Nakatakda Nang Ikasal ang Babae, Laking Gulat Niya na Iba ang Katabing Lalaki nang Magising Mula sa Pagkalasing

Nakatakda Nang Ikasal ang Babae, Laking Gulat Niya na Iba ang Katabing Lalaki nang Magising Mula sa Pagkalasing

FunLoveStories

Malilikot na ilaw, nakakabinging mga tugtugan, amoy ng usok at nagpapawis sa lamig na mga alak, mga bagay na madalas makikita sa bar at club.

Doon napagpasyahan ni Jenny na palipasin ang kaniyang gabi. Tanging alak lamang ang solusyon upang kahit papaano’y makalimot siya sa isang katotohanang hinding-hindi niya matatakasan.

Ipapakasal kasi siya sa lalaking hindi kilala at mas lalong hindi niya mahal, para sa mas matatag na pundasyon ng negosyo ng kanilang mga magulang.

Ilang beses man tinutulan ito ni Jenny, subalit wala siyang magagawa. Ipinilit pa rin sa kaniya ng magulang ang naisin nito. Para daw iyon sa negosyo at magandang hinaharap ng kanilang pamilya.

“O girl, hinay-hinay lang! Di tatakbo palayo sa’yo ang alak ha?” biro ng isa sa kaibigan ni Jenny na kasama sa bar.

“Okay na ‘to! Baka ito na rin kasi yung huling beses na magagawa ko ‘to. Tara doon sa gitna, gusto kong sumayaw!” sigaw ng dalaga na halatang may tama na ng alak.

Habang sumasayaw at nagwawala sa gitna ng maraming tao ay tuloy-tuloy sa paglagok ng alak ang babae hanggang sa tuluyan nang umikot ang kaniyang paningin.

Hindi inaasahang sumubsob si Jenny sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Hilong-hilo na siya sa alak at tila ba wala nang kontrol sa ginagawa.

“Will you runaway with me?” tanong ng dalaga na halatang wala na talaga sa sarili. Lumagok pa ito ng alak at saka nagsasayaw.

Kinabukasan, isang malakas na tili ang umalingawngaw.

“Walang hiya! Many*kis! Impakto! Anong ginawa mo sa’kin?!” sigaw ni Jenny habang nakatakip ng kumot ang walang saplot na katawan.

“Ahm, miss, okay ka lang? Ikaw yung nag-aya sa’kin kagabi, remember?” tugon naman ng lalaki.

Tumayo ang lalaki kaya’t tumambad kay Jenny ang hubad nitong katawan na dahilan para magtakip ng mata ang dalaga.

“Nagtakip ka pa, nakasilip pa rin naman yung mga mata mo sa pagitan ng daliri mo!” biro pa ng lalaki.

“Manyakis kang hay*p ka! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko. Maibabalik mo ba yung isang bagay na kinuha mo sa’kin ha?!” galit na sigaw ni Jenny.

“Excuse me?! Ikaw kaya yung nagsimula kagabi. Pinipigilan kita pero mapilit ka, wait, masyado naman atang big deal sa’yo ang nangyari, don’t tell me, virg*in ka pa?” saad ng lalaki na tila ba may pang-aasar sa tono ng boses.

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Ibalik mo yung virg*nity ko!” sigaw muli ng dalaga habang parang puputok na sa pula ang mukha sa sobrang kahihiyan.

Pinulot agad ni Jenny ang mga damit na nakalapag sa semento at nagmadaling magbihis. Kinakausap siya ng lalaki, ngunit nagpanggap siyang hindi niya iyon naririnig.

“Miss, ganun na lang yun? Matapos mong pagsamantalahan ang katawan ko, iiwanan mo ako at ‘di papansin? Sakit naman no’n!” pag-aasar pa ng binata.

“Tigilan mo na ako! Kalimutan mo na rin kung ano man ‘yong nangyari kagabi! My God!” galit na lumabas ng kwarto ang babae.

Napakapit na lang si Jenny sa ulo dahil sa kapalpakang ginawa. Ano na nga lang ba ang sasabihin ng kaniyang mapapangasawa?

“Diyos ko! Anong sasabihin niya? Isang akong pakawalang babae? Maharot? Malandi?” mukhang timang na kinakausap ng babae ang kaniyang sarili habang naglalakad palabas ng hotel.

Masyado nang maraming bumabagabag sa kaniyang isipan, dumagdag pa ang hindi inaasahang pangyayaring iyon sa kaniyang buhay.

Dalawang buwan bago ang nakatakdang kasalan, napagdesisyunan ni Jenny na magtungo sa Sagada at Baguio upang makapag-relax ang kaniyang katawan at isipan. Ito ang kanyang paraan upang mapaluwag ang mabigat na dinaramdam.

Sa isang magandang Inn sa Sagada niya napagpasyahang tumuloy. Hapon na noon nang nag ikot-ikot siya sa mga tindahan at kainan roon.

Nagpa-reserve siya sa isang eat-all-you-can na kainan kaya’t sabik na sabik siya na matikman ang masarap na mga pagkain doon.

Habang nasa kasarapan ng pagkain, nabilaukan siya nang marinig ang isang pamilyar na boses.

“Hanggang dito pala sinusundan mo ako? ‘Di ka ba maka-move on sa nangyari kaya’t hanggang dito ay nakabuntot ka?” tatawa-tawang saad ng isang lalaki sa kaniyang harapan.

Napalagok ng tubig si Jenny at pilit kinakalma ang sarili habang pulang-pula ang mukhang dahil sa pagkakasamid.

“Hoy! Stalker ka ba o ano? Bakit ka nandito?” sagot ni Jenny sa binatang nakasama niya buong magdamag noong siya ay malasing.

Napatawa lamang ng bahagya ang gwapong binata at saka umupo sa harapan ni Jenny.

“I’m Lucas, by the way! Sabay na lang ako sa’yo kumain ha?” pagpapakilala ng binata.

“’Di ako interesado. At saka sino bang may sabi sa’yo na maupo sa harap ko? Umalis ka nga riyan! Nawawalan ako ng gana kumain sa’yo eh,” mataray na sabi ng dalaga.

“Oh well, nandito na ako e. Mag enjoy ka na lang dyan. Baka mas lalo ka ngang ganahan kumain dahil nandito ako e,” ngumiti ang lalaki sabay kindat.

Wala naman magawa si Jenny kundi hayaan na lang ang gwapong binata. Kahit papaano’y nagkausap sila at nagkakwentuhan. Pilyo lamang talaga ang binata ngunit mabait ito, matalino at marespeto, kaya’t madaling gumaan ang loob ni Jenny.

Nagpresinta ang lalaki na ihatid na ang dalaga sa tinutuluyan nito. Pareho naman daw sila ng daanan na tatahikin pabalik sa kani-kanilang mga tinutuluyan.

“Ang lamig pala lalo dito kapag gabi,” saad ni Jenny habang pinapainit ang mga braso.

“Gusto mo bang painitan kita?” nakangising tanong ng binata.

“Manyakis ka talaga!” pabirong sabi ng dalaga habang natatawa.

Lumapit si Lucas kay Jenny at inangat ang mga braso. Akmang iiwas na sana si Jenny nang ipatong ng binata ang suot nitong jacket sa mga balikat ng dalaga.

“O iyan na ha? Para hindi ka lamigin. Alam mo naman kasi na malamig rito tapos nagsuot ka ng dress na halos litaw na ang likod. Hay nako! Buti na lamang at may gwapo kang kasama na tulad ko,” biro pa ng binata.

Napalunok si Jenny at napatigil. Napatitig siya sa mga nangungusap na mata ng binata. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, bigla tumibok ng napakalakas ang puso ng dalaga.

Hindi man ipahalata ng babae, ngunit kita sa mga namumulang pisngi nito ang magkahalong kilig at hiya na nadarama.

Napag-alaman nila na sa iisang Inn pala sila tumutuloy at ang nakakatawa pa rito magkatabi lamang ang kanilang mga kwarto.

“E-eto na pala yung jacket mo. Salamat!”

“Sa’yo na muna ‘yan. May dala akong extra. Basta siguraduhin mong ‘di ka lalamigin ha? Baka kasi pasukin mo ako dito sa kwarto ko at pagsamantalahan mo na naman ang pagiging inosente ko,” natatawang sabi ni Lucas.

Hahampasin sana ni Jenny sa braso ang binata nang matalisod siya sa suot na sapatos, dahilan parang mapayakap siya sa rito.

Sa pagkakataong iyon, nagtapong muli ang kanilang mga mata. Tila ba bumagal ang lahat sa paligid. Paanong ganoong kabilis nangyari ang lahat? Ang tibok ng puso ni Jenny ay sumasabay sa mabilis na tibok na puso din ni Lucas. Ano nga ba ang nangyayari?

“Ah, e, sige… matutulog na ako!” pagbasag ni Jenny sa katahimikan at madaling pumasok sa kwarto. Napakapit siya sa dibdib at saka ngumiti.

‘Magulo… nakakatakot… walang kasiguraduhan… pero masaya,’ mga bagay na tumatakbo sa isipan ng dalaga.

Kinnabukasan muling nagkasama ang dalawa. Sabay silang nag umagahan at nagtungo sa iba’t ibang magagandang tanawin doon.

Naulit pa ito sa mga sumunod na araw. Lalong naging malapit ang dalawa sa isa’t isa. Hindi maiiwasang sa mabilis na takbo ng panahon ay nakatagpo sila ng pag-ibig sa piling ng isa’t isa.

Nang pauwi na sa Maynila, inimbitahan ni Lucas na sa kaniya na lamang sumabay si Jenny. Hindi naman ito tinanggihan ng dalaga.

Dumaan muna sila sa Baguio Cathedral at doon nag-alay ng isang panalangin.

“Lucas…” pagbasag ni Jenny sa katahimikan. “May gusto akong ipagtapat sana sa iyo,” dagdag pa ng dalaga.

“Mahal kita, Jenny!” biglang banat naman ng binata na labis ikinagulat ng dalaga. “Alam kong ang bilis kung titingnan, pero Jenny, hindi ka mahirap mahalin. Pasensiya na, pero minahal kita agad,” buong pusong pagtatapat ng binata.

“Mahal din kita, Lucas. Sa’yo ko unang naramdaman ito. Pero mali ito… nakatakda na akong ipakasal sa iba pagkauwi ko sa Maynila. Mahal kita, pero kailangan kong sumunod sa mga magulang ko,” umiiyak na pahayag ng dalaga.

“Kaya kitang alagaan at ipaglaban. Kung dumating ang araw na magbago ang isipan mo, iintayin kita. Pero sa ngayon, papalayain muna kita. Kung dumating ang araw na muling tayong pagtagpuin, dito sa simbahan na ito kita papakasalan,” nakangiti ngunit may mga luha sa matang sabi ng lalaki.

Nang makarating sila sa Maynila, halos hindi naman maalis ang pagkakahawak ng dalawa sa isa’t isa.

Isang halik lang sa noo ang iniwan nito sa dalaga at nakangiting nagpaalam. Mayroon lang daw siyang malaking problema na kailangan asikasuhin.

Makalipas ang ilang araw. Nakatakda na ang pag-aayos ng kasal ni Jenny at mapapangasawa nito.

“Kaya ko ito!” pagkumbinsi ni Jenny sa sarili.

Napagpasyahan niyang tutulan ang kasal sa araw mismo ng pagtatagpo. Mahal na talaga niya si Lucas, kaya’t kahit ikagagalit ng magulang, tatanggi siya.

Sa isang restawran gaganapin ang meeting. Nandoon ang pamilya ng lalaking mapapangasawa ni Jenny kasama ang abogado na mag-aayos ng kasunduan, ngunit tanging ang lalaking mapapangasawa ay wala pa rin doon.

“Mukhang tutol din mismo ang lalaki ah? Pag sinuswerte ka nga naman,” usal ng dalaga sa kanyang isipan habang nakangisi.

Napawi naman ang ngiti ni Jenny nang mapansing nakatingin sa kanya ang mga naroroon.

“O ayan na pala ang aming unico hijo e!” saad ng babaeng magiging biyenan ni Jenny.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Jenny ngunit hindi niya maipalawanag ang dahilan. Labis ang kaba niya, pero bakit?

Tila ba bumagal bumagal ang paligid habang dahan-dahang lumingon si Jenny.

Ang tindig ng lalaki…. Ang katawan nito at ang halimuyak, pati na ang mapupungay na mga mata…

“Lucas…” mahinang bulong ni Jenny habang papalapit ng papalapit ang binata sa kanila.

Unti-unting kumurba ang mga ngiti sa labi ni Lucas nang matanaw ang magandang dalaga na minamahal.

“Gusto ko sana maging best man sa isang kasalan, pero nang makita ko ang napakagandang dalaga dito, mas gusto ko nang maging groom!” masayang biro ng binata.

Hindi makapaniwala si Jenny sa nangyayari. Paano naging ganoon? Ang lalaking unang minahal pala niya ang siyang nakatakdang ipakasal sa kaniya!

Taong 2018, sa napakagandang simbahan ng Baguio, nagpalitan ng mga pangako sina Jenny at Lucas. Ang pangakong mamahalin ang isa’t isa sa hirap man o ginahawa, sa sakit o kalusugan man.

“Naalala mo nung tayong dalawa yung nagpunta rito? Hiniling ko sa Diyos na sana ay ikaw na lang ang inilaan Niya para sa akin. Lahat kasi ay gagawin ko, maging akin ka lang. Pinagpa-sa-Diyos ko ang lahat… Akalain mong pinakinggan Niya? Ngayon ay misis na kita!” naluluhang sabi ni Lucas at saka binigyan ng matamis at madiin na halik ang asawa.

Matapos rin pumunta ni Lucas noon sa Sagada, ibinalita sa kaniya ng magulang na ipapakasal siya sa mga kasosyo nito sa negosyo. Nakahanda na rin siyang tanggihan ito, ngunit isang malaking surpresa na ang babaeng minamahal pala ang siyang ipapakasal rin sa kaniya.

Sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao, palayain mo! Kung bumalik sila, kayo ang nakatakda sa isa’t isa.

Gaya ng ginawa ni Lucas. Pinalaya niya si Jenny noong una at idinalangin sa Diyos ang lahat, ngunit tadhana rin ang nagbalik sa kanila sa piling ng isa’t isa.

Darating din sa tamang panahon at di inaasahang pagkakataon ang taong inilaan ng Maykapal para sa atin.

More Stories