Inday TrendingInday Trending
Minaliit ng Kinakasama sa Japan ang Babaeng Hirap sa Buhay, Natuto Tuloy Siyang Lumaban

Minaliit ng Kinakasama sa Japan ang Babaeng Hirap sa Buhay, Natuto Tuloy Siyang Lumaban

Si Della ay namusukan bilang isang tour guide sa Japan at nakilala niya si Albert, kapwa niya Pilipino na siyang bumihag sa puso niya. Nagsama sila sa iisang bubong at naninirahan bilang mag-asawa.

“Della, san mo balak manganak? Gusto mo ba sa Pilipinas nalang? Para meron agad magbabantay sa anak natin,” wika ni Albert sa babae habang yakap niya ito ng patalikod.

“Oo, Albert uuwi din ako pag limang buwan na itong anak natin sa tyan ko. Aayusin ko muna ang lahat ng papeles na kailangan ko para makabalik ako agad,” baling niya sa asawa.

Mag iisang taon na silang nagsasama ng malaman ni Della na siya ay nagdadalangtao. Umuwi siya sa Pinas at doon niya isinilang ang bata. Tumira siya sa kanyang mga magulang. Naging magulo ang kanilang samahan at humina ang tiwala sa isat-isa na hindi na nila nakayanan pang ayusin ang binuong pamilya.

“Hayop ka Albert! Kaya pala ang liit na ng pinapadala mo sa akin ay may ibang babae kana!” sigaw ni Della sa telepono habang kausap ang asawa.

“Huwag kang mag-alala, susuportahan ko yang anak ko. Matuto kang magtiis sa pinapadala ko dahil hindi ako namumulot ng pera dito,” sagot ni Albert sabay baba sa telepono.

Sobrang sakit kay Della na tanggaping hindi buo ang pamilyang kakagisnan ng kanyang anak. Pagkatapos isakripisyo ni Della ang lahat para kay Albert ay ito lang rin pala ang kakahinatnan ng kanilang pagsasama.

Mahirap lamang ang pamilya ni Della kaya nga siya ay nakipagsapalaran sa ibang bansa. Naglilinis ng kuko ng kanyang ina sa isang parlor at tricycle driver naman ang kanyang ama. Ngayon sa edad niyang 23 ay nagdagdag pa siya ng papakainin at pagagatasin sa pamilya.

Pang-apat si Della sa limang magkakapatid. Ang dalawa doon ay nagtratrabaho sa factory ng mga lumpia, pakyawan ang sahod kaya maliit lang rin ang kita. Ang isa ay ay pumapasada rin katulad ng ama at ang bunso naman ay tindera ng lugawan sa kanilang lugar.

Nagtiis si Della sa padala ni Albert na 3,000 kada buwan. Pinilit niya ang sarili na magkagatas para hindi na bumili pa, ang diaper naman nito ay yung mumurahing nabibili sa palengke.

“Mama, pasensya kana dagdag palamunin kami ng anak ko,” saad ng dalaga sa kanyang ina.

“Wag mong isipin yun anak, ang mahalaga ngayon e magpalakas ka at huwag masyadong mag-isip,baka mabinat ka. Kaya pa naman namin kahit hirap tayo. Wag kang mag-alala hindi naman habangbuhay sanggol yang anak mo. Lalaki at lalaki rin siya, makakatulong ka rin sa amin,” sagot ng ale.

Nagpalakas si Della at nang maka-isang taon ang kanyang anak ay agad siyang nagtrabaho, namasukan siya bilang isang kahera sa mall na malapit sa kanila. Maliit ang sahod ng dalaga kaya naman sa tuwing magkakasakit ang anak e parati nalang siyang nalulubog sa utang.

“Albert baka pwede ka naman magpadala ng limang libo, ipangbabayad ko lang sa nautang ko noong nagkasakit si Daine,” text niya kay Albert.

“Hindi na kailangan at pauwi na ako ng Pilipinas sa susunod na Linggo, kukuhanin ko na yang anak ko at wala ka naman magandang buhay na mabibigay dyan,” sagot ng lalaki sa kanya.

“Wala kang karapatan kuhanin ang anak ko! Hindi tayo kasal!” sagot ni Della dito.

“Tanga ka talaga e ano? Bobo! Tatay ako niyan may karapatan ako! Tanga ka!” reply ni Albert.

Hindi lubos maisip ni Della na kukuhanin sa kanya ang kaniyang anak. Pakiramdam niya ay wala siyang laban dahil wala siyang pinag-aralan. Kaya nga nagtanong siya sa kanilang kapitbahay na isang bagong abogado.

“Ayon sa Article 176 ng Family Code, ang parental authority ng illegitimate child ay nasa nanay. Ang karapatan lamang ng tatay ng isang illegitimate child ay visitation rights sa kanyang anak.

Ang pagiging ama ay hindi sapat na dahilan upang sa kanya igawad ang pag-aaruga sa bata. At kung ang ina ay unfit o hindi karapat-dapat upang pangalagaan ang bata, ang kustodiya ay maaaring ibigay sa mga lolo o lola na magulang ng ina at hindi sa lolo o lola sa father side.

Atsaka kung kukuhanin man po sa inyo ang inyong anak e tawagin niyo lang po ako dito sa bahay at kung andito naman ako e tutulungan kopo kayo,” dagdag pa nito.

Simula nang marinig niya iyon ay hindi na siya kinabahan pa sa pang mamaliit sa kaniya ni Albert. At Dumating nga ang lalaki at pinilit niyang kuhanin ang anak ngunit hindi siya nag tagumpay. Tinulungan rin siya ng abogadong kapitbahay. Pumunta rin siya sa DSWD para huminge ng proteksyon dito at ipinaliwanag kay Albert na hindi niya maaring kuhanin ang anak.

Kaya naman nag abroad si Della muli para sa kaniyang anak at hindi na siya nag-aalala pa sa ama nito. Ngayong darating na ika-pitong kaarawan ni Diane ay uuwi si Della sa Pilipinas para ipagdiwang ito. May sarili na ring pamilya si Albert at hindi na nanggugulo pa sa kanila, nag bibigay man ito ng suporta ngunit hindi na niya kinukulit pa. Marami mang pinagsisihan si Della sa mga naging desisyon sa buhay ay hindi naman niya pinagsisihan ang pagdating ng kanyang anak.

Maari nating pag-aralan ang ibat-ibang kurso san mang sulok ng mundo ngunit hindi naituturo ang pagiging isang magulang dahil nagmumula ito sa puso.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement