Inday Trending

Inday Trending

Habang Kasama sa Bakasyon ang Nobyo ay Nakipaglampungan Pa Rin ang Babae sa Iba, Iyak Siya nang Mabisto ang Pagtuhog Niya sa Dalawang Lalaki

Habang Kasama sa Bakasyon ang Nobyo ay Nakipaglampungan Pa Rin ang Babae sa Iba, Iyak Siya nang Mabisto ang Pagtuhog Niya sa Dalawang Lalaki
KarmaLoveStories

Nakilala ni Mina ang nobyong si Zyber sa bar kung saan siya palaging tumatambay. Pareho silang mahilig sa gimik ng lalaki kaya madali nilang nakagaanan ng loob ang isa’t isa.

“May gagawin ka ba bukas?” tanong ni Zyber.

“Wala, bakit saan mo ako yayayain?” balik na tanong ng babae.

“So, sasama ka nga sa akin kapag niyaya kita?”

“Go, basta masisiyahan ako!”

Niyaya ni Zyber ang dalaga sa isang resort kung saan maaari silang makapag-relax. Pareho ring workaholic ang dalawa kaya kailangan talaga nila ang bakasyong ito para makapag-unwind.

“Wow, ang ganda naman dito!” manghang sabi ni Mina.

“Nagustuhan mo ba? Palagi akong nagpupunta dito kapag gusto kong magpahinga.”

“Di ko akalain na ganito kaganda dito. Sana sinabi mo sa akin ng mas maaga na dito tayo pupunta para napaghandaan ko.”

Mayamaya ay iniwan siya sandali ni Zyber para bayaran ang inupahan nilang kuwarto sa hotel ng resort. Habang naglalakad-lakad siya sa buhanginan ay may pumukaw sa kanyang atensyon.

“O, ang hot at ang guwapo naman niya!” manghang wika ni Mina nang matanaw ang isang guwapong lalaki na naglalakad rin sa tabing-dagat. May katangkaran ang lalaki, moreno at may magandang pangangatawan. Lalo pang nanlaki ang mata ni Mina nang makita ang six pack abs ng lalaki.

“Dyusko! Sana naman po ay sinabi niyo sa akin na mayroong ganito dito. Hindi ako prepared!” malandi niyang sabi sa sarili.

Umatake na naman sa pagiging lalakero ang babae. Kapag kasi nakakakita siya ng guwapong lalaki ay nag-iinit ang kanyang katawan. Ganito rin ang nangyari sa kanya nang makilala niya si Zyber. Guwapo ang kanyang nobyo at maganda rin ang pangangatawan. Bukod doon ay mahusay rin ito sa kama kaya hindi na niya pinakawalan. Pero ngayong nakakita na naman siya ng lalaking kanyang magiging apple of the eye ay tiyak na mag-iiba ang takbo ng mga pangyayari.

Hindi nag-akasaya ng panahon si Mina at nakipagkilala sa lalaki.

“Hi, nagbabakasyon ka rin ba dito? By the way, I’m Mina!” pakilala ng dalaga sa sarili sabay abot ng kamay.

“Hello, I’m Vei. Yes, nagbabakasyon ako dito,” tugon ng lalaki.

Kinilig naman si Mina nang tanggapin nito ang pakikipagkamay niya.

Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng lalaki nang marinig niya ang boses ni Zyber. Agad siyang nagpaalam sa kausap at pinuntahan ang nobyo.

“Saan ka ba galing, kanina pa kita hinahanap?” tanong ng lalaki.

“A, e wala naglakad-lakad lang ako sa tabing-dagat. So, ano tara na sa room natin?!” yaya niya rito para ibahin ang usapan.

Nasa kuwarto na sila ng hotel ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang nakilalang lalaki. Kaya gumawa siya ng paraan para makatakas kay Zyber. Nagpaalam siya rito na muling maglalakad-lakad sa tabing-dagat. Dahil may tiwala naman sa kanya ang nobyo ay pinayagan siya nito. Laking tuwa niya nang maabutan ang pakay sa tabing-dagat. Nakita niyang nakaupo si Vei sa buhanginan at agad niya itong nilapitan.

“Hi Vei! I’am back!” aniya.

“O, you’re back sexy lady!” anito.

Sa kaunting oras na magkausap sila ng lalaki ay mabilis na napalapit ang loob nito sa kanya. Napag-alaman niya na may pagka-liberated ito na umaayon naman sa plano niya.

Niyaya siya nitong uminom sa malapit na bar sa resort at nang makaramdam siya ng pagkalasing ay nagpakita na siya ng motibo sa lalaki. Niyakap niya ito at hinalikan sa labi. Dahil may tama na rin ng alak ay ginantihan ni Vei ang mga mapupusok niyang halik hanggang makarating sila sa kuwarto nito at naganp ang inasahan niyang maganap sa pagitan nila.

Nang matapos ang pinagsaluhang kaligayahan ay ngiting tagumpay si Mina dahil sa wakas ay natikman niya ang lalaki.

“Nag-enjoy ka ba?” tanong ni Vei.

“Oo naman! Ang galing-galing mo nga, e!” pagpuri ng babae.

Nang makita ni Mina ang oras ay nagulat siya dahil mag-aalas-otso na ng gabi. Siguradong hinahanap na siya ni Zyber kaya nagmamadali itong bumangon sa kama at nagbihis. Nagbihis na rin si Vei para lumabas ng kuwarto. Pagbukas nila ng pinto ay agad na bumungad sa kanila si Zyber na lumabas rin sa kabilang pinto. Nagulat pa ang tatlo nang makita ang isa’t isa.

“Dyusko, hindi!” gulat na sabi ni Mina.

Hindi niya napansin na magkatapat pala ang kuwarto nila ng nobyo at ang kuwarto ni Vei.

Laking gulat ng dalawang lalaki nang makita ang isa’t isa. Hindi rin makapaniwala si Zyber nang makita ang nobya na lumabas sa kuwarto ng lalaki na gulu-gulo ang bahok at baligtad ang suot na damit.

“Vei? Anong ginagawa mo rito at bakit mo kasama ang girlfriend ko?” gulat na tanong ng lalaki.

“Hey! Anong ibig sabihin nito, Mina?” naguguluhang tanong ni Vei.

“Magkakilala kayo?” takang tanong naman ng babae.

“Siyempre, paano kong hindi makikilala ang KAPATID ko?” bunyag ni Zyber.

“M-magkapatid kayo?” gulat na sabi ni Mina.

“Kailan niyo pa ako nilolokong dalawa?” galit na wika ng nobyo.

“Teka, bro hindi ko ‘to alam!” sabi ni Vei at tumingin ng makahulugan kay Mina.

“Bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na at kapatid ko pa?!” galit nitong sabi.

Napaiyak na lang si Mina sa sumabog na katotohahan sa kanya. Lumabas na tinuhog niya ang magkapatid ng hindi nalalaman ng mga ito.

“S-sorry, hindi ko alam!” maluha-luhang sabi ng babae.

“Akala ko ay kilala na kita, hindi pa pala. I’m sorry, Mina pero hindi pala kita mapagkakatiwalaan!” wika ni Zyber saka pumasok sa kuwarto, kinuha ang mga bagahe at nagmadaling umalis.

“Sayang, Mina. Sa dinami-dami ng lalaki, kapatid ko pa,” maikling litanya ni Vei at iiling-iling na bumalik sa kuwarto at nagkulong.

Naiwan si Mina na sising-sisi sa nangyari. Sa kanyang ginawa ay dalawang puso ang nasaktan niya. Ang hindi niya alam ay balak na pala siyang pakasalan ni Zyber. Ipagtatapat na sana nito ang plano ngunit nasira iyon sa ginawa niyang pagpatol sa kapatid nito.

Napagtanto niya na sana ay hindi na lang siya lumandi sa iba, nawala tuloy ang pagkakataon niyang maging masaya sa piling ng taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

More Stories