Hagalpakan ang Lahat nang Makitang Nag-aaplay ng Pasaporte ang Babaeng Gusgusin; Sa Huli’y Nagpalitrato pa Sila Dito

Isang sikat at magaling na aktres ang dalagang si Kriselda. Palibhasa’y nagmana siya sa mga magulang na kapwa mga sikat na artista rin. Hindi naging madali ang kaniyang pagsisimula maski na sikat ang mga magulang sapagkat kailanma’y hindi siya umasa sa mga ito.

Bata pa lamang siya ay nagtitinda na siya ng mga kendi at tsokolate sa eskuwelahan upang makabili ng mga damit. Ang mga binibigay sa kaniya ng kaniyang mga ninong at ninang tuwing pasko’y iniipon niya rin upang makabili ng mga bagay na nais niya.

Hangang-hanga naman sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Malapit din siya sa kanilang mga kasambahay kaya’t alam niya ang hirap ng buhay maski pinanganak siyang mayaman na.

Malapit na malapit ang dalaga sa kaniyang Yaya Ising at halos ito na nga ang tumayong pangalawang ina ng dalaga sapagkat palaging abala ang kaniyang ina sa taping.

“Tulala ka na naman! Kaya hindi ka makakuha palagi ng major roles e, kasi tatanga-tanga ka at laging lutang. My gosh, ang layo mo sa mga parents mo. Buti pa ako passport na lang ang kulang at gogora na ako sa Spain to shoot with Paolo,” paninita sa kaniya ng kapwa aktres na si Rina.

Inggit na inggit si Rina kay Kriselda sapagkat kahit inaayawan na nito ang mga proyekto’y pinuputakte pa rin ito ng mga offers. Pumapayag naman si Kriselda ngunit hindi niya kinukuha ang papel ng bida bagkus, second lead lamang. Pinalalabas naman ni Rina na hindi ito nakukuha ni Kriselda upang hindi siya lumabas na kahiya-hiya sa pagiging second choice lamang sa pagiging bida.

Anak ng isang mangingisda si Rina at ang ina naman nito ay manikyurista. Kaya’t nagtataka si Kriselda kung bakit ganoon na lamang ang ugali nito porke’t nakaahon na ito sa hirap.

“Hay naku, Kriselda… Pigilan mo ako! Sasabunutan ko ‘yan! Kung sino pa yong laki sa hirap, siya pa itong matapobre! Akalain mong nahuli kong sinasabunutan si Adelina! Nagsisisi akong pinasok ko pa ang pamangkin ko sa babaeng ‘yan!” galit na galit na sumbong ni Yaya Ising sa alaga.

Advertisement

Hindi na makapagtimpi si Kriselda at nakaisip siya ng paraan upang matigil na ang kamalditahan ni Rina sapagkat sumosobra na ito at humantong na sa pananakit ang init ng ulo ng babae.

Sinabihan niya si Yaya Ising na patuluyin na muna sa kanilang bahay ang pamangkin nitong si Adelina upang hindi na ito masaktan pang muli ni Rina.

Napangisi si Kriselda sa kaniyang plano.

“Alright! Pack up! Perfect ka talaga Kriselda. Ang agang nakakauwi ng mga staff and production kapag ikaw ang aktres. ‘Di gaya ng iba riyan! O s’ya maligo ka na sa shower room at baka masira ang byuti mo sa kapal ng mga uling na ipinahid sa iyo,” malambing na saad ni Direk Oli sa dalaga.

Gulat na gulat ang lahat nang nagmamadaling umalis ang dalaga nang hindi man lamang nagpapalit ng damit. Ang papel niya kasi ay pulubi kaya’t mukha talaga itong gusgusin.

Agad itong sumakay sa magarang kotse kasama ang kaniyang Yaya Ising at inutusan ang drayber na magmadali’t tumungo sa opisina ng DFA.

Mag-isang bumaba ng sasakyan si Kriselda maski hindi pa nakakalapit sa entrance ang sinasakyan.

Halos hindi ito papasukin ng guwardiya sa loob kung hindi lamang ito nagpakita ng ID.

Advertisement

“Sorry ma’am. Ikaw pala ‘yan. May shooting ho ba kayo ngayon dito?”

Sa pagmamadali ay hindi na nasagot ni Kriselda ang guwardiya.

“OMG! Look!” Natigil ang pagpapa-autograph kay Rina ng mga kapwa nag-aapply ng passport nang ituro nito ang dalagang pulubi.

“Mag-aapplay lang ako ng passport,” mahinang tugon ng dalaga nang halos harangin siya ng mga empleyado.

“Pulubi mag-aapply ng passport?! What the! Palabasin niyo ‘yan dito mga kuya! Mamaya ay may nakakahawa pa iyang sakit!” diring-diring utos ni Rina.

Ang ibang mga tao’y natatawa sa inasta ni Kriselda.

May mga nagtanggol sa kaniya at mayroon din namang grabe siyang kutyain dahil lamang sa hitsura niya.

“Si Kriselda Santiago iyan! ‘Yong sikat na aktres! Ayan o, kita naman ang kagandahan niya, halatang pinahiran lang ng uling para magmukhang pulubi. Naku! Idol na idol ko ‘yan!

Advertisement

Nang mapagtanto ng mga taong si Kriselda nga iyon ay iniwan ng lahat si Rina at naglipatan lahat kay Kriselda. Ang haba ng pila ng mga taong nais magpakuha ng litrato kasama ang dalaga.

“Nakuu, totoo nga ang tsismis matapobre pala talaga iyang si Rina. E galing din naman sa hirap ‘yan, bakit gan’yan ang ugali niyan?” bulong ng isang babaeng may edad na.

Nagsi-sangayon naman ang mga kausap nito.

“Nairecord ko yong nangyari kanina! Iupload natin para mag-viral!” hirit naman ng isang lalaki.

Habang pumipirma ng autograph ay abot hanggang tainga ang ngiti ni Kriselda.

Tagumpay ang plano niya.

Hindi siya ang sumira sa karera ni Rina kundi mismong si Rina. Dahil sa napakasamang ugali nito’y wala nang nag-alok pa sa kaniya ng mga proyekto matapos ang shooting nito sa Spain.

Ang kaniyang pinagbibidahang pelikula ay hindi rin tinangkilik ng mga tao. Nilangaw iyon sa mga sinehan at agad ipinakansela sa mga malls dahil wala naman daw silang kikitain dito.

Advertisement

Matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan kung ayaw nating madapa.