Inday TrendingInday Trending
Nainggit ang Babae sa Ka-Opisina Niyang Sinorpresa ng Mister sa Araw ng mga Puso; Siya Pala ang Dapat Nitong Kaiinggitan

Nainggit ang Babae sa Ka-Opisina Niyang Sinorpresa ng Mister sa Araw ng mga Puso; Siya Pala ang Dapat Nitong Kaiinggitan

Apat na taon nang nagsasama sina Frida at Diego. Panandaliang nawalan ng trabaho si Diego dahil katatapos lamang ng kontrata niya sa abroad, habang nag aapply ng panibago ay nasa bahay muna siya at sinasamantala ang oras na makasama ang pamilya.

Si Frida naman ay nagtatrabaho sa isang opisina sa Ortigas, ayos lang iyon dahil malapit lang ang bahay nila sa kumpanya. Isang sakay lang ay naroon na siya. Nung nasa abroad pa si Diego, sunod ang luho ng babae at todo alaga siya sa mister pero ngayong medyo gipit ito ay palagi niya itong inaaway at pinariringgan.

“Ang sikip na rito sa bahay, ang hirap nang magtrabaho,” sabi ni Frida.

Alam naman ni Diego ang nais niyang ipahatid pero umakto na lamang na di apektado ang lalaki. Naaawa na rin naman siya sa misis niya dahil ito lang ang nagsho-shoulder ng lahat ng gastusin sa bahay ngayon. Ang naipon niya ay ubos na rin.

“Pasensya kana Frida, matanggap lang ako ulit sa Kuwait ay babawi ako sayo.” malungkot na sabi ni Diego.

Pag-ismid lang naman ang isinagot ng babae, pwede ba iyong sorry-sorry lang. Nakakawalang gana.

Kinabukasan ay maagang nagising si Frida dahil may meeting pa siya sa opisina. Bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng sinangag at ang halimuyak ng kape, araw araw ay ganito ang kanyang nadaratnan. Nakaluto na si Diego ng almusal.

“Tamang tama ang gising mo, lika na habang mainit pa,” sabi ng lalaki.

Di naman siya kumibo at umupo na lang sa harapan ng hapag, sinimulan nang kumain.

“Mamaya ipagluluto kita, anong gusto mong ulam sa hapunan? Happy Valentine’s day mahal,” masuyong sabi ni Diego.

Ang buong opisina ni Frida ay napuno ng mga bulaklak na disenyo, may mga lobong hugis puso pa at may nagbibigyan pa ng chocolate.Lalo siyang nainis, ang mister niya kasi kanina ay walang kwentang sinangag lang ang handog sa kanya, isang bagay na natitikman niya na araw araw.

“Uy mare, happy valentine’s day! Anong ganap sa inyo ni hubby mo?” tanong ni Jennifer, officemate niya.

Ngiti lang ang isinagot niya rito pero tila di naman nakahalata ang babae na ayaw niyang makipag usap, excited pa itong nagkwento. Iniharap sa kanya ang cellphone at may ipinakitang litrato.

“Grabe yung hubby ko, sinurprise ako paggising ko ay may flowers na at chocolates sa ibabaw ng bed. I feel so special today,” sabi nito.

Lalong nakaramdam ng inggit si Frida, hindi siya umiimik.

“Tomorrow pala, punta kayo sa bahay. Birthday ng hubby ko magluluto ako. Babawi ako sa kanya,” pag anyaya nito.

Ayaw niya na sana dahil maba-badtrip lang siya pero naisip niyang magandang pagkakataon na iyon upang maipakita sa mister niya kung paano tratuhin ng asawa nito si Jennifer, sana gayahin ng mister niya. Ganoon kasi ang gusto niya, maging special today.

Niyaya niya si Diego na samahan siyang bumisita sa bahay ng ka-opisina at masayang pumayag naman]=\0

lang ay rinig na nila ang maingay na kantahan sa videoke.

Abala si Jennifer na nag aasikaso sa bisita ng mister niya kaya di na sila halos napansin nito.

“uy kuha nalang kayo ng food dyan ah, pasensya na medyo busy ako,” sabi nito.

Ang mister nito ay nakaupo lang kasama ng mga barkada habang di magkandaugaga si Jennifer sa pag eestima sa mga ito.

“Bakit ang alat?” nakasimangot na sabi ng mister ng babae.

“H-ha?” sabi ni Jennifer.

“Halika nga rito,” mahigpit na hinawakan ng lalaki ang braso ng babae, medyo napasulyap sa kanila si Jennifer at tila napapahiya ito.

“Huy,” saway nito sa asawa.

“bakit ang alat? Ipiprito nalang ang baboy tatanga tanga pa? Ginastusan pa kita ng bulaklak kahapon tapos ayaw mo ayusin ginagawa mo dito sa bahay? Pinapahiya moko sa tropa eh! Mas magaling pang magluto sayo nanay ko!” bulyaw ng nakainom na lalaki.

Pahiyang pahiya naman si Jennifer.

Napagpasyahan ni Frida na yayain na lamang umuwi ang kanyang asawa, alam niyang ayaw ni Jennifer na makita niya ito sa ganoong sitwasyon.

Habang binubuksan ni Diego ang padlock sa gate nila ay namasdan niya ang lalaki.

Wala itong maibigay na materyal sa kanya sa ngayon pero ginagawa naman nito ang lahat para lumigaya siya. Nagluluto, naglalaba, nag aalaga ng mga bata, higit sa lahat ay katuwang niya ito sa buhay.

Nagulat si Diego nang bigla na lamang siyang yakapin ni Frida.

“Salamat mahal..” bulong ng babae.

Ang mister niya ay di katulad ng mister ni Jennifer na pinaramdam sa babaeng espesyal ito sa Valentine’s day. Dahil si Diego, araw araw ay ginagawang Valentine’s day para sa kanya.

Advertisement