Sa Murang Halaga, Magiging Kutis Koreana Ka!

“Ms. Faith may delivery po kayo dito sa baba,” wika ni Nicole, ang receptionist sa kompanyang pinapasukan ni Faith.

“Hala, nasa meeting pa kasi si boss hindi pa ako pwede bumaba. Baka may pera ka naman diyan bayaran ko na lang. Promise, last na yan,” wika ni Faith sa telepono.

“Sige ho, sasagutin ko muna ulit. Pero sa susunod po kapag may dumating pa ay hindi ko na mababayaran, pangatlo na po ito,” saad ni Nicole at halata na ang pagkairita sa kaniyang boses.

“Oo promise last na yan, i love you!” sagot muli ni Faith saka niya binaba ang telepono.

Makalipas ng dalawang oras ay agad na bumaba ang dalaga upang kuhanin ang package na dumating para sa kaniya.

“Nicole, pasensya ka na ha. Kanina lang kasi nagtext na darating pala ngayon ang order ko, hindi tuloy ako nakapag-iwan ng pambayad sayo. Sorry ulit,” pahayag ni Faith.

“Ayos lang naman po Ms. Nicole, ang problema lang ay sunod-sunod tapos lagpas 500 pa lahat, mabuti na lang at may pera ako dahil kapag nagkatao’y nganga,”sagot ni Nicole sa kaniya.

“Ano po ba iyan?” dagdag na tanong nito habang hawak ang package.

Advertisement

“Ay ito ba? Isang set ito na pangpaganda, mababanat ang mukha na parang koreana, susubukan ko lang,” sagot ni Faith sa babae.

“Naku, ang ganda-ganda naman na po ng balat niyo ha, kahit hindi na po kayo mag ganyan,” sabi naman ni Nicole.

“Ito kasi ang uso ngayon, ikaw subukan mo rin wala naman mawawala diba,” wika naman ni Faith at inabot na niya ang kaniyang bayad.

Sa edad na 23 anyos ay medyo mas matanda ang itsura ni Faith sa kaniyang edad. Grabe kasi kung magkolorete ang babae at ang kaniyang mga damit naman ay laging paseksi kahit na mas bagay sa kaniya ang mga bestida lang. Nais kasing magmukhang dalaga ni Faith dahil pagod na daw siya sa pagiging mukhang bata dahil sa kaniyang kabansutan.

At dahil sadyang mahilig siya sa mga pampaganda ay kinahuhumalingan niya ngayon ang mga nauusong produkto na nagsasabing magiging kasing kutis daw ang mga koreano.

“Uy Faith, inorder mo sa online iyan?” tanong ni Riza, katrabaho ng dalaga.

“Oo bakit sumubok ka na rin nito?” sabi naman ni Faith.

“Hindi pa pero na-curious lang ako, safe ba ang mga beauty products kapag sa online tapos mas mura? Baka kasi magbukbok ang mukha ko dahil fake ang mga gamit nila,” saad ni Riza dito sabay hawak sa aloe vera na binili ng dalaga.

Advertisement

“Magbabasa ka lang ng mga reviews para sure ka. Saka sa mall naman kasi ay pangalan lang ang binabayaran natin diyan, parehas lang sila ng content,” paliwanag ni Faith sa babae.

Hindi na sumagot pa si Rizza at tumango na lang ito. Habang tuwang-tuwa naman si Faith dahil kumpleto na niya ang mga produkto. Meron siyang serum, face mask, sabon, toner at kung anu- ano pa.

Ginamit na niya ito at wala pa man din isang Linggo ay agad na nagbalat ang kaniyang mukha, mahapdi iyon at para bang nasusunog.

“Hala bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ni Riza sa kanya.

“Doon ito sa mga bagong sinusubukan ko e,” sagot naman ni Faith.

“Itigil mo na kaya iyan, para kasing sunog na yung mukha mo hindi maganda. Baka na fake ka,” saad naman ni Riza dito.

“Naku hindi, ganito daw talaga nabasa ko ito sa mga review,” baling naman niya.

Hindi pa rin nakinig ang babae sa mga nagsasabi sa kaniyang itigil na ang pinapahid sa mukha dahil sanay na siya sa ganitong proseso, magbabalat muna at papangit ng kaunti saka kikinis at eepekto ang gamot.

Advertisement

Halos isang buwan na ang nakalipas ngunit ganoon pa rin ang kaniyang mukha at napansin niyang nagsusugat na ito. Kaya kanyang itinigil at ginamit na muna ang aloe vera na binili rin galing sa online.

Pagkalagay niya’y lalong kumati ang kaniyang mukha at imbes na lumamig ay lalong uminit ang kaniyang pakiramdam. Napaiyak na lang siya.

“Anong nangyayari sa mukha ko?” saad niya habang nakaharap sa salamin.

Imbes na pumasok siya sa trabaho ay nangutang pa siya sa kaniyang kaibigan upang may pera papuntang derma. Doon napag-alamang may mataas na kemikal ang kaniyang mga ginagamit kaya naman nasunog at nagsugat ang kaniyang mukha.

“Doc, bakit ganoon? binasa ko naman po yung mga review sa online at may mga picures pa na gumanda sila. Bakit nangyari sa akin ito?” naluluhang tanong ni Faith sa doktor.

“Alam mo, alam ko naman na mahal ang mga beauty products kaya pati pampaganda ay nauuso na ang class A na tinatawag nila. Pero para sa aming mga bihisa sa ganitong industriya ay mas pinipilit namin na huwag kayong bumili ng mga ganoon lalo na kung hindi niyo pa talaga nasusubukan kasi napakahirap na masira ang mga balat natin.

Tsaka iyong mga review na sinasabi mo, kadalasan ay gawa-gawa lang rin ng nagtitinda iyon. May kakilala nga ako ang trabaho nya ay maglagay ng pekeng review sa isang produkto kaht na hindi pa niya nasusubukan,” sagot ng doktor.

“Hindi ko naman sinasabi na kailangan mamahalin o branded ang mga ginagamit natin. Ang akin lang ay mag usisang maigi at kung susubukan pa lang ang isang produkto at may naramdamang hindi maganda, huwag na nating ituloy ang pag gamit nito bago pa lumaki ang pinsala katulad ng nasa mukha mo,” dagdag pa ng doktor.

Advertisement

Hindi na nakasagot at naiyak na lang si Faith, maayos naman ang mukha niya dati pero dahil sa hindi siya makuntento ay nasira lang ito. Ngayon ay isang katerbang pagsisisi ang kaniyang nararamdaman.