Isang Matandang Babae ang Nasinghalan ng Dalaga Sa Loob ng Pamilihan; Nagitla Siya nang Muli Niya Itong Makita sa Pangalawang Pagkakataon

Hindi magkandatuto si Tracy sa pagbitbit ng kaniyang mga pinamili mula sa supermarket. Bukod sa pang-araw-araw na supplies, may espesyal siyang paghahandaan. Ipakikilala na siya ni Alfred, ang kaniyang bagong nobyo, sa pamilya nito. Nasasabik na kinakabahan si Tracy. Gusto na niyang ma-impress sa kaniya ang partido ng kaniyang mapapangasawa sa hinaharap.

Kaya naman, sa kabila ng abalang schedule sa trabaho, isiningit ni Tracy ang pamimili ng mga sangkap sa paggawa ng mango float. Ito ang gagawin niyang psalubong sa pamilya ni Alfred, dahil masarap siyang gumawa nito. Pagkatapos, daraan siya sa paborito niyang salon upang magpaayos ng buhok.

People Who Bring Their Own Grocery Bags are More Likely to Buy ...

Dahil sa bigat ng kaniyang bitbit at pagtingin sa kaniyang bag, hindi napansin ni Tracy na nakabangga na pala siya ng kaniyang nakasalubong. Naramdaman niyang tumama ang isang plastic bag na bitbit niya sa binti ng nakabangga niya, na isang may edad nang babae. Subalit naramdaman din niyang tumama ang braso nito sa kaniyang tagiliran. Umakyat ang dugo sa ulo ni Tracy. Hindi niya napigilan ang kaniyang bibig.

“Ano ba naman iyan? Hindi man lamang kayo tumitingin sa dinaraanan ninyo!” asik ni Tracy sa may edad na babae. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. May bitbit itong basket. Mukhang mamimili. Simple lamang ang pananamit nito: tila nga nakapambahay lamang. Ni walang alahas sa katawan, maliban sa simpleng relo sa kaliwang pulsuhan. Natiyak niyang hindi ito mayaman kaya maaaring singhalan.

Mapagkumbaba namang humingi ng paumanhin ang matandang babae.

“Pasensiya ka na hija, hindi ko sinasadya,” pagpapaumanhin ng matandang babae.

Subalit hindi nagpapigil ang bibig ni Tracy.

“Hay naku ‘Nay, kung ganiyang hindi ninyo suot ang salamin ninyo sa mata, huwag na po kayong lumabas kasi nakakaperwisyo po kayo ng tao! Sana tumingin po kayo sa dinaraanan ninyo. Hindi po lahat mag-aadjust sa inyo,” inis na sabi ni Tracy.

Advertisement

Saka niya naalalang nasa pampublikong lugar siya, at baka may nakakikilala sa kaniya sa paligid. Lumingon-lingon siya. Pinagtitinginan na sila ng ilang mga mamimili at nagbubulungan na ang mga kahera at bagger. Naisip niya, dapat rendahan niya ang kaniyang bibig, at baka may kumuha sa kaniya ng video at i-post sa social media.

Bagama’t nagulat at di-nakahuma, pinagsabihan siya ng matandang babae, na nasa 50 taong gulang.

“Aba hija, maghulos-dila ka sa pananalita mo. Sa halip na humingi ka na lamang din ng patawad ay ganiyan pa ang asta mo. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung paano gumalang sa nakatatanda?” mahinahong tanong sa kaniya ng matandang babae.

Napahiya si Tracy. Subalit hindi niya mapapayagaan na hindi sa kaniya manggagaling ang huling salita. Tutal, narito na rin lamang siya. Lumaki siyang palaban at walang inuurungan. Kapag sa tingin niya ay nasa tama siya, wala siyang pakialam kung may edad o mas nakatataas pa sa kaniya ang kausap niya.

“Aba’y teka lang ho. Mawalang-galang ho. Marunong po akong gumalang sa mga nakatatanda, pero yung mga nakatatanda lang ho na karapat-dapat igalang. Wala kayong karapatang idamay rito ang mga magulang ko ah, ikaw na hukluban ka! Kung hindi ho kayo maingat, huwag na lang kayong lumabas ng bahay!” singhal ni Tracy bago siya tuluyang lumabas ng supermarket.

ᐈ Angry pointing stock images, Royalty Free angry pointing photos ...

Nagpupuyos ang kalooban ni Tracy. Parang kanina lang ay nag-iisip siya kung paano magpapa-impress sa pamilya ni Alfred, heto’t sa isang iglap lamang ay mawawala na ang magandang mood niya, dahil sa katang*ahan ng iba.

Kinabukasan, araw ng pagtungo ni Tracy sa bahay nina Alfred. Suot niya ang pinakamagandang dress na binili pa niya sa mamahaling boutique sa mall. 6:00 pa lamang ng gabi ay nariyan na si Alfred. Mabuti na lamang at may kotse ito.

“Napakaganda naman ng mahal ko… matutuwa sa iyo ang Mama ko,” papuri ni Alfred.

Advertisement

Bitbit din ni Tracy ang ginawa niyang mango float na pinaghirapan niyang gawin. Habang namamaybay sa kahabaan ng kalsada, pinag-iisipan ni Tracy kung paano siya makikiharap sa pamilya ni Alfred.

Kabang-kaba si Tracy nang dumating sila sa malaking bahay nina Alfred. Pagkapasok sa loob, nakahanda na ang mesang kainan. Naroon ang mga kapatid, pinsan, at ang mga magulang nito.

“Hello po, magandang gabi po sa inyong lahat…” masuyong pagbati ni Tracy sa lahat subalit tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha nang makita ang isang pamilyar na mukha ng isang matandang babae. Nawala rin ang ngiti sa mukha nito nang makita siya.

“Pa, Ma… here’s my Tracy, ang babaeng pakakasalan ko…” pagmamalaki ni Alfred. Hindi nakahuma si Tracy. Ang matandang babaeng sinigaw-sigawan niya sa supermarket ang siyang ina ni Alfred, na magiging biyenan niya!

Lumapit sa kaniya ang ina ni Alfred at sinampal si Tracy nang ubod-lakas. Nagulat naman ang lahat sa ginawa ng ina ni Alfred.

“Ma… bakit?” nagtatakang tanong ni Alfred. Lumapit naman ang Tatay ni Alfred at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa upang awatin.

“Ang babaeng ito ay ikinukuwento ko sa inyo na sinigaw-sigawan ako at binastos sa supermarket kahapon! Makapal ang mukha ng babaeng ito, at walang paggalang sa mga nakatatanda,” paghahayag ng ina ni Alfred.

“Mam… so-sorry po k-kahapon, h-hindi ko naman po s-sinasadya…” hindi magkandatuto si Tracy sa paghingi ng paumanhin. Pulang-pula ang kaniyang mukha. Hindi niya alam kung paano haharapin si Alfred gayundin ang buong pamilya nito, na tila handang-handa na siyang kuyugin.

Advertisement

“Alfred, hindi ko mapapayagang pakasalan mo ang babaeng ito. Hindi ko gusto ang asal niya. Hindi ko siya matatanggap sa pamilya. Ang mga taong walang paggalang sa kapwa, lalo na sa mga nakatatanda, ay hindi nararapat sa ating pamilya. Hindi ko siya matatanggap,” sabi ng ina ni Alfred.

Dahil dito, nagkahiwalay sina Alfred at Tracy. Hindi rin kasi makapaniwala si Alfred sa inasal ni Tracy. Sising-sisi naman si Tracy sa mga nangyari. Napagtanto niyang dapat ay maging maingat sa mga aksyon at binibitiwang salita sa kapwa, dahil mapaglaro ang tadhana; minsan, kung sino pa ang inaway mo, siya pang magiging bahagi pala ng buhay mo.