Eskandalosa ang Babae Kaya Iniwan Siya ng Lalaki at Bumalik sa Ex Nito; Iyon nga ba Talaga ang Totoong Dahilan?

“Hoy! Gerald, hindi por que pinabayaan na kitang sumama d’yan sa b*klang iyan ay kakalimutan mo na ang obligasyon mo sa anak mong hay*p ka!” Nanggagalaiting sigaw ni Kathy sa dating kinakasama at ama ng kaniyang nag-iisang anak na si Jasmine.

“Kinakalimutan ko ba? Eskandalosa ka talaga, Kathy, kahit kailan e. Hindi ka lang mabigyan ng pera’y ganiyan ka na! Nagwawala ka na agad at namamahiya ng tao!” Galit na ring sigaw ni Gerald.

“Oh! Wala kang pakialam! Iyan ang nararapat sa mga lalaking mal*bog at walang b@yag na kagaya mo!” Galit pa ring wika ni Kathy. “‘T@ng inang ‘yan! B*akla pa talaga ang ipinampalit mo sa’kin. Iniwan mo kami para sa b*aklang ‘yan.” Sa inis ni Kathy ay dinuduro-duro na niya si Luisa sa gabi, Luise sa umaga.

“Hoy! Excuse me lang ha. Pero baka nakakalimutan mong ako ang nauna sa piling ni Gerald, baka nakakalimutan mo ring inagaw mo lang siya sa’kin noon. Pinangalandakan mo noon na may p*u*ki ka ta’s ako wala kaya mas pinili ka ni Gerald, kaysa sa’kin.

Nagpaanak ka pa upang isampal sa’kin na totong babae ka. Oh! Ngayon bakit bumalik sa’kin ang taong inagaw mo? Kasi masama ang ugali mo. Taga-skwater ang ugaling taglay mo, Kathy,” malumanay ngunit mariing wika ni Luisa.

“Wala akong inaagaw sa’yo, b*akla!” Nanggagalaiting wika ni Kathy. “Kung nauna ka man noon sa buhay ni Gerald ay wala akong alam. Nalaman ko lang noong nagsasama na kami. Malay ko bang may asungot na b*akla pala siyang syota.

Pero huwag na nating pag-usapan ang nakaraan, dahil nagpunta lang naman ako rito para sa suporta ng anak kong, anak rin ng hay*p na boyfriend mo. Sa’yong-sa’yo na ang inutil na Gerald na iyan. Pinagsisihan kong naging parte ako ng buhay ninyong dalawa. K*ing inang ‘yan!” Nanggigigil na wika ni Kathy.

“Napaka-bastos mo talagang babae ka. Kahit ako pinagsisihan kong minahal kita noon at iniwan ko si Luisa para sa’yo. Huwag kang mag-aalala, Kathy. Magbibigay ako sa sahod ko, maghintay-hintay ka lang.” Wika ni Gerald.

Advertisement

“Dapat lang! Sinabi ko bang mahalin mo ako’t iwan ang asungot na b*klang iyan? Pinilit ba kitang pumasok noon sa buhay ko, Gerald. Ikaw ang nanligaw sa’kin ah? Minahal kita at nagpaanak pa nga ako sa’yo.

Salamat sa anak na binigay mo. Sa lahat ng maling naging desisyon ko’y si Jasmine ang pinakatama sa lahat. Siguraduhin mo iyang sinasabi mong sahod, Gerald. Dahil kapag hindi nangyari iyan ay uulitin ko ulit itong ginawa ko ngayon sa’yo at higit pa’y ipapak*ulong kita.

Bakit ka nga ba bumalik kay Luisa? Kasi hindi mo kayang maging asawa’t ama. Wala kang bay@g! Gusto mo hayahay lang ang buhay mo. Tamad ka! Kaya salamat Luisa sa ginawa mong pagtanggal sa buhay ko kay Gerald. Ikaw naman ulit ang mangunsemisyon sa kaniya, kasi ako pagod na akong buhayin ang palamunin na iyan.

Tandaan mo Gerald, walang asawang magbubunganga kung matinong asawa ka lang rin naman. Akala mo ba nakatakas ka na sa obligasyon mo sa anak mo? Kapal talaga ng mukha mo! Babalik ako rito sa sahod na sinasabi mo kaya umayos ka. Makapal na ang mukha ko para mahiya pa sa ibang tao! Tandaan mo ‘yan!” Inis na wika ni Kathy saka nag-martsa palayo sa bahay ni Luisa kung saan nakatira ngayon si Gerald.

Makalipas ang tatlong araw mula noong nangyari ang eskandalo ay naging panauhin niya si Luisa.

“Anong ginagawa mo rito? Ikaw ba ang pinapunta ni Gerald, para ibigay ang sustento niya sa anak namin?”

“H-hindi. Nagpunta ako para kausapin ka,” sagot ni Luisa. “Sorry Kathy ah. Alam kong masakit ang maiwan, kasi naranasan ko rin iyan noong iniwan ako ni Gerald, para sa’yo. Ang totoo’y hindi naman nakipagbalikan sa’kin si Gerald.

Sa bahay lang siya tumuloy kasi wala siyang ibang matutuluyan. Nagalit din kasi ang pamilya niya sa kaniya noong nalaman na naghiwalay kayo. Ang totoo ay mahal na mahal ka ni Gerald, Kathy. Walang okray,” ani Luisa sabay guhit ng cross sa may puso.

Advertisement

“Kung alam mo lang ang gunagawang pagpapasakit ni Gerald sa sarili niya. Unang beses kong nakitang umiyak si Gerald, Kath. Nasasaktan lang siya sa mga ginagawa mong pagsigaw sa kaniya, pagpapahiya sa kaniya sa maraming tao at kung ano-ano pa.

Alam mo bang handa naman siyang tiisin iyon dahil sa pagmamahal niya sa inyo ng anak mo. Sa katunayan ay babalik na siya kinabukasan sa inyo no’n. Kaso kinagabihan pa lang ay nagwala ka na sa bahay namin.”

Hindi na makapagsalita si Kathy dahil natabunan na ng iyak ang mga nais niyang sabihin. Alam niyang may pagkakamali rin siyang nagawa kaya iniwan siya ni Gerald. Nasaktan lang siya ng malamang bumalik ito kay Luisa.

“May mga damdamin din ang mga lalaki, Kathy. Nasasaktan, nahihiya at umiiyak rin sila. Sana naman matuto kang kontrolin ang emosyon mo para sa pamilya mo. Ayokong makitang tuluyan kayong nasisirang dalawa ni Gerald. Kawawa naman si Jasmine kapag nangyari iyon.” Malungkot na wika ni Luisa.

Hindi na napigilan ni Kathy na yakapin si Luisa. “Sorry Luisa ah. Sorry sa lahat ng nasabi ko. Sorry sa nagawa ko noon sa’yo. Sorry kung dahil sa’kin kaya iniwan ka ni Gerald.”

“Ano ka ba? Matagal ng nangyari ang bagay na iyon at naka-move on na ako sa sakit na iyon. Actually may boyfriend na nga ako e.” Nakangiting wika ni Luisa. “Nasa’yo na si Gerald, sana ingatan mong huwag mawala sa’yo. Mahal na mahal ka niya Kathy, maniwala ka man sa hindi. Handa siyang magpakag*ago para sa’yo. Kaya huwag mo naman siyang saktan,” nakikiusap na wika ni Luisa.

“Salamat Luisa ah,” ani Kathy saka muling niyakap ang karibal niya noon na naging kaibigan niya ngayon.

Humingi ng kapatawaran si Kathy kay Gerald at nangakong susubukan na niyang kontrolin ang bunganga niya pati na ang emosyong basta-basta na lang kumakawala kapag nagagalit siya.

Advertisement

Agad naman siyang pinatawad ni Gerald at nangakong mas magiging mabuting asawa’t ama na simula sa araw na iyon upang mas maging maayos na ang pamilyang nais nilang buohin.

Walang perpektong relasyon. Marami ka talagang pagdadaanang pagsubok. Basta ang mahalaga lamang ay may natututunan ka sa bawat pagkakamaling nagawa mo’t sinisikap na baguhin ang iyong sarili.