Nahuli Niya ang Nobyang Kasama ang “Sugar Daddy” Nito, Dala Nang Sakit sa Ginawa ng Nobya’y Ipinahiya Niya ang Dalawa

Nahuli Niya ang Nobyang Kasama ang “Sugar Daddy” Nito, Dala Nang Sakit sa Ginawa ng Nobya’y Ipinahiya Niya ang Dalawa

FunHeartbreakingStories

Nandito ngayon si Harold sa may mall na tila isang stalker at panay ang tago habang nakasunod sa dalawang taong ngayon ay nasa kaniyang harapan. Magkahawak ang kamay at tila bagong honeymoon sa ka-sweetan habang naghaharutan na tila isang malaking Luneta Park ang loob ng mall na ito.

Noon pa man ay may naririnig na siyang bali-balita na mayroon daw sugar daddy ang kaniyang nobyang si Zaina. Hindi niya pinaniwalaan ang lahat, maliban noong nakaraang araw nang makita niya mismo sa sariling mga mata ang kataksilan ng kaniyang nobya.

Kaya pala hindi man lang ito nagdalawang-isip na hiwalayan siya! May bago na pala itong pinag-iinitan. Pero bakit sa isang matandang lalaki pa na tila malapit nang kunin ng Panginoon, at ilang taon na lamang ang itatagal sa mundo?

Kahapon pa niya sinusundan ang dalawa at naghahanap nang tamang pagkakataon upang komprontahin ang dalawang taksil! Nakita niyang pumasok ang dalawa sa isang mamahaling restaurant, kaya agad rin siyang sumunod at pumasok sa loob upang doon isagawa ang paninita sa kataksilan ng dalawa.

“Ito ba, Zaina! Ito ba ang ipapalit mo sa’kin? Itong matandang [email protected] at nabubulok na ito!” Galit na singhal niya sa dalawang halata ang pagkagulat nang makita siya.

Tiningnan niya ang sugar daddy ni Zaina mula ulo hanggang paa at maya-maya pa’y biglang umasim ang kaniyang muka. Anong meron sa matandang ito? Malamang pera! Kulubot na ang balat at halatang matanda na, pero hindi maipagkakaila ang taglay nitong gandang lalaki.

Siguro noong kabataan nito’y makisig ito’t gwapo, iyong tipong habulin ng babae. Iyon ang impresyon niya nang makita ang buong itsura ng DOM

“Hindi man ako kasing yaman ng lalaking iyan, Zaina, pero sapat na ang kakayahan ko upang buhayin ka, kasama ng mga magiging anak natin. Ito bang matandang ito? Mabibigyan ka ba niya ng anak? Expired na nga yata ang katas niyan, baka malason ka pa! Tapos ipinagpalit mo ako sa kaniya! Walang hustisya ito, Zaina! Sana man lang ipinagpalit mo ako sa lalaking ‘di hamak na mas gwapo sa’kin, hindi iyong mukhang DOM

Naguguluhan at tila natataranta si Zaina habang panay na ipinaglipat-lipat ang tingin kay Harold at sa lalaking payapang nakaupo sa kaniyang harapan.

“Siya ba ang dahilan kaya nakikipaghiwalay ka sa’kin, Zaina? Baka ginayuma ka lang ng matandang ito, gusto mo bumili ako ng pangontra sa Quiapo? Marami akong suking nagtitinda ng agimat,” seryosong wika ni Harold.

Hindi na nakayanan ni Zaina ang mga pinagsasabi ni Harold kaya tumayo siya upang hilahin sana palayo ang lalaki at ipaliwanag ang lahat rito nang agad rin siyang pinigilan ng lalaking kasama.

“Saan ka pupunta? Hindi kita pinapayagang sumama sa lalaking iyan, Zaina!” matigas na wika nito.

Agad na nagsalubong ang kilay ni Harold sa sinabi ng sugar daddy ni Zaina. “Hoy! Ano bang pakialam mo? Sugar daddy ka lang niya! Pero ako… ako ang nobyo niya. At saka mukha lang akong ad*k, pero hindi ako ad*k ‘no! Sapakin pa kita d’yan e, makikita mo kung sinong ad*k,” matapang na wika ni Harold.

“Tama na nga iyan, Harold!” gigil na pigil ni Zaina sa nobyo. “Pwede ba? Hindi ko siya sugar daddy! Siya ang tatay ko! Siya ang papa kong galing sa ibang bansa at kakarating lamang niya isang Linggo na ang nakakalipas. Namiss ko ang papa ko kaya gusto kong masolo siya. Hindi siya ang dahilan kung bakit ako nakikipaghiwalay sa’yo kung ‘di iyang paghihinala mong palagi namang mali!” inis na singhal ni Zaina.

Agad na namula ang buong mukha ni Harold sa naramdamang hiya. Kung pwede lang bumuka ang lupa ay baka nagpalamon na si Harold dahil sa labis na kahihiyang naramdaman. Papa? Tatay? Ama pala ni Zaina ang lalaking tinawag niya kanina ng kung ano-ano? Nalintikan na!

Tumayo ang ama ni Zaina saka ngumiti nang tila nang-aasar. “Tama lang ang ginawa mong pakikipaghiwalay sa mukhang adik na lalaking ito, ‘nak. Wala kang kinabukasan sa lalaking ito,” anito saka tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Masakit ang tinawag mo sa’kin ah, kaya ngayon pa lang ay bagsak ka na sa’kin,” anito saka hinila palayo si Zaina. “Sa ibang kainan na lang tayo kumain, ‘nak, nawalan na ako nang ganang kumain dito,” dugtong nito.

Walang nagawa si Zaina kung’ di ang sumama sa amang hindi na muling nilingon si Harold.

Ilagay natin minsan sa lugar ang selos at paghihinala natin. Hindi lahat ng napapalapit sa mga nobya o nobyo natin ay kalaguyo nila, minsan ay mga kamag-anak nila iyon o mga kaibigan.

More Stories