Hindi Inasahan ng Babae na ang Gwapong Boss Pala Niya ay Mayroon Ding Lihim na Pagtingin sa Kaniya; Labis Niyang Ikinagulat ang Pag-amin Nito
Sa pagkalugi ng kompanya na pinapasukan ni Farrah ay napilitan siyang mag-resign at maghanap ng ibang trabaho. Isang araw ay nagtungo na siya sa address na ipinadala ng pinag-aaplayang kompanya para sa kaniyang interview. Maganda ang kapaligiran nito at napakalinis.
“Hi, sumunod ka sa ‘kin para sa interview mo.” Wika ng babae.
Pagdating sa isang maliit na silid ay dalawang magkasunod na empleyado ang kumausap sa kaniya. Pinaghintay lamang siya ng mga ito ng ilang minuto upang makausap niya ang pinaka boss at kung sakali ay kaniyang magiging superior.
“Hi good morning Farrah, I’m Von.” Pakilala ng matipunong lalake.
“Good morning.” Wika ng nangingiting si Farrah.
Naging maayos ang kanilang pag-uusap at nakita ni Farrah na mabuting makitungo ang lalake sa kaniyang mga empleyado. Sa kabutihang palad ay agad siyang natanggap bilang personal assistant ni Von. Naging madali para kay Farrah ang unang linggo niya sa kompanya. Masaya siya sa mga katrabaho at lalo na sa kaniyang mabait na boss.
“Sir, ito na po yung iskedyul niyo para sa araw na ito.”
“Thanks Farrah! Puwede mo ba akong samahan sa meeting ko mamaya?”
Sa lahat ng lakad ni Von ay palagi siya nitong isinasama, ultimo sa pamimili nito ng personal niyang mga gamit. Kaya naman hindi malabong naging malapit ang dalawa hindi lang bilang magkatrabaho kundi bilang magkaibigan. Hindi rin naiwasan ni Farrah ang magkaroon ng pagtingin sa matalino at gwapo niyang boss, ngunit dahil sa mataas na tungkulin nito ay hindi siya umasa kailanman na magugustuhan din siya ni Von.
“Happy 1 year Farrah!” Nagulat siya nang makita ang sorpresang sumalubong sa kaniya pagpasok sa opisina.
“Naku may paganito pa kayo, salamat!” Masayang wika niya.
Ipinatawag siya ni Von matapos pasalamatan ang mga ka-opisina. Niyayaya siya nitong lumabas pagkatapos ng trabaho upang ma iselebreyt nila ang kaniyang ikaunang taon.
“Naku sir, wag na! Mayroon namang maliit nang salo-salo dito.”
“No! Sasama ka sa ‘kin mamaya. That’s an order.” Nakangiting sagot nito.
Kagaya ng nakagawian ay wala na naman siyang nagawa kundi sumama dito sa isang restaurant. Doon ay masaya silang kumain at nagkwentuhan.
“Thank you Farrah, sa lahat ng tulong mo sa ‘kin at sa maayos na trabaho. Cheers!”
“You’re welcome sir, masaya ako na natutuwa kayo sa trabaho ko.” Sagot niya.
Nakasanayan na rin ni Von na ihatid ang assistant lalo na kapag ginagabi na sila ng uwi. Palagi niyang inaasahan na yayayain siya nito sa kaniyang bahay ngunit ni minsan ay hindi siya pinaunlakan ni Farrah. Hindi tuloy siya makakuha ng lakas ng loob na aminin ang kaniyang tunay na nararamdaman. Sa pagkakataong ito ay susubukan muli niyang magtapat.
“Salamat sa paghatid Sir, mag-ingat po kayo pauwi.” Paalam ni Farrah.
“No problem, Farrah, puwede ba akong makigamit ng banyo?” Tanong niya.
“Ay oo naman sir, pasok ka.”
Agad naman siyang nagtungo sa banyo kahit hindi naman talaga niya kailangang gumamit nito. Habang nasa loob ay naririnig niya si Farrah at ang ina nitong nag-uusap.
“Anak siya na ba yung kinukwento mo? Aba’y tama ka napaka-guwapo nga ng boss mo.” Wika nito.
“Nay, ‘wag kang maingay baka marinig ka mabuking pa ako.” Bulong niya.
“Ba’t di ka pa kasi umamin, malay mo naman ay gusto ka din niya, palagi ka ngang hinahatid pauwi eh.”
Napailing na lang si Farrah sa kadaldalan ng kaniyang nanay nang biglang lumabas si Von. Nagpasalamat ito at nagpaalam na uuwi na. Inihatid siya ni Farrah sa kaniyang sasakyan at doon naganap ang hindi inaasahang pag-amin ng dalawa.
“Farrah, may gusto sana akong sabihin sa iyo, ang totoo niyan ay matagal na kitang nagugustuhan, di ko alam paano nagsimula pero ang alam ko lang ay nahuhulog na ang loob ko sayo.”
Namula si Farrah at hindi makapagsalita, nakatingin lamang siya kay Von nang bigla siya nitong hinalikan sa labi. Halos lamunin na si Farrah ng lupa sa sobrang kilig.
“Sir, kasi ano, nabigla ako, pero…”
“Ssshh, narinig ko naman lahat ng usapan niyo ng nanay mo eh, ‘wag ka nang tumanggi.” Wika nito.
Tila nagliwanag ang paligid ni Farrah. Gabi noon ngunit para siyang napapaligiran ng maliwanag sa sinag ng araw.
Hindi na nga nakasagot pa si Farrah nang muli siyang hinalikan ni Von sa labi. Bagay na matagal nang ninanais ng lalake na gawin.
Tuluyan na nga siyang niligawa ni Von at di naglaon ay sinagot na rin niya ito, umusbong ang kanilang pagmamahalan na nauwi sa isang masayang kasalan.
Hindi natin malalaman kung para sa atin ang isang bagay kung hindi tayo maglalakas loob na gumawa ng paraan para makamit ito.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.