Inday TrendingInday Trending
Sobrang Tigas at Pasaway ng Dalagang Ito, Kaya Naman Ipinakaladkad na Siya ng Kaniyang Nanay sa mga Awtoridad, Ano Kaya ang Dahilan?

Sobrang Tigas at Pasaway ng Dalagang Ito, Kaya Naman Ipinakaladkad na Siya ng Kaniyang Nanay sa mga Awtoridad, Ano Kaya ang Dahilan?

Mag-isang binubuhay ni Aling Hermie ang kaniyang tatlong anak na babae, maaga kasing sumakabilang bahay ang asawa nito. Kaya naman pakikipagsapalaran sa ibang bansa ang kanyang naisipang pangtustos sa kanilang pangangailangan.

“Ma, si Heart talagang hindi na nakikinig sa amin. Nababaliw na yata yung anak mo, sumama na talaga doon sa jowa niyang si Raymond yata yun, nagtanan!” saad ni Jena ang panganay na anak ng ale.

“Ano ba kasing pinaggagawa niyong magkapatid? Sabi ko naman sa’yo na alagaan mo ang mga kapatid mo habang wala ako. Bakit ba nagkakaganyan yang bunso natin,” malungkot na saad ni Aling Hermie sa kaniyang videocall ng anak.

“Hay naku ma, doon na raw siya titira at magsasama na raw sila!” dagdag pa ni Jena.

“Dahil nabuntis siya ng lalaki e dun na siya titira? Paano kung apihin yung kapatid mo doon? Puntahan mo yun at tatawagan ko,” wikang muli ng ale saka natapos ang kanilang tawag.

Kakabalik lamang ng ale sa Dubai at bago niya iniwan ang mga anak ay inayos na muna niya ang kalagayan ng mga ito. Masaya siyang nagbunga ang kaniyang paghihirap lalo na sa dalawa nitong anak, parehas kasing nakapagtapos ito ng kolehiyo sa tulong na rin ng kanilang sipag at tiyaga sa mahirap nilang buhay.

Kaya malaking palaisipan kay Aling Hermie kung bakit napapariwa ang kaniyang bunsong anak at nabuntis pa nga ito sa edad lamang na 15 anyos ngunit hindi na niya pinagalitan pa ang dalaga, imbes pinaliwanagan niya ito sa desisyong tinahak niya sa buhay.

“Anak, bakit ka umalis sa atin? Malapit ka nang manganak ‘di ba? Sinong mag-aalaga riyan sa’yo? Hindi naman galit si mama sa mga desisyon mo kaya umuwi ka na sa atin Heart,” text ng ale sa anak.

Inayos ng ale ang halos lahat ng pangangailangan ng kaniyang bunso para sa panganganak at paglabas ng bata. Siya na rin ang bumili sa lahat ng kailangang gamit dahil alam niyang wala siya sa tabi nito kapag iniluwal niya ang unang apo ng ale.

“Huwag niyo na akong pakialamanan, kalimutan niyo na ako!” mensaheng natangap ni Aling Hermie mula sa dalaga.

Walang magawa ang ale kundi ang umiyak at idaan na lamang sa dasal ang lahat ng kaniyang takot na baka mapahamak ang kaniyang anak. Ni hindi niya kilala ang magulang ng lalaki dahil ayaw ipakita ito ni Heart dati sa kanila, kahit mga kapatid ng dalaga ay hindi malaman kung saang lupalop ng tondo hahanapin ang sinasabing nobyo.

Lalo pang tumindi ang pag-alala ni Aling Hermie ng nanganak na si Heart, bumalik raw ito sa kanilang bahay ngunit iniwan lamang ang anak at umalis ng muli, hindi mahagilap at hindi makontak ang dalaga.

Kaya kahit na wala pang isang taon ang nakakalipas ay agad na bumalik si Hermie sa Pinas para kay Heart, hindi niya maatim na magtrabaho habang may malaking inaalala sa kaniyang pamilya. Wala na rin kasing maasahang ibang kamag-anak ang ale dahil ang lahat ay nasa probinsya, tanging sila lamang ang naninirahan sa Maynila.

Pagkauwi ng ale sa kanilang bahay ay agad niyang inasikaso ang apo, ang gatas, check-up at bakuna. Hindi niya maaring iatas ito sa ibang anak dahil pawang may mga trabaho rin at kumakayod na maka-ahon sa buhay. Hinanap niya si Heart at dumunog na ito sa pulisya para sa tulong, lumapit na rin ang ale sa social worker para kung mahanap man nila ang kaniyang anak ay isasanguni na muna niya ito dahil sobrang laki ng pinabago ng dalaga.

Kahit nga noong ito ay buntis pa, parati niyang inaaway ang lahat ng kaniyang mga ate at maging siya ay nakatikim rin ng sipa mula doon. Hindi na rin ito nag-aaral at ngayon ay natatago pa.

Natagpuan nila ang anak na si Heart at agad na isinama ni Aling Hermie ang mga awtoridad para tulungan siyang madala ang anak.

“Anak, halika na. Nag-aantay na sayo yung baby mo sa bahay, uwi na tayo,” saad ng ale. Ngunit hindi siya sinasagot ng dalaga at masama lang tingin sa kaniya nito. Nakakuyom rin ang mga palad at tila ba galit na galit ito sa kaniyang ina.

“Sige na ho, binibigyan ko na ho kayo ng karapatan na kuhanin ang anak ko sa kahit anong paraan makapag-usap ho tayo sa himpilan ninyo,” wika ng ale sa mga kasamang pulis at social worker.

Naging matigas at mahirap ang pagdala ng mga ito sa dalaga dahil sa nagpupumiglas nitong pagtangin. Halos kaladkarin na nila ito para lamang sumama sa kanila. Dumiretso sila sa barangay upang doon muna mag-usap at tinanong muli si Aling Hermie kung sigurado siya sa gagawing desisyon sa anak.

“Misis, sigurado na ho ba kayong dadalhin natin sa social services si Heart, kasi mananatili po siya roon ng dalawang lingo para obserbahan at tingnan ng kung ano ang pinagdadaanan ng bata,” paliwanag ng isang babaeng social worker.

“Oho, sigurado na ako. Mas mabuti na ho itong ganito dahil alam kong gagaling ang anak ko roon kesa naman dito siya sa akin at ganyan ang kalagayan niya, mas masakit lang ho ito para sa akin,” pahayag ng ale.

At dinala na nga doon si Heart, natuklasang gumagamit ang dalaga ng mga ipinagbabawal na gamot na natutunan niya sa mga barkada, medyo malala ang lagay ng babae dahil nagkakaroon na ito ng mga halusinasyon. Lumipas ang halos isang taong gamutan ay muling nakausap ni Aling Hermie ang anak.

“Anak, sana umuwi ka na sa atin, pagalingin mo na ang sarili mo kahit huwag na lang para sa akin kundi para sa anak mo. Kapag hindi ka na menor de edad at gusto mo talagang sumama sa tatay ng anak mo ay hindi naman kita pipigilan anak. Ang akin lang ay mapabuti ka,” wika ng ale.

“Sorry ma,” sambit ng ni Heart sabay tulo ng kaniyang luha.

“Sorry kung hindi ako nakinig sa’yo at hindi ako gumaya kina ate. Sorry po sa lahat ng problemang na idulot ko sa inyo, wala ho akong kwentang anak,” dagdag pa ng dalaga.

“Hindi totoo yan anak, lahat ng tao nagkakamali. Ang diyos nga nagpapatawad, tayo pa kaya? Kalimutan mo na ang nakaraan at muli kang bumangon para sa amin at sa anak mo, kaya mo iyan Heart!” baling naman ng ale sa dalaga sabay yakap niya dito.

“Akala ko po kasi pinababawalan niyo lang ako dahil ayaw niyong may masabing masakit ang ibang tao tungkol sa inyo. Ngayon alam ko na kung bakit kayo laging sermon ng sermon, kung nakinig lang sana ako e baka hindi ako naligaw ng landas,” bulong pa ni Heart sa kaniyang ina.

“Anak, bata ka pa at wala akong paki-alam sa ibang tao dahil kayo ang pinaka-importante sa buhay ko,” sagot ng matanda at mas lalo pang humigpit ang yakap nila sa isat-isa.

Hindi nagtagal ay nakalabas na rin si Heart at ngayon ay ginagampanan ang kaniyang responsibilidad sa abot ng makakaya. Pinabalik na rin niya sa Dubai ang ale at nangakong hindi na muling maauulit pa ang katangahan niya sa pag-ibig.

Advertisement