Inday Trending

Inday Trending

Bigla na Lang Nanlamig ang Misis na Ito sa Kaniyang Mister, Ano Kaya ang Dahilan?

Bigla na Lang Nanlamig ang Misis na Ito sa Kaniyang Mister, Ano Kaya ang Dahilan?
FamilyFunStories

Hindi naman daw lahat ng kinakasal ay gustong-gusto ang isa’t-isa. May mga iilan na napilitan dahil gusto ng magulang, mayroon namang dahil nabuntis kaya kailangan ipakasal na kaagad, katulad na lamang ng kwento ni Kyla.

Nasa 19 anyos lamang noon si Kyla nang mabuntis siya ng kaniyang nobyong si Darwin, wala pa man silang tatlong buwan ay kaagad na silang napasok sa isang malaking responsibilidad.

“Tay, bakit ba kailangan naming magpakasal kaagad? E ang dami-dami na ngayong mga mag-asawa na hindi naman kasal pero nagsasama pa rin,” saad ni Kyla sa kaniyang ama.

Image courtesy of www.google.com

“E igagaya mo naman ang sarili mo sa mga iyon? Bigyan mo naman ako ng kaunting kahihiyan, anak!” baling naman ni Mang Wano. Isang seaman ang kaniyang ama at nag-iisang babae siyang anak ng mga ito, may dalawa siyang mas nakakabatang kapatid na mga lalaki.

Image courtesy of www.google.com

“Hindi pa ho ba kayo masaya na nakapagtapos ako ng kolehiyo? Kailangan niyo ho ba talaga akong ikasal doon? E magtatatlong buwan pa nga lang kaming magkakilala, mamaya hindi naman pala ang meant to be tapos pilit kayo nang pilit,” wika pang muli ni Kyla sa ama.

“Hindi kami nagkulang ng paalala sa inyo ng nanay mo, kaya sa ayaw mo’t sa gusto e magpapakasal kayo!” matigas na sagot ng kaniyang ama. Walang nagawa ang dalaga kundi ang magpakasal kay Darwin.

Nang nakapanganak siya sa isang malusog na lalaking sangol ay nagbago ang lahat. Bigla siyang naging seryoso sa buhay at napagtantong gagawin niya ang lahat ng makakaya para sa kaniyang supling. Doon din niya nakita ang kabaitan ng kaniyang nobya na asawa na niya ngayon.

“Darwin, salamat ha,” saad niya sa lalaki.

“Bakit ka nagpapasalamat sa akin? Dapat nga ako ang nagpapasalamat sayo dahil binuwis mo ang buhay mo para lang magbigay ng buhay sa cute na ito at para din sa pamilya natin, kahit alam ko naman na takot ka pa rin hanggang ngayon,” sagot naman ng kaniyang mister na masayang-masaya dahil tatay na siya.

Image courtesy of www.google.com

“Pasensya ka na, natatakot lang kasi akong hindi magwork-out yung marriage natin tapos mauuwi lang tayo sa hiwalayan kasi hindi pa naman natin kilala ang isat-isa. Aaminin ko na habang tumatagal ay nahuhulog ako sa’yo at lalo na ngayon sa sobrang pagiging maalaga mo. Sana tumagal pa tayo,” pahayag naman ni Kyla at hinawakan niya ang kamay ng lalaki.

“Hayaan mong mahalin kita at subukan natin hanggang saan natin kaya, hindi ko man siguro mapapangako ang magarbong buhay sa’yo pero mapapangako ko naman na magiging tapat ako hangang sa tayo ay tumanda’t magka-apo,” nakangiting wika ni Darwin sa asawa at hinalikan niya ang kaniyang misis sa unang pagkakataon.

Lumipas pa nga ang mahabang panahon at naging maayos ang pagsasama ng dalawa. Nasundan pa ang kanilang anak at ngayon ay dalawa na ito. Aminado rin si Darwin na mahal na mahal na niya ang kaniyang misis at ganun rin si Kyla dito.

Ngunit isang araw, habang malakas ang ulan sa labas ay nagpaluto ng noodles si Darwin sa kaniyang misis at inantay na ihain ito sa mesa habang nakatitig naman ang lalaki sa napakaganda niyang asawa.

“Maghiwalay na tayo,” sambit ni Kyla sa kaniyang mister sabay lapag ng pagkain.

Image courtesy of www.google.com

“Ha? May kasalanan na naman ba ako? Ano iyang sinasabi mo?” nagugulumihanang tanong ni Darwin sa babae.

“Wala, ayoko na. Hindi na kita mahal, pwede ka pa ring tumira dito sa bahay hangga’t kailan mo gusto pero ‘wag na natin ituring na mag-asawa ang isa’t-isa,” matigas na pahayag ng babae sabay pasok sa kwarto.

Sinundan naman kaagad ito na Darwin para lambingin at tanungin ngunit hindi na umiimik ang babae at umiiwas pa sa kaniya. Kaya hinayaan na muna ito ng lalaki dahil baka naman may dalaw lang ang kanyang asawa.

“Pare, hindi ko na maintindihan pa si misis. Halos isang linggo na niya na akong hindi kinakausap, ang malala pa nito ay nakikipaghiwalay na sa akin,” wika ni Darwin sa kaniyang kompareng si Lino habang sila ay nag-iinuman.

“Pare, baka naman kulang sa lambing si misis,” tumatawang sagot ng lalaki.

“Pare hindi e, maayos kami. Wala kaming problema at issue sa mga ganyang bagay kaya nga nagulat na lang ako ng bigla siyang nagkakaganyan,” saad muli ni Darwin.

“Naku pare, baka may nakita sa Facebook! Ganyan yang mga babae, may nakita na nga ayaw pang sabihin sa atin kung ano. Kasi daw pare kailangan nararamdaman daw natin kung anong problema, akala ata nila mga manghuhula tayo!” malakas na tawa ni Lino ang narinig sa kainan ng sinabi niya iyon.

Image courtesy of www.google.com

Kaagad namang sinilip ni Lino ang kaniyang Fcebook at Messenger, doon niya napagtanto na naka-download ang history ng kaniyang messenger.

“Pare nalintikan na! mukhang alam na ni Kyla,” bulalas ni Darwin sabay alis at umuwi. Pagkarating niya sa kanilang bahay ay naabutan niyang naglalagay ng pagitan sa higaan ang kaniyang misis.

“Tama na, tama na yung ganito oh. Mag-usap naman tayo,” malambing na saad ni Darwin sa kanyang misis.

“Oh, bakit may pag-uusapan ba tayo?” nakataas na kilay na sagot ni Kyla dito.

“Alam kong alam mo na, kaya bakit hindi mo ako tanungin. Aamin naman ako e,” sambit ni Darwin sabay yuko.

“Tang*na ka! Binigay ko sa’yo ang lahat tapos mambabae ka lang. Naka secret conversation pa kayo! Binahay mo siya at sa tagaytay pa talaga? Wow Darwin! The best kang mambabae!” sigaw ni Kyla at nabasag na ang kaniyang tinatagong katahimikan at kakalmahan dahil nagsimula na itong maghahagis ng una sa lalaki.

“Ha? Teka nga lang, akala ko ba alam mo na?” tanong ni Darwin sa kaniyang misis na halos sumpain na siya kakamura ng babae.

“Alam ko na nga, na babae mo yung Honey, nagsend pa nga siya ng picture ng kwarto e, kitang-kita ko! Sabi pa niya na naka-reserve na raw iyon para sa inyo at magiging exciting pa raw ang mga sorpresang inihanda nila. Makasagot ka pa ng “YES HONEY, THANK YOU!” e samantalang ako, kahit kelan hindi mo tinawag na honey! Demonyo ka,” galit na galit na sigaw ni Kyla sa mister ngunit gulat na gulat naman siyang tumatawa ang lalaki.

“Demonyo ka talaga! Tinatawanan mo lang ako? Bakit? Kasi kasal ako sa’yo at wala akong magagawa, ganun ba?” dagdag pang muli ni misis.

“Mahal na mahal kita!” niyakap ni Darwin si Kyla.

“Si Honey, Honey talaga ang pangalan nun at hindi ko yun tawag sa kanya lang. Yung bahay naman sa Tagaytay, nagpa-reserve ako, balak ko kasing sorpresahin ka ngayong darating na wedding anniversary natin. Hindi kita niloloko Kyla at wala akong ibang babae,” bulong ni Darwin sa kaniyang mister.

“Sana kung may problema tayo sa susunod ay matututunan nating pag-usapan,” dagdag pa ng lalaki sabay halik sa noo ng babae. Doon nalaman ni Kyla na nagkamali siya ng hinala at mali rin ang kaniyang ginawang paghahalukay sa telepono ng asawa, kung una pa lang sana ay kinausap niya ang mister baka hindi na sila umabot sa ganoong sitwasyon.

More Stories