Inday TrendingInday Trending
Puro Lalaki ang Pinipiling Kaibigan ng Dalaga Kaya’t Tawag sa Kanya’y Malandi, Isang Pangyayari Lang ang Magpapatameme sa Kanila

Puro Lalaki ang Pinipiling Kaibigan ng Dalaga Kaya’t Tawag sa Kanya’y Malandi, Isang Pangyayari Lang ang Magpapatameme sa Kanila

Si Jeremy ang isang simpleng dalaga na nasa ika-tatlong taon na ng high school. Paano siya naging simple? Dahil kung ikukumpara mo sa kanyang mga ibang babaeng kaklase, siya lamang ang walang palamuti sa katawan at sa mukha.

Ang kanyang mga kaklase ay punong-puno ng pulseras, hikaw o kwintas, habang ang iba ay plakadong-plakado ang kilay at namumula ang labi.

Samantalang si Jeremy ang wala ng oras magsuklay kaya naman naka puyod palagi ang mahaba niyang buhok.

Lumaki sa pamilyang puro lalaki si Jeremy kaya siya naging ganito. Bata pa lamang siya ng iwan na sila ng kanyang ina. Naiwan siya kasama ang kanyang tatay at apat niyang nakatatandang kapatid na lalaki.

Kaya naman, isang dahilan din ito para maging mas malapit siya sa mga kaklaseng lalaki kumpara sa mga babae.

Ito rin ang dahilan kung bakit maraming babae ang inis na inis sa kanya. Wala rin atang araw na lumipas na walang babaeng nandarag sa dalaga tuwing siya’y nasa eskwelahan.

“Hoy, malandi!” sigaw sa kanya ng isa niyang kaklase.

“Kunwari ka pang nakikipagkaibigan sa lalaki, eh malandi ka lang talaga!” wika pa ng isa.

Hindi maaaring hindii maiyak ang dalaga sa mga masasakit na parinig.

Maswerte na lamang siya dahil mayroon siyang mga lalaking kaibigan na parang mga kapatid niya na rin.

“Naku Jeremy, ‘wag mo ng pansinin ang mga babaeng iyon. Alam naman namin ang totoo, na hindi ka naman talaga ganun,” sabi ng isa niyang kaibigan.

“Pero nahihirapan na rin kasi ako. Kasi tuwing kasama ko kayong mga kaibigan ko, yun pala ang iniisip sa’kin ng mga tao. Na malandi ako. Kaya nga minsan ayaw ko na rin sumama sa inyo eh,” malungkot na sabi ng dalaga.

“Ano ka ba naman Jer, wag mong isipin ang sinasabi ng iba. Basta ang mahalaga, alam mo mismo sa sarili mo na maayos kang tao,” sagot ng isa niyang kaibigang lalaki.

Isang araw habang naglalakad papasok ng eskewelahan si Jeremy ay nakasabay niya ang dalawang babaeng laging nandadarag sa kanya.

Binilisan niya ang paglalakad palayo sana sa dalawang babaeng ito ngunit talagang nakahabol pa rin sila.

Hinablot ng isa sa kanila ang bag ni Jeremy na naging dahilan ng bigla niyang pagkahinto.

“Hoy, Jeremy. Bakit papasok ka na naman sa school? Wag ka na ngang pumasok ‘di ka naman kailangan doon!” sabi ng isa sa kanila.

“Eh syempre, kaya lang naman siya pumapasok, kasi lalandi nanaman siya. Ano pa nga bang bago?” dagdag ng isa sa kanila.

“Oo nga pala! Malandi ka kasi. Malandi! Bait-baitan pero saksakan naman ng landi!” gigil na gigil na sambit ng isa sakanila.

“Alam mo hindi na ako magtataka na isang araw ay hindi nalang magpakita itong malanding ‘to sa school. Dahil panigurado ay mabuntis ‘to ng maaga,” sabi ng isa.

At naghagalpakan silang dalawa. Doon, ang kanina pa nakayukong si Jeremy ay bigla na lamang nagsalita, “Alam mo, sabihin niyo ang lahat ng gusto niyong sabihin. Pero kilala ko ang sarili ko at ‘di ako tulad ng sinasabi niyo. Kaya pwede ba, tigilan niyo na ako?”

Nagsimula ng maglakad muli palayo ang dalaga at iniwanan ang dalawang nang-aaway sakanya.

Ngunit dahil sa kanyang sinabi ay mas lalo lamang siyang pinagsalitaan ng masasakit pang salita ng mga ito. Nagpatuloy itong gawain nila hanggang sila’y makatapos lahat ng kolehiyo.

Nasaktuhan na siya nag-iisa kaya naman agad siyang nilapitan ng mga babaeng nangaaway sa kanya.

“Oh, napatunayan mo ata ang sarili mo ngayon. Nakatapos ka ng wala kang anak. Pero tingnan natin. Sigurado akong ‘di ka na magkokolehiyo dahil sa kalandian mo.”

Napailing na lamang siya sa sinabi sa kanya dahil alam niyang hindi niya magagawa ang mga bagay na binibintang sa kanya.

Ilang linggo ang nakalipas at handa ng pumasok ng kolehiyo si Jeremy. Para sa kanya, ito’y magiging bagong mundo niya at bagong panimula niya.

Ngunit hindi ata niya napaghandaan ang makakasama niya rito.

Ang taong walang katapusan ang pandadarag sa kanya ay talaga palang makakasama niya pa ng apat pang taon sa kolehiyo.

“Huli na ang lahat para lumipat pa ko ng paaralan,” naiiyak na sambit ng dalaga sa sarili.

Naging impyerno ang mga unang linggo ni Jeremy. May mga araw na hindi na niya ninanais pang magising dahil alam niyang makikita na naman nya ang taong kinaaayawan niya.

Hanggang dumating ang isang araw….

Naging payapa ang araw niyang ito dahil walang lumapit sa kanya at nagsabi sa kanyang malandi siya. Umuwi siyang masaya at pinagdasal na sana araw-araw ay maging ganoon nalang ang araw niya.

Ang isang araw na payapa ay naging dalawa, naging tatlo hanggang sa naging dalawang linggo.

Ngunit ang kasiyahan ni Jeremy ay naging pagtataka. Dahil kahit pinapangarap niyang hindi na makita ang taong iyon, ay nag-alala rin siya kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.

Hanggang sa nabalitaan niya na sinubukan palang magpalaglag ng babaeng ito noong malaman niyang siya ay buntis. Kaya naman siya’y nauwi sa pagkaospital.

Nagpasya siyang bisitahin ang dalaga dahil naawa siya sa sitwasyon na kinakaharap nito.

“Hello Marga, kumusta ka na?” aniya pagkabisita sa dalaga.

“Anong ginagawa mo rito?” galit na sagot ni Marga.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa’yo,” maayos na sagot ni Jeremy.

“Kung pinamumukja mo sa akin ang karma ng pinaggagagawa ko sa’yo, pwede ba umalis ka na lang?” inis na sagot ni Marga.

“Hindi ako ganoong klase ng tao, Marga. Panalangin ko talaga ay sana maging maayos kayo ng magiging anak mo,” ani Jeremy.

Doon, napaisip si Marga sa lahat ng kamaliang nagawa niya sa dalaga.

Humingi siya ng kapatawaran sa lahat ng ito at pinangakong hindi niya na uulitin iyon kahit sa kanino pa man.

Mula noon, naging magkaibigan pa ang dalawa sa huli.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement