Inday TrendingInday Trending
Akala ng mga Tao ay Napakabuting Ama ng Lalaking ito; Lingid sa Kanilang Kaalaman ay Isa Itong Halimaw

Akala ng mga Tao ay Napakabuting Ama ng Lalaking ito; Lingid sa Kanilang Kaalaman ay Isa Itong Halimaw

Kilala si Dion bilang isang mabuti at responsableng ama ng kaniyang nag-iisang anak na si Angie. Mula nang iwanan sila ng nanay nito ay siya na ang tumayong ama’t ina ng bata, kaya naman labis ang paghanga sa kaniya ng kanilang mga kapitbahay.

“Mabuti pa yang si Dion, napakaresponsableng ama, kahit walang asawa ay naalagaan pa ang kaniyang anak ng mabuti,” wika ni Martha, isa sa kanilang mga kapitbahay.

“Sinabi mo pa, ni minsan ay hindi ko nakitang marungis ang batang iyan,” sagot ng kaniyang suki sa tindahan.

Limang taon pa lamang si Angie kaya’t bihira itong makita na lumalabas at nakikipaglaro sa ibang bata, lagi lamang itong nakadungaw sa kanilang bintana.

“Angie halika na rito, kakain na tayo,” tawag ni Dion.

“Opo papa,” sagot ng bata.

Hindi iniiwan ni Dion ang anak na mag-isa sa bahay, lagi niyang itong kasama sa kaniyang pagduduty bilang barangay tanod. Nilagyan niya si Angie ng isang maliit na lamesa na nakatabi sa kaniya. Tahimik at mahiyaing bata si Angie kaya’t maghapon lamang itong nagsusulat at nagdodrawing sa kaniyang lamesa.

“Hi Angie, kamusta ka na?” tanong ng isang tanod sa bata.

“Okay lang po,” mahinang sagot nito sabay tingin sa kaniyang ama.

Pagsapit ng alas-5 ng hapon ay umuuwi na ang mag-ama. Sa kanilang paglalakad ay may ilang bumabati sa kanila, lalo na ang mga kapitbahay na hangang–hanga kay Dion.

“Magandang hapon Dion, hi Angie!” wika ni Martha sa mag-amang bumibili.

“Magandang hapon Aling Martha, pabili naman ako ng dalawang lata ng tuna.”

“Eto Dion, kamusta naman ang anak mo? Napakamahiyain talaga ni Angie.

“Ah oo, alam mo naman laking tatay kaya ito, ako lang ang kilala,” nakangiting sagot ng ama.

Pagdating sa bahay ay agad na nagtungo si Angie sa kaniyang silid. Doon niya ipinagpatuloy ang kaniyang pagdodrawig nang biglang pumasok ang kaniyang ama sa kwarto. Naluha na lamang siya dahil alam niyang dadanasin niya muli ang pagmamalupit nito.

“Papa ayaw ko na po,” umiiyak na pakiusap niya sa ama.

“Alam mong ako ang masusunod Angie,” sagot ni Dion habang nakapako ang tingin sa paslit.

At Doon ay naganap pang paulit-ulit na panghahalay ni Dion sa bata. Walang kaalam-alam ang mga tao sa kanilang paligid sa kababuyan at kahayupang ginagawa ng ama sa kaniyang anak. Buong pagaakala nila ay napakamapagmahal at mapagmalasakit na ama ni Dion ngunit sa likod ng malaanghel nitong imahe ay nagkukubli ang isang halimaw.

Kinaumagahan ay nagising si Angie na punong-puno ng dugo ang kaniyang damit. Naririnig niyang nakikipag-usap ang kaniyang ama sa iba pang mga tanod na nasa kanilang sala. Tinitigan niyang mabuti ang kaniyang sarili sa harap ng salamin, ang batang inaakala ng lahat na inaaruga ay mukhang basahan .

“Wala ba ang anak mong si Angie, Dion? May ibibigay sana akong manika sa inaanak ko.” wika ng kaniyang ninong na isa ring tanod.

“Ah tulog pa pare, iwan mo na lang ang manika at iaabot ko sa kaniya mamaya,” sagot ni Dion sabay lingon sa pintuan ng kwarto ng anak.

Narinig ni Angie ang kanilang mga paguusap at nag-ipon ng lakas ng loob bago lumabas at tumakbo papunta sa kaniyang ninong. Laking gulat ng lahat sa nakapanlulumong itsura ng bata.

“Ninong, ninong!” sigaw ng umiiyak na bata.

“Angie, anong nangyari sayo?” tanong nito sa kaniya.

Hindi na nakapagsalita ang bata at basta na lamang itinuro ang kaniyang ama. Nanlaki naman ang mata ni Dion sa bilis ng mga pangyayari, akma pa lamang siyang tatkbo ngunit napigilan na siya ng iba pang mga tanod.

“Anong ginawa mo sa anak mo, Dion?” tanong nila.

“Bitawan niyo ako! Wala akong ginagawa!” sigaw niya habang nagpupumiglas.

Iginapos nila si Dion habang naghihintay ng pagresponde ng pulis, ilang ulit nilang tinanong si Angie kung ano ang nangyari ngunit dahil sa takot ay nanatiling tikom and bibig ng bata. Ipinatawag din nila si Martha upang tulungan si Angie na linisin ang kaniyang sarili bago nila inihatid ang paslit sa ospital. Sa sasakyan na nagkaroon ng lakas ng loob si Angie na magkwento kay Martha.

“Angie, pangako hindi ka na mahahawakan ng papa mo, pero kailangan mong sabihin sa akin kung anong ginawa niya sayo,” wika ni Martha.

“Nihubad ako ni papa, tapos ni kiss niya ako dito tyaka dito, tapos hubad din siya tapo… tapos masakit,” utal-utal na paliwanag ng bata.

Naawa na lamang si Martha at niyakap siya ng mahigpit. Naluluha siya sa mga rebelasyon ng munting paslit.

Nakulong si Dion ng araw na iyon at inumpisahan ang kaniyang paglilitis. Dahil sa medico legal na isinumite ay tuluyan na siyang nasintensyahan sa bilangguan. Anumang paliwanag niya ay hindi na niya napaniwala ang korte sa kaniyang mga dahilan.

“Bata lang yan, maari siyang magsinungaling, baka nga mamaya ibang lalaki ang gumalaw sa anak ko at ako ang napagbintangan niya,” dahilan ni Dion.

“Wala ka nang kawala Dion, sa eksaminasyon kay Angie ay puro DNA mo lang ang nakita sa katawan niya, wala nang iba pa,” ayon sa husgado.

Si Angie ay pansamatalang nagpagaling sa ospital at paminsan-minsan ay dinadalaw ni Martha at ng kaniyang ninong. Dahil siya ay menor de edad ay kinailangan siyang kunin ng DSWD upang gabayan. Samantalang buo naman ang loob ni Martha na ampunin ang bata kaya’t ginawa niya ang lahat ng nararapat na proseso upang makuha si Angie.

“Angie, dito ka na titira sa akin ha, wag kang magaalala, wala na ang papa mo, hindi ka na niya sasaktan ulit,” Wika ni Martha.

“Di na po siya babalik?” tanong ng paslit.

“Hindi na. Ako na ang mag-aalaga sa ‘yo kaya ituring mo na ito na bahay mo. okay?”

Itinuring ni Martha si Angie bilang sarili niyang anak, ang ilan sa kanilang mga kapitbahay ay nagtulong tulong upang mabilhan ang bata ng mga bagong kagamitan. Hindi na nila kinuha pa ang mga luma niyang damit sa kanilang bahay upang maiwasang maalala pa niya ang mapait na sinapit sa kamay ng ama.

Hindi man naging madali para sa bata ang makalimot ay tinulungan siya ng bago niyang ina na maging mas matapang at masaya nang sa gayon ay magkaroon siya ng mas magandang buhay.

Advertisement