Karibal ko si Itay

Binatilyo pa lamang nang makabuntis si Willie, kaya naman hindi gaanong nagkakalayo ang edad nila ng kanyang anak na si Xean. Sumakabilang buhay naman sa panganganak ang kanyang asawa nang isilang nito ang bata, kaya’t maaga siyang naging single father.

Walang kapantay ang samahan ng dalawa! Naging mabuting ama kasi itong si Willie kay Xean, kaya naman labis na napalapit ang bata sa kaniyang ama. Halos magkapatid lang sila kung titingnan ng mga tao.

Isang araw bago pumasok si Xean sa paaralan ay may nakita siyang magandang babae.

“Excuse me?” tanong ng babae sa kanya.

“Anong maipaglilingkod ko, magandang binibini?” biro ni Xean sa kanya.

Natawa na lang ang dalaga sa pagsasalita ng binata. Likas na maloko talaga si Xean.

“Saan ako pwedeng mag-abang ng taxi dito?”

Gusto sanang samahan ni Xean ang babae subalit nagmamadali na siyang pumasok sa paaralan.

Advertisement

“Gusto sana kitang samahan, kaya lang mahuhuli na ako sa klase e. Pero malapit lang dito, pangalawang kanto pwede ka na mag-abang ng sasakyan,” kunwari pang naiinis si Xean.

“Nakakatawa ka. Sige na salamat, una na ako at baka ma-late ka pa,” pormal na saad ng magandang binibini.

Umalis na ang babae na natatawa nalang sa kakulitan ng binata.

“Miss! Anong pangalan mo?!” sigaw ni Xean sa kanya.

“Ysa!” pabalik na sigaw naman ng dalaga.

Hindi maitago ni Xean ang kilig dahil sa nakilalang binibini. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong saya, iba ang naging tama niya kay Ysa!

Nag lakad na ang babae sa may sakayan ng taxi hanggang sa may pumarada sa tapat nito.

“Ma’am, saan ka?”

Advertisement

Nagulat si Ysa nang tumambad sa harap niya si Willie. Matangkad, ma-appeal at makisig!

“Ma’am? Okay ka lang?”

“Ah… Eh… Oo, sorry,” uutal-utal nitong sabi.

“Saan ka pupunta?”

“Sa Poblacion lang,” maikling tugon nito.

“Halika ma’am, sumabay ka na sa akin.”

Pansin ni Willie ang kakaibang mga tingin sa kanya ni Ysa. Hindi naman sa pagmamalaki pero halatang may gusto ito sa kanya!

“Ang ganda niyo naman Ma’am,” seryosong papuri nito sa dalaga.

Advertisement

Paulit-ulit na tinitingnan ni Willie ang babae dahil pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Ngunit kahit anong gawin niyang pagtitig ay hindi niya mapagtanto, hanggang sa naihatid niya na ito sa Poblacion.

Kinagabihan, nagkita ang mag-ama sa kanilang tahanan matapos ang kani-kanilang mahahabang araw sa trabaho at eskwela. Pareho silang masaya dahil sa binibining nakilala nila.

“Pa, alam mo ba? Pakiramdam ko ay magkakaroon na ako ng girlfriend,” panimula nito sa ama.

Tumingin lang si Willie kay Xean. Sa isip-isip niya ay nangloloko lang ito.

“Papa, seryoso ako. Nakita ko na ang babaeng mamahalin at seseryosohin ko. Nakita ko na ang binibining bumihag sa puso ko!”

Natatawa nalang si Willie sa mga sinasabi ng anak niya. Hindi siya makapaniwalang tinamaan nga ito ni Kupido!

“Ikaw ba Papa, wala ka nang balak mag-asawa ulit? Total matagal na namang wala si mama eh. Sigurado ako kung siya ang tatanungin, gusto niya ring maging masaya ka.”

“Ikaw talaga kung ano-ano ang iniisip mo. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo ng kolehiyo.”

Advertisement

Hindi nakalimutan ni Xean ang ganda ni Ysa. Kaya ginawa niya ang lahat upang matunton ito.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong sa kanya ng dalaga.

“Ysa, alam kong mabilis pero seryoso ako sa nararamdaman ko. Gusto kitang ligawan. Bigyan mo ako ng pagkakataon.”

Wala nang nagawa si Ysa dahil naging masugid ang panliligaw sa kanya ng binata. Araw-araw nagpapadala ito ng mga regalo, tsokolate at bulaklak para sa kanya.

Taliwas sa kaalaman ni Xean na ang lalaking gusto ni Ysa ang walang iba kundi ang kanyang ama.

“Xean, pasensya ka na. Pero wala akong nararamdaman para sa’yo,” pagtanggi ni Ysa sa binata.

“Pero bakit?! Dahil ba mas matanda ka sa akin? Dahil ba minamaliit mo lang ako dahil bata pa ako?!”

“May iba akong gusto!”

Advertisement

“Sino?! Sino?! Sabihin mo?!” nanlilisik na sa galit ang binata.

“Huwag mo nang alamin dahil masasaktan ka lang.”

“Kung ayaw mo pala sa akin, bakit mo ako hinayaang mahulog sayo?! Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin!”

“Mas masakit pa diyan ang naranasan ko, Xean! Kulang pa ‘yan!”

Simula noong tinanggihan ni Ysa ang panliligaw ni Xean lagi na itong nag-iinom at hindi na nakakapasok sa paaralan. Labis na nabahala si Mang Willie sa sitwasyon ng anak. Nang malaman niya ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang anak niya, sumugod na siya sa bahay nina Ysa.

“Ysa, tantanan mo na ang anak ko!”

“Bakit?! Hindi mo ba kayang makitang niloloko ko ang anak mo?! Masakit ba para sa iyo?!”

“Ysa! Huwag mo siyang idamay dito! Wala siyang kinalaman sa nakaraan natin!”

Advertisement

“Tandaan mo ito Willie, bumalik ako para gumanti! Basta mo nalang akong iniwan noon at nagpakasal ka sa nanay niyang anak mo!”

“Kaya ka ba bumalik dito para sirain ang relasyon naming mag-ama?!”

“Pa- papa? Ysa?”

Hindi namalayan nina Willie at Ysa na kanina pa nakikinig si Xean. Hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita at narinig. Ang papa niya ang dahilan kung bakit tinanggihan siya ni Ysa!

“Anak, magpapaliwanag ako! Anak!”

Hinabol ni Mang Willie ang anak. Nang makaharap niya ito, basa ng luha ang buong mukha nito.

“Anak, makinig ka sa akin. Hindi ko mahal si Ysa. Ang mama mo lang ang bukod tanging minahal ko, wala nang iba. Bumalik siya para sirain tayo, at napag-alaman kong nakaplano na pala lahat. Nagkasabay lamang kami noon sa sakayan ng taxi, ngunit huli na nang mapagtanto ko kung sino siya. Nagbata at nagpaayos kasi siya ng mukha! Ayaw kong masira ang relasyon natin dahil sa kanya. Maraming babae pa ang makikita mo, anak.”

“Sorry, pa. Sorry kasi nagmadali ako. Sana maayos ulit natin ang samahan natin.”

Advertisement

“Anak huwag kang mag alala, solid tayo, ‘di ba?!”

Simula noon ay naibalik nang muli ang samahan ng dalawa. Ipinangako nila sa isa’t-isa na walang kahit na sinong babae pa ang makakasira sa relasyon nilang dalawa bilang mag-ama.