Isang Babae ang Walang Ipon Dahil Puro Libro Lamang Daw ang Alam Bilhin, Matatameme ang Lahat Kapag Binuklat na ang Kwento Niya

Isang Babae ang Walang Ipon Dahil Puro Libro Lamang Daw ang Alam Bilhin, Matatameme ang Lahat Kapag Binuklat na ang Kwento Niya

FamilyInspiringStories

“Sinasabi ko ngayon sa’yo, Kyla, kakainin mo ‘yang mga libro na pinagbibili mo! Lalo na uuwi na ang papa mo, wala na tayong pera!” galit na galit na baling ni Aling Dina, ang pangawalang nanay ng dalaga.

“Pera naman ‘yun ni daddy saka budget ko ‘yun!” baling na sagot ni Kyla rito.

“Kakauwi ko pa lang ay puro na away niyo kaagad ang aabutan ko. Hayaan mo na si Kyla sa hilig niya, mommy, isa pa may kaunting ipon pa naman ako para pagsimulan natin. Huwag ka na masyadong mag-isip pa,” bati ni Mang Gener ang tatay ni Kyla.

“Daddy!” yakap ni Kyla at naiyak ito kaagad. Halos dalawang dekadang naghanap buhay si Mang Gener sa Saudi ngunit sa kasamaang palad ay biglang natapos ang kontrata nito nang mapagbintangan na nagnakaw sa kaniyang amo. Anim na buwan ding itong nasa bilangguan sa ibang bansa bago pinalaya at ngayon ay nakauwi na sa Pilipinas ngunit aminadong naubos ang kanilang ipong pera sa pangpansya para makalaya ang lalaki.

“Hayaan mo na, Dina, makakahanap din ako ng trabaho huwag kang mag-alala, hindi tayo maghihirap!” natatawang bati pang muli ni Mang Gener sa kaniyang asawa na mabilis din yumakap sa kaniya.

Pangalawang asawa na si Aling Dina ng lalaki, halos apat na taon na rin itong byudo nang makilala niya ngunit dahil sa kanilang edad ay hindi na sila binayayaan ng supling. Maayos naman ang relasyon nina Kyla at ng ale maliban nga lang sa pagiging mahigpit nito sa pera at wala na itong ginawa kung ‘di sitahin si Kyla sa hilig nitong pangongolekta ng iba’t ibang libro.

“Hanggang kailan mo ililihim sa anak mo ang totoo mong sitwasyon? Hindi biro ang kinakaharap natin ngayon, Gener, hindi lang ito usapin ng pera. Kailangan malaman ni Kyla ang totoo nang magtigil an siya sa kakabili ng libro! Alam mo ba na wala ng ginawa ‘yung anak mo sa mga perang pinapadala mo noon kung ‘di ibilini ito ng mamahaling libro? Diyos ko, walang ipon si Kyla kaya kailangan niyang malaman ang lahat,” baling ni Aling Dina nang makapasok silang mag-asawa sa kwarto. Sasagot pa sana ang lalaki ngunit mabilis na binuksan ni Kyla ang pinto.

“Narinig ko po ang usapan niyo, ano po ang hindi ko alam?” mabilis na singit ni Kyla sa dalawa. Napabuntong hininga na lamang si Mang Gener saka napakamot sa ulo at sinabi ang totoo na may malubha itong karamdaman. Nangangailangan din ito ng operasyon dahil sa lumalaking tumor nito sa atay.

“Kaya kita laging pinagagalitan dahil puro ka gastos, puro ka libro kaya sana naman ngayon na alam mo na kung ano ang totoong pinagdaraanan natin ay matuto kang magtipid,” dagdag naman ni Aling Dina sa kaniya at hindi na sumagot pa si Kyla.

Kinabukasan ay normal pa rin ang kilos ni Kyla sa kanilang bahay at tuloy lamang siya sa kaniyang pag-aaral habang si Aling Dina naman ay nag uumpisa nang maging iyakin at wala na itong ginawa kung ‘di alagaan ang kaniyang ama.

“Tingnan mo ‘tong anak mo, akala mo walang narinig kagabi at hindi man lang nagpaalam sa’yo. Mas inuna pa niyang asikasuhin na naman ang mga libro niya na isang katutak sa rami! Hay naku, kailan kaya magtatanda ‘yan?!” inis na wika ni Aling Dina nang makaalis na sa bahay si Kyla bitbit na naman ang kaniyang libro.

Nakasanayan na ng dalaga na umalis ng bahay nang maaga upang sa labas siya magbasa at saka papasok sa eskwela. Punong-puno na sa libro ang buong kwarto at amoy aklatan na nga ito dahil sa sobrang dami. Hanggang sa halos tumagal pa ito ng ilang buwan at hindi na kinaya ng ale ang pagiging matabang ni Kyla sa kaniyang ama kahit nga alam na nito ang totoo.

“Kyla, anong plano mo sa buhay?” baling na bati ni Aling Dina sa dalaga nang paalis na naman ito kahit araw ng linggo at bitbit ang mga libro niya.

“Linggo ngayon, saan ka na naman pupunta? Bakit hindi kayo magbonding ng papa mo? Baka bukas makalawa ay wala na siya saka ka pa magsisisi!” dagdag pang muli ng babae.

Hindi naman sumagot pa si Kyla at yumuko lamang siya sa ale saka siya nagpunta sa kaniyang ama. 

“Daddy, magpa-opera kayo ha? Kailangan niyo pa pong mabuhay nang matagal,” naiiyak na sabi ni Kyla sa ama.

“Anak, pang-aral mo nga sa kolehiyo ay hindi ko na alam saan pa kukuhanin pang opera ko pa kaya? Huwag mo na ako masyado intindihin at isipin mo na lang ang sarili mo lalo na kapag wala na ako,” naluluhang sabi ni Mang Gener sa kaniya.

“Daddy, ito ang ipon ko, dumagdag na rin diyan ang nakuha kong pera sa pagbebenta ng mga libro. Gamitin mo ito, daddy, dahil mas mahihirapan ako kapag nawala ka sa akin,” iyak ni Kyla sabay abot ng passbook sa kaniyang ama.

Ngayon lamang niya isiniwalat na iniipon pala ng dalaga ang lahat ng perang ipinadala ng kaniyang ama simula nang magtrabaho ito sa ibang bansa at mas nadagdagan pa ito lalo na ngayon na nabebenta niya ng mahal ang mga koleksiyong libro. Saka lang din niya sinabi na nakukuha niya ang mga libro mula sa kaniyang trabaho na matagal niyang inilihim sa pamilya at ito ay ang pagiging isang manunulat. 

Tameme naman si Aling Dina at hindi makapaniwala na may silbi pala ang pagbabasa ng mga libro o ang pangongolekta nito ngunit mas nahiya siya sa kaniyang sarili dahil siya ay walang ipon ni kusing sa mga pinapadala noon ni Mang Gener. Kaagad na humingi ng tawad ang ale sa kaniya at hinangaan pa niya lalo si Kyla. Simula noon ay hindi na niya pinagalitan pa ang dalaga sa libro nito dahil alam niya na alam ng bata ang paghahanda para sa kaniyang kinabukasan at wala na siyang mahihiling pang iba bukod doon. Habang si Mang Gener naman ay mas piniling hindi gamitin ang ipon ng kaniyang anak, lumapit sila sa ilang himpilan ng gobyerno upang makahingi ng tulong sa kaniyang sitwasyon. Hindi nagtagal ay gumaling ito at muling nagtrabaho para sa kanila ni Dina habang si Kyla ngayon ay nagsisimula na sa pagtupad ng kaniyang sariling pangarap.

More Stories