Tinawag na Ahas ng Isang Babae ang Kaniyang Matalik na Kaibigan; Nagsisi Siya nang Malaman ang Ginawa Nito para sa Kaniya

Tinawag na Ahas ng Isang Babae ang Kaniyang Matalik na Kaibigan; Nagsisi Siya nang Malaman ang Ginawa Nito para sa Kaniya

KarmaLoveStories

“Bes, narinig mo ba ang balita?” kinikilig na tanong ni Carol sa matalik niyang kaibigang si Angela. 

“Ang alin?” tugon ng dalaga. 

“Nasa departamento daw natin ang babaeng nagpatibok sa puso ni Sir Adrian!” masaya nitong pahayag. 

“Sino naman nagsabi sa’yo niyan? At gaano ka kasigurado sa balitang iyan?” muling tanong ni Angela. 

“Mismong ang sekretarya niyang si April ang nagsabi sa akin. Narinig daw niya si Sir Adrian na binanggit ito sa isa niyang kaibigan! Kinikilig ako, bes! Kaya pala madalas akong kausapin ni Sir Adrian. Sa tuwing nakikita rin niya ako ay grabe siyang makangiti sa akin. Mahabaging langit, dininig na nga ang mga panalangin ko!” walang humpay sa tuwa ang dalaga. 

“O, bakit parang hindi ka yata masaya d’yan para sa akin? Dapat ‘di ba kung gaano ako kinikilig ay ganoon ka rin. H’wag mo sabihin sa aking may gusto ka rin kay Sir Adrian?” saad pa ni Carol. 

“A-ano bang sinasabi mo riyan? M-masaya ako para sa iyo! Hindi ko lang alam na labis pala ang pagtingin mo kay Sir Adrian,” tugon ng dalaga. 

“Matagal ko nang sinasabi sa’yo na iniibig ko siya, ‘di ba? Kaya sobrang saya ko lang kasi sa wakas ay napansin na niya ang kagandahan ko!” wika ni Carol. 

Lingid sa kaalaman ni Carol ay matagal nang nagsabi ng nararamdaman si Adrian kay Angela. Hindi lamang niya ito masabi sa matalik na kaibigan dahil alam niya kung gaano ito kagusto ng dalaga. Ayaw niyang ang isang lalaki pa ang makakasira ng kanilang pagkakaibigan. Ganito niya kamahal si Carol. 

“Matatanggap din ni Carol na ikaw ang mahal ko, Angela. Simula pa lang na makita kita ay iba na ang naramdaman ko sa’yo,” saad ni Adrian sa dalaga. 

“Pero hindi ko masusuklian ang pag-ibig mo sa akin, Sir Adrian. Bukod sa hindi tayo magkalebel sa buhay ay hindi ko matatanggap na magalit sa akin si Carol. Bata pa lamang kami ay magkaibigan na kami. Sa tuwing parehas ang aming mga gusto ay pinagbibigyan ko siya sapagkat kapatid ang turing ko sa kaniya. Nangako kami sa isa’t isa na kahit kailan ay hindi kami mag-aaway at pinaghahawakan ko iyon,” sambit naman ni Angela. 

“Paano naman ang kaligayahan mo? Alam kong gusto mo rin ako, Angela. Ngunit paano natin maipagpapatuloy ang pagmamahalan natin kung mas iniintindi mo ang kaibigan mo kaysa sa iyong sarili,” wika muli ng binata. 

“Buo na ang aking pasya. Masakit man sa akin ay kailangan mo nang itigil ang nararamdaman mo para sa akin. Gano’n din ako sa’yo,” naluluhang sambit ni Angela. 

Ngunit kahit ganito ang tinuran ng dalaga ay hindi pa rin tumigil si Adrian sa pagsuyo dito. Ngunit sa kabilang banda ay umaasa naman ang matalik na kaibigan ng dalaga na isang araw ay magtatapat na ng pag-ibig sa kaniya ang boss. 

Minsan ay nagtagpo sa conference room sina Adrian at Angela. 

“Hindi ko po alam na narito kayo, aalis na po ako,” sambit ng dalaga. 

“Angela, mahal kita,” walang gatol sa pag-amin si Adrian.

“Tigilan mo na ito, Sir Adrian. Nag-usap na tayo, ‘di ba? Ibaling mo na lang ang pag-ibig mo sa kaibigan ko,” giit ni Angela sa binata. 

‘H’wag mong diktahan ang damdamin ko, Angela. Ikaw ang mahal ko. Kung iniisip mo si Carol ay ako na mismo ang magsasabi sa kaniya na nagmamahalan tayo para hindi na siya umasa,” saad muli ng binata. 

Habang nakataliko si Angela ay niyakap siya ni Adrian. Matagal nang inaasam ni Angela ang mga yapos na iyon ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang masaktan ang kaniyang kaibigan.

Bigla na lamang pumasok si Carol sa silid na iyon at nakita niyang yakap ni Adrian ang matalik na kaibigan. Dahil sa pagkabigla ay luhaang umali si Carol. Agad naman siyang hinabol ni Angela. 

“Traydor ka! Sabi ko na nga ba at gusto mo siyang agawin sa akin! Ambisyosa ka! Paano mo itong nagawa sa akin?” galit na sambit ng dalaga. 

“Pakinggan mo muna ako, Carol,” pagsusumamo ni Angela sa kaibigan. Ngunit kahit anong sabihin niya ay ayaw makinig ng dalaga. 

Umalis na lamang bigla si Carol sa trabaho. Malalim na ang gabi at wala pa ring balita si Angela kay Carol. Nag-aalala na si Angela sa kaniya sapagkat hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Nang malaman sa mga kaopisina na naglalasing si Carol sa isang bar ay agad niya itong pinuntahan. 

Doon ay natagpuan niya ang dalaga na pilit na isinasama ng mga kalalakihan. Dahil sa sobrang pagkalango ni Carol sa alak ay hindi na nito magawang lumaban pa. 

Kahit na alam ni Carol na dehado siya ay pilit niyang ipinagtanggol ang matalik na kaibigan. 

“Sige, bibitawan namin siya kung ikaw ang sasama sa amin! Kung ayaw mo ay alam mo na kung ano ang mangyayari dito sa kaibigan mo!” sambit ng isang lalaki. 

Hindi nagdalawang-isip si Angela na sumama sa mga ito upang mailigtas ang kaibigan. Binitawan ng mga lalaki ang wala nang malay na si Carol sa isang sulok. At pilit na binitbit si Angela. Mabuti na lamang ay dumating si Adrian na nag-aalala rin nang malamang pinuntahan nito si Carol nang mag-isa. 

Napayakap na lamang si Angela kay Adrian dahil sa takot. 

Walang alam si Carol sa mga nangyari. Makalipas ang ilang araw ay nagkita silang muli ni Angela sa opisina. 

“Carol, mag-usap tayo. Pakinggan mo naman ako,” pakiusap ng dalaga. 

“Wala akong kaibigang kagaya mo! Wala ka rin dapat pang ipaliwanag sa akin sapagkat alam ko na ang pang-aahas na ginawa mo sa akin. Pilit mong inakit si Sir Adrian kahit alam mong mahal ko siya at nabubuo na rin ang pagtingin niya sa akin! Ang laki mong ahas!” galit na sumabt nito sa kaibigan. 

Bigla na lamang dumating si Adrian para muling ipagtanggol ang dalaga. 

“Tigilan mo na ang lahat ng sinasabi mo sa kaibigan mo. Unang-una ay siya naman talaga ang mahal ko at wala akong pagtingin sa’yo. Ngunit hindi namin maipagpatuloy ang nararamdaman namin sa isa’t isa dahil iniisip ka niya,” payahag ng binata.

“Noong araw na nagpakalasing ka. Hindi mo ba alam kung paano ka nakauwi sa inyo? Muntik ka nang pagsamantalahan ng mga lalaki dahil sa pagkalasing mo pero handa si Angela na ialay ang sarili niya huwag ka lang masaktan. Ganoon ka niya kamahal bilang kaibigan!” dagdag pa ni Adrian. 

“Dahil sa mga ginagawa mong ito sa kaniya at kung paano ka pa rin niya pakitunguhan sa kabila ng ginawa mo ay lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kaniya at dahilan para hindi ka paglaanan ng pagtingin. Sobrang magkaiba kayo. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ka ni Angela sa gayong hindi mo naman talaga siya itinuturing bilang isang kaibigan,” sambit pa nito. 

Napahiya si Carol sa lahat ng sinabi ni Adrian. Hindi rin niya akalain na ganito pala ang mga ginawa ng matalik na kaibigan para sa kaniya. Lubusan ang kaniyang pagsisisi. Napagtanto niya kung gaano siya kasakim at sarili lamang niya ang kaniyang iniisip. 

Humingi siya ng tawad kay Adrian lalo na sa kaniyang matalik na kaibigang si Angela. Mabuti na lamang ay hindi nagbago ang pagtingin ng dalaga sa kaniya at agad siyang pinatawad. 

Simula noon ay natanggap na ni Carol na hindi siya ang mahal ni Adrian kung hindi ang matalik niyang kaibigan. Naging masaya siya para sa dalawa. Dahil dito ay malaya na sina Adrian at Angela na ipahayag sa isa’t isa ang kanilang nararamdaman. 

More Stories