Inday TrendingInday Trending
Tiniis ng Binatang Hindi Uwian ang Ina Kahit Mother’s Day, Isang Bata ang Sumampal sa Kanya ng Reyalidad

Tiniis ng Binatang Hindi Uwian ang Ina Kahit Mother’s Day, Isang Bata ang Sumampal sa Kanya ng Reyalidad

Selebrasyon ng Mother’s Day. Muntik pang makalimutan ni Tony ang mahalagang araw na iyon para sa ina kung hindi niya marinig sa mga kasamahan ang pinag-uusapan ng mga itong iba’t ibang paraan ng selebrasyon kasama ang kani-kanilang mga ina. Nakonsensya naman si Tony dahil hindi niya pa nababati ang kanyang ina. Kaya naman nang mag-breaktime sila ay tinawagan niya ito. “Ma, kamusta ka na d’yan? Happy mother’s day!” Narinig niya agad ang pagsinghot ng ina sa kabilang linya, “Naiyak ka agad, Ma?” “Kasi naman anak, akala ko nakalimutan na ng unico hijo ko ang mahalagang araw ko bilang ina,” garalgal ang tinig nito. “Ma naman, makakalimutan ba kita? Miss na miss na nga kita eh,” paglalambing niya nalang dito. Ganito talaga ang kanyang mama. Maramdamin pero mapagmahal. Madalas niya itong kasama noon ngunit simula nang magtrabaho siya ay kinailangan niya nang humiwalay dito. Kung minsan ay nagtatampo na rin ito sa kanya dahil sa pagiging busy niya masyado. Lalo pa itong lumala nang magkagirlfriend siya. Ang oras kasi na dapat na ilalaan niya para sa ina ay nahahati pa para sa kanyang girlfriend. Kung minsan ay nakakalimutan niya na ang kanyang ina dahil sa nobya. “Ma, papadalhan kita ng pera. Sahod ko ngayon, magshopping ka ha?” lambing niya muli dito. Tumahimik ang kabilang linya. Maya-maya’y sumagot ang ina, “Hindi ka ba makakauwi anak?” Tumikhim siya, “Sorry Ma, busy–” “Busy ka pa?” malungkot na tanong nito. “Opo ma, sorry talaga. Babawi ako sayo.” “Okay lang, anak. Ano ka ba? Masaya na ako na okay ka d’yan at ligtas.” Nang uwian nila ay agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan upang mabilhan ng bulaklak ang kanyang ina. Kahit hindi nito sabihin alam niyang nagtatampo na naman ito sa kanya. Kaya kasabay ng perang ipapadala niya ay ipapadala niya na rin ang paborito nitong bulaklak para mapangiti ito. Sa kanyang pagbaba ng sasakyan ay nakita niya ang batang nakadungaw sa labas ng flower shop. Tila kaylungkot ng mukha nito. Kaya naman tinanong niya ito, “Gusto mo ba ng bulaklak, hija?” Tumango ito, “Opo, para po sana sa nanay ko.” Kaya naman binilhan niya ito ng kumpon ng bulaklak, “Saan ba ang bahay mo? Gusto mo ihatid na kita?” “Okay lang po ba magpahatid kung nasaan ang nanay ko ngayon?” Ngumiti siya, “Oo naman.” Nagtaka siya nang isang sementeryo ang tinunguhan nila, nagpasalamat ito at bumaba sa sasakyan. Pinagmasdan niya itong nagtungo sa isang puntod at doon masayang binigay bulaklak na binili nila. Naantig siya sa ginawa ng bata. Kaya naman agad siyang bumalik sa flower shop at pina-cancel ang delivery ng bulaklak sa kanyang ina sa probinsya. “Kukunin ko nalang Miss, mas maganda pala kapag personal kong dineliver sa nanay ko kahit gaano kalayo siya.” Siguro ay sinadya ng Diyos na ipakilala sa kanya ang bata upang maalala niya na swerte pa sya dahil buhay ang kanyang ina at hindi niya dapat ito binabalewala. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement