Biniro ng Babae ang Asawa na Makikipaghiwalay na Siya, Para Siyang Sinikmuraan sa Naging Ganti Nito
Isang taon nang kasal si Grace at Rey, masaya ang kanilang pagsasama dahil bukod sa pareho silang palabiro ay mahal na mahal nila ang isa’t isa. Pinili ni Grace na manatili na lang muna sa bahay para maasikaso niya ang asawa,tutal ay wala pa silang anak kaya dapat sulitin na nila ang panahong sila pa lang dalawa. Wala naming reklamo doon si Rey dahil maganda ang trabaho ng lalaki bilang isang Engineer. Natatawang nagsulat si Grace ng isang note: Rey, I’m really sorry. Ngayon ko lang na-realize na hindi pala ako masaya sa ating dalawa. Nagkamali akong pinakasalan kita, wag mo na akong hanapin. Ang totoo ay ipinagluto niya ang mister ng paborito nitong ulam, monthsary kasi nilang dalawa ngayon. Kahit kasal na ay isine-celebrate pa rin nila ang araw na ito. Maya maya pa ay narinig na niyang bumukas ang gate at pumarada ang kotse ng asawa kaya dali dali siyang nagtago sa ilalim ng kama para hindi siya makita nito. “Baby, I’m home!” narinig niyang tawag nito. Ilang saglit pa ay nakita niya na ang paa nito na pumasok sa kwarto, saglit itong tumayo sa tapat ng kama, siguro ay napansin na nito ang note. Makalipas ang ilang minuto, narinig niyang magsalita ang lalaki. “Hello babe, oo. Sa wakas, na-realize din ni Grace na di kami para sa isa’t isa, akala ko ako lang ang nakakaisip non. Umalis na siya, syempre ikaw na ang pipiliin ko ikaw naman talaga ang mahal ko eh, napasubo lang ako sa kasal na to.” Natakpan ni Grace ang kanyang bibig at napaluha, bakit kailangang sa ganito niya pa matuklasan ang panloloko ng asawa? Siya ang nagbibiro, siya ang biniro ng tadhana. Nagpatuloy pa ang lalaki. “Pupunta ako dyan, magse-celebrate tayo. Importanteng araw to, miss na kita agad.” sabi ng lalaki na ibinaba na ang tawag. Umupo ito saglit sa kama at pagkatapos ng limang minuto ay lumabas na ng kwarto. Nanghihina naman si Grace, di niya alam kung kaya niya pang tumayo pagkatapos ng lahat ng narinig. Siguro ay tamang oras na rin ito para iligpit ang mga gamit niya at bumalik na lang sa kanyang magulang. Hindi niya akalain na sa mabilis na panahon ay matatapos ang pagsasama nila. Pagtayo niya ay napansin niya isang bungkos ng bulaklak at chocolate. May sulat din ang asawa sa tabi: Baby, Happy Monthsary! Mahal na mahal kita. Akala mo maloloko mo ako? Kita ko ang paa mo sa ilalim ng kama, at naamoy ko ang bagong lutong ulam. Ikaw lang ang mahal ko kaya lumabas ka na dyan. PS. Hindi ako lumayas, nandito lang ako sa kusina hindi ko na matiis ang gutom, halika na dito. Kasabay ng paghinga ng maluwag ay natawa si Grace sa sarili, halos atakihin siya sa puso. Dali dali siyang lumabas ng kwarto at naabutan ang asawang tumatawa ng malakas habang nakatingin sa kanya, “Nakakainis ka!” bulyaw niya rito. Ang tamis talaga ng pag ibig, lagi nating tatandaan na ang pundasyon ng isang relasyon ay hindi lang pagmamahal at respeto, kung hindi TIWALA.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!