Ipinambayad Niya ang Sariling Dangal sa Milyones na Pagkakautang ng Ina; Ito pa Pala ang Kasagutan sa mga Panalangin Niya

Sa edad na 30 ay naging balo na si Aling Menchi. Pumanaw ang asawa niyang si Mang Ricardo sa malalang karamdaman sa baga nong ito’y 31 taong gulang pa lamang.

Dahil doon ay mag-isa niyang itinaguyod ang tatlong anak na sila Mika, Michael at Mina.

Lumipas ang mahigit dalawang dekada at napagtapos naman ni Aling Menchie sa pag-aaral ang mga anak ngunit hanggang sa nagtratrabaho na ang mga ito’y pinagbabayaran pa rin nila ang malaking pagkakautang ng ina sa kaniyang mga kaibigan.

Marami ang hindi na lamang nagpabayad sa kanila upang makatulong. Dahil na rin ito sa awa kay Aling Menchie na mabait at matulungin din naman.

Ngunit ang isang kumpare niyang si Mang Rem ay may isang kakaibang kabayarang hinihingi.

Iyon ay ang pagpapakasal ng bunso niyang si Mina sa panganay na anak nitong si Karlo.

Si Karlo ay 40 taong gulang na habang si Mina naman ay 21 pa lamang. Mayroon nang dalawang anak si Karlo sa magkaibang babae ngunit hindi pa ito ikinakasal.

Halos bumaligtad ang sikmura ng dalaga sa narinig at lalo na ang kaniyang Kuya Michael.

Advertisement

“Putr@g!s! Halos magtatay na ang agwat ng edad nila, mama! Maawa ka naman kay Mina,” pagtutol ni Michael.

“‘Nak, gagawa ako ng paraan para makalikom ng 2 milyon. Kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko,” humihikbing wika ni Aling Menchie.

Alam nilang pihikan sa lalaki si Mina kaya’t kahit marami itong manliligaw ay hindi niya sila sinasagot.

Mabait, masipag, maalalahanin, guwapo, moreno, at makisig. Ilan lamang iyan sa mga katangiang hinahanap ni Mina sa isang lalaki.

Kaya’t laking gulat nang lahat sa naging reaksyon ng dalaga.

“Pagod na ako. Papayag ako basta’t mamuhay na tayo nang normal. 18 pa lang ako’y kumakayod na ako hanggang ngayong nakapagtapos na ako’y baon pa rin tayo sa utang. Magpapakasal ako sa lalaking iyan kung iyan lamang ang solusyon sa pagkasadlak natin sa putikan,” lumuluhang tugon ng dalaga.

Maya-maya’y dumating ang kumpare ng inang si Mang Rem kasama ang anak nitong si Karlo.

Napalingon si Mina at ang kaniyang Ate Mika sa hitsura ng lalaking kasama ni Mang Rem.

Advertisement

Guwapo, matangkad, moreno, makisig at napakaganda ng mga mata at labi nito. Tila perpekto rin ang hugis ng ilong nito. Imposibleng ito si Karlo sapagkat hindi siya mukhang 40 anyos na.

“Good afternoon! I’m Karlo,” nakangiting pagbati ng guwapong lalaki.

Hindi maunawaan ni Mina ang nararamdaman ngunit tila nakuryente siya nang kamayan siya nito.

Napangiti naman si Michael at Mika sa nasaksihan maging ang kanilang ina.

“Infairness,” mahinang saad ni Mika. Agad naman itong siniko ni Michael.

Naikuwento ni Mang Rem na napakabait daw ni Karlo ngunit pirmeng pineperahan lamang at naloloko ng mga naging nobya nito.

Sunod ay ipinakita nila ang DNA results na nagpapakitang pinapanagutan lamang ang mga bata kay Karlo ngunit napatunayang hindi niya naman mga tunay na anak ang mga bata.

Gayunpaman ay napamahal na kay Karlo ang mga bata at nais niyang ampunin ang mga ito.

Advertisement

Papayag lamang daw ang ahensiya ng gobyernong humahawak ng kanilang kaso na mapasakanya nang legal ang mga bata kung may tatayong ina sa mga ito.

Doon lalong kinilig si Mina. Tila napakabait pala talaga ni pogi.

Nahuli na lamang ni Mina ang sarili na napapangiti.

Ito na nga yata ang lalaking hinihiling niyang dumating sa kaniyang buhay.

Habang inaayos ang kasal ay tila nakatadhana na ang lahat.

Nahulog ang loob ni Karlo sa taglay na kagandahan at kabaitan ni Mina at gayundin si Mina sa binata.

Malaki man ang agwat ng kanilang edad ay hindi iyon naging hadlang upang maging masaya ang kanilang pagsasama.

Sa araw ng kanilang kasal ay walang pagsidlan ng kaligayahan ang puso ni Mina.

Advertisement

Nang gabing iyon ay kusa at may galak ang puso niyang ibinigay ang sarili sa asawa.

Manghang-mangha si Karlo sa kagandahan at kabutihan ng puso ng asawa pati na rin kung paano nito inaasikaso ang kanilang dalawang anak.

Hindi man naging tipikal ang paraan ng pagkakakilala ng dalawa’y lubos silang naging maligaya sa piling ng isa’t-isa.

“Sana ay nakangiti ka na riyan sa langit, Ricardo,” lumuluhang wika ni Aling Menchie habang pinagmamasdan si Mina na inaasikaso ang kaniyang dalawang anak na ‘di man sa kaniya nanggaling ay mahal na mahal naman niya.

Ilang buwan lamang ang lumipas at ibinalita ng mag-asawa na nagdadalang-tao na si Mina. Sigurado silang mas magiging maligaya ang kanilang pamilya.