Malakas ang Kutob ng Misis na May Ibang Babaeng Pinaglalaanan ng Sweldo ang Kanyang Mister, Laking Gulat Niya nang Malaman Kung Sino ang Babae

Labing limangtaon nangkasal si Grace sa asawang si Rickson, mayroon silang dalawang anak; si Lawrence na 12 taong gulang at si Lalaine na 7 taong gulang. Si Rickson ang bumubuhay sa kanila dahil sapat naman ang sahod nito bilang isang supervisor sa bangko, habang si Grace naman ay pinili na lang manatili sa bahay at bantayan ang mga bata mula nang ipanganak ang bunso dahil sakitin ito.

Matiwasay ang kanilang pamumuhay, kaya lang noong nakaraang buwan ay nagsimulang makaramdam ng paghihinala si Grace. Nabawasan na kasi ang ibinibigay ng kanyang mister. Sapat pa rin naman pero nagtataka siya, saan kaya dinadala nito?

Kapag pasimple niya namang tinatanong kung may binili ba itong gamit ay umiiling ito at ayaw niya mang aminin sa sarili, nagseselos na siya. Palagi rin itong nahuhuli ng isang oras sa pag uwi pag araw ng sahod nito, dati ay alas singko pa lang nasa bahay na ito, pero ngayon ay pasado alas sais na wala pa rin ang lalaki.

“Saan ka nanaman galing? Meeting ulit?” paasik na tanong niya rito.

“May dinaanan lang ako honey,” malumanay na sagot ng lalaki.

“Wow, so nagkakataon lang na tuwing araw ng sweldo mo, may dinadaanan ka after work?” nang uuyam na sabi niya.

“Please naman, pagod ako. Ayaw kong makipag-away sayo honey.” sagot ng lalaki.

Dahil sa inis ni Grace, pumasok siya sa kwarto at nagbalot ng ilang damit, uuwi na lang siya sa bahay ng kanyang ina pansamantala at isasama niya ang dalawang anak. Mukhang walang balak magtapat ang kanyang asawa at pagod na siyang maghinala. Kung gusto nito ng lokohan, bahala ito.

Advertisement

“Saan ka naman pupunta?” tanong nito nang maabutan niya sa salas, hinihimas ng lalaki ang magkabilang sentido.

“Kina mama, kahit saan basta malayo sayo.” sagot niya.

“Honey, wag ka namang padalus-dalos. Isasama mo pa ang mga bata, gabi na. Tsaka hindi naman ako nagsisinungaling, bakit ba nagkakaganyan ka?” tanong nito.

Hindi na sumagot si Grace at lumabas na ng bahay, nalilito naman ang dalawang bata sa mga nangyayari. Napabuntong hininga na lang si Rickson.

Pagdating ni Grace sa bahay ng kanilang ina ay agad silang sinalubong ng matanda, matagal na rin mula nang huli niyang nadalaw ito kahit na malapit lang naman ang bahay nito sa kanila. Masyadong naging abala si Grace sa pagiging nanay.

“O, napapano ka ba? Bakit di pa kayo nagsabay ni Rickson?” tanong nito sa kanya dahil agad siyang yumakap dito habang umiiyak.

“Ma, hindi ko alam. Sa totoo lang po, nag-iiba na siya. Parang may nililihim na siya sa akin.” sabi niya sa kanyang ina.

“Ha? Hindi ko naman yata mapaniwalaan yan anak. Dumaan nga dito sa akin kanina at nakipagkwentuhan, sinamahan ako hanggang makauwi ang kuya mo dahil wala daw akong kasama, napakabait naman ng asawa mo. Sigurado ka ba?” sabi nito na ikinagulat ni Grace.

Advertisement

“Galing siya rito?” tanong niya.

“Aba’y oo, tuwing akinse o katapusan ay dumadaan iyan dito, kahit nga sige ang tanggi ko ay nag-aabot pa yan sa akin ng pangkuryente, tulong niya na raw sa akin. At kapag hindi ko tinanggap ay magtatampo raw siya.” sabi nito.

Parang biglang lumiwanag ang lahat kay Grace. Mali siya ng akala!

“Ma, bantayan mo muna ang mga bata. May aayusin lang po ako.” sabi niya at dali dali nang lumabas sa bahay ng ina. Naguguluminahan man ay napatango na lang ang matanda.

Agad bumalik si Grace sa kanilang tahanan at inabutan ang asawang nakatanaw sa bintana, di pa rin ito nagbibihis. Niyakap niya ito sa likod at paulit ulit humingi ng tawad. Natawa na lang ang lalaki nang malaman nito ang dahilan ng pagtatampo niya.

Nagsilbing aral iyon kay Grace, palagi niyang tinandaan na napakahalaga ng tiwala at komunikasyon sa isang relasyon. Tuwing may hindi siya nagugustuhan na ginagawa ni Rickson ay agad niya iyong sinasabi sa lalaki at pinag uusapan nila, ganoon din naman ito sa kanya kaya madali nilang naaayos ang mga problema.

Noong taon ding iyon ay nagdiwang ang mag asawa dahil natuklasan nilang buntis si Grace sa kanilang ikatlong anak.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.