalaga ang Katrabaho Ngunit May Asawa na Ito; Nang Mabuntis at Tumaba ang Misis Nito’y Sinamantala Niya ang Kahinaan ng Lalaki

Kursunada ng Magandang Dalaga ang Katrabaho Ngunit May Asawa na Ito; Nang Mabuntis at Tumaba ang Misis Nito’y Sinamantala Niya ang Kahinaan ng Lalaki

FamilyInspiringKarmaStories

Kurbada ang katawan, makinis ang balat, at napakaganda ng maliit na mukha ni Pamela. Kaya naman kahit saan siya magpunta ay sinusundan siya ng tingin ng mga kalalakihan.

“Kung nag-asawa ka kasi ng maganda, hindi ka na sana titingin-tingin sa akin,” bulong ni Pamela kay Henry habang nasa klinika. Ang buntis na asawa nito’y walang kamalay-malay. Nakikipagkuwentuhan kasi ito sa nars habang tinitimbang at kinukuhanan ng BP.

Nagulantang si Henry sa narinig.

“Ah eh… Hindi naman sa ganoon.. Ang seksi mo kasi samantalang ang asawa ko’y napabayaan na ang sarili mula nang magkaanak kami,” napakamot ulo na lamang ang lalaki.

“Ma’am, 160 pounds na ho kayo. Kailangan na ninyong magpapayat kasi baka kayo ay ma-CS,” bulong ng nars sa misis ni Henry na si Sally.

Nakangisi si Pamela habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Sally.

“Ma’am Pam. Nandito na po ang OB-GYN, room 301 po,” nabubulol pang saad ng lalaking nars habang busog na busog naman ang mga mata nito sa nakaluwang dibdib ng dalaga.

“Hi, Sally. Sinabihan ko si Henry na ang galing niyang mag-alaga. Mukhang lahat ng pagkaing gusto mo’y agad niyang ibinibigay sa ‘yo,” pang-iinsulto ni Pam sa buntis.

“Ah, oo. Mahal na mahal ako niyan kahit pa hindi na ako kasing seksi at kasing ganda mo,” malaki ang ngiting sagot ni Sally.

Mapagmahal na asawa si Henry at alagang-alaga talaga nito si Sally. Dati silang magka-opisina ng mister at doon sila nagkagustuhan hanggang mauwi sila sa kasalan.

Dati ring napakaseksi ni Sally ngunit matapos manganak ng tatlong beses ay talaga namang napabayaan na nito ang sarili.

Gayunpaman ay panatag ang loob niya na nananatiling tapat si Henry sa kaniya at ni minsan ay hindi niya naramdaman na nabawasan na ang pagmamahal nito dahil sa pagbabago sa pisikal niyang anyo.

Ngunit nagkakamali si Sally.

“Henry, napanaginipan kita kagabi. Nasa iisang silid lamang tayo,” malanding wika ni Pam habang marahang inaayos ang damit na napakasikip. Lumalabas na kasi ang mayayamang dibdib ng dalaga.

Halos manigas ang buong pagkatao ni Henry sa nakikita at hindi na nga ito nakapagpigil pa.

Inilock nito ang pintuan ng opisina at hinarangan ang CCTV ng bimpong pabaon ng misis.

Agad na siniil ng halik ng lalaki ang maalindog na dalaga at tinugunan naman ito ni Pam ng mas mainit na halik.

Hinihingal pa si Henry mula sa pagnanaig nila ni Pamela nang mag-ring ang kaniyang telepono.

“Mahal, manganganak na yata ako. Papunta na kami ni mama sa ospital,” wika ng misis. Halatang nananakit na ang tiyan nito at nahihirapan.

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Henry at iniwang mag-isa si Pam sa kaniyang opisina.

Napakatamis naman ng ngiti ni Pam habang naglalagay ng lipistik na nabura sa init ng halik ni Henry.

“Mapapasaakin ka rin,” sabay kindat sa nakatalikod na lalaki.

Lumipas ang ilang linggo at nagpatuloy ang paglalaro sa apoy nila Pamela at Henry. Gabi-gabi ay hinahatid siya ng lalaki sa kaniyang condo unit at doon nila ginagawa ang kanilang kababuyan.

Nakakahalata na si Sally sapagkat pirmeng hatinggabi na umuuwi ang mister at nanlalamig na rin ito sa kaniya.

Nagsimula nang magpapayat si Sally at mabilis naman niyang nagawa ito dahil sa kaniya rin kumukuha ng gatas ang bunso.

Bumili siya ng mga bagong make up, pabango at mga pampakinis. Nagpakulay rin siya ng buhok at muling isinusuot ang mga seksing bestida na isinusuot niya noong siya ay dalaga pa lamang.

Hindi naman ito nakaligtas sa mga mata ni Henry ngunit dahil nakakatunog na si Sally ay hindi na siya muli pang nagpapagalaw sa mister. Tuwing kakalabitin siya nito sa gabi ay gumagawa siya ng dahilan.

“Mahal, magpapahinga muna ako,” sabay nagtulog-tulugan si Sally.

Nang marinig ang hilik ng asawa ay agad nitong kinuha ang cellphone ng mister.

Halos mawalan na ng pag-asa si Sally nang hindi niya mahulaan ang password sa cellphone ng mister hanggang sa naisipan niyang ilagay ang pangalan ni Pamela.

Halos mawala sa ulirat si Sally nang bumukas ang telepono nito. Agad siyang bumaba sa salas at doon umiyak nang pigil.

Bistong-bisto niya ang usapan ng dalawa. Kung gaano raw kasarap ang mister at kung gaano kabaliw ang mister kay Pamela.

Hindi niya kinaya ang huling mensahe ni Pamela.

“Buntis ako, Henry. Sigurado akong sa iyo ito dahil wala naman akong ibang nakakasip*ng kundi ikaw lang,”

Lumipas ang anim na buwan at halos mabaliw na si Sally sa pagpapanggap na wala siyang alam.

Nanibago rin siya sa mister. Parati na ulit itong umuuwi nang maaga at pirmeng nanlalambing sa kaniya.

Ang dating mataba at losyang na si Sally ay nagmukhang dalagang muli.

Sa kabilang banda naman ay halos ayaw nang lumabas ng bahay ni Pamela. Ang laki na kasi ng itinaba niya at tinubuan siya ng napakaraming tigyawat sa mukha at sa likod.

Pirme pa rin niyang sinusubaybayan ang pag-uusap ng dalawa sa cellphone ng asawa. Palibhasa’y nasanay na si Henry na hindi niya kailanman pinakikialaman ang telepono nito kaya’t hindi ito nagbubura ng mga mensahe.

Napag-alaman niyang nakikipagkalas na si Henry kay Pamela. Gusto nitong aminin na kay Sally ang lahat at sustentuhan na lamang ang bata.

“Sige, sustentuhan na lang natin ang anak mo sa labas,” kalmadong pahayag ni Sally pagmulat ng mga mata ng mister.

Nanlamig si Henry sa narinig at agad itong humagulgol.

“Patawarin mo ako, Sally… Mahal na mahal kita at ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habambuhay.”

Napahalakhak si Sally sa narinig.

“Ang pisikal na kaanyuan ay nagbabago ngunit ang kredibilidad at kalinisan ng puso ng isang tao ay hinding-hindi mo mababago. Pipilitin kong patawarin ka, Henry. Pero hindi pa sa ngayon,” lumuluhang wika ni Sally.

Tatlong taon na ang nakalipas at tila naghilom na ang malalim na sugat sa puso ni Sally.

Sising-sisi naman si Henry sa nagawa kaya’t lumipat na ito ng trabaho at kailanma’y hindi na tumingin pa sa ibang babae.

Si Pamela naman ay kung kani-kanino nang lalaki pumapatol. Ngunit pagkatapos siyang pagsawaan ay iniiwan din siya ng mga ito.

Ginawa ni Henry ang lahat upang sa kaniya mapunta ang kustodiya ng anak sa labas.

Sa ngayon ay anak na rin ang turing ni Sally sa anak ng mister na bunga ng isang pagkakamaling napagbayaran at napagsisihan na.

More Stories