Masayang-Masaya ang Lalaki Dahil Pumayag na ang Kaniyang Chatmate na Makipagkita sa Kaniya; Siya na Ba ang Babaeng Nakatadhana Para sa Kaniya?

Masayang-Masaya ang Lalaki Dahil Pumayag na ang Kaniyang Chatmate na Makipagkita sa Kaniya; Siya na Ba ang Babaeng Nakatadhana Para sa Kaniya?

FunKarmaStories

Napangiti si Marcus nang makita ang pagtugon ng kaniyang bagong ka-chat na nagngangalang Sophia Mendez. Ito ang nagpadala sa kaniya ng friend request kaya sinunggaban naman niya. Batay naman sa mga larawan nito sa album, mukhang lehitimo naman.

Kaya lang, hindi ito pumapayag na mag-video call sila. Nagtitiyaga lamang sila sa chat. Saka na lamang daw ang video call kapag nagkita na sila.

an asian chinese man sitting on his sofa with cushion relaxing with his smart phone surfing the net and shopping online - asian man using a cellphone stock pictures, royalty-free photos & images

“Gawa mo?” bungad sa kaniya ni Sophia sa chat.

“Good morning, babe. Heto nakangiti kasi nag-chat ka na,” tugon naman ni Marcus kay Sophia. Nakita niya na nagta-type na ito ng tugon kaya hinintay niya.

“Babe kaagad? Tatlong araw pa lang tayo na magka-chat, babe na kaagad ang tawag mo sa akin? Grabe iyan ah. Baka naman mahuli tayo ng girlfriend mo at awayin ako rito ha?”

“Ano ka ba, wala naman akong girlfriend. Pero kapag nagkita tayo, baka magkaroon na,” chat naman ni Marcus. Ilang segundong hindi tumugon si Sophia. Maya-maya, nagpadala ito ng emoji na nakatawa. 

“Magkita na kasi tayo, babe. Gusto na kitang makaharap. Gusto na kitang makita. Ako naman ang sasagot sa lahat eh, huwag kang mag-alala,” sabi ni Marcus. 

“So sinasabi mo ngayon sa akin na wala kang girlfriend? Na as in walang pananagutan? Baka naman kaya wala kang girlfriend ay dahil may asawa ka na?” pabirong tugon ni Sophia. 

“Grabe ka naman sa akin. Aong akala mo sa akin, manloloko? Hindi ako ganyan, babe. Sa iyo lamang ako kaya maniwala ka. Wala akong girlfriend. Wala akong asawa.”

“Baka naman kung wala kang girlfriend, tapos wala kang asawa, baka naman boyfriend ang mayroon ka?” pambubuskang muli ni Sophia. 

Lalong natawa si Marcus kay Sophia. 

“Pinapatawa mo talaga ako, babe. Wala akong girlfriend, wala akong asawa, at lalong wala akong boyfriend. Hindi ako beki. Gusto mo patunayan ko sa iyo na hindi ako beki?” natatawang sabi ni Marcus sa kaniyang chatmate. 

“Sige, patunayan mo sa akin na hindi ka beki…”

Nabuhay ang dugo ni Marcus sa huling tugon na iyon ni Sophia. 

“So ibig sabihin, papayag kang sumama sa akin sa isang lugar na mas pribado at tayo lang dalawa?” tanong ni Marcus kay Sophia. Maingat ang mga tanong niya dahil gustong-gusto niya talaga ang chatmate na ito. Kung hindi man niya makuha, matikman man lamang niya. 

“Depende sa lugar. Saan ba yung puwedeng makakapahinga tayong dalawa?” tugon naman ni Sophia. Dito na lalong umigting ang nararamdaman ni Marcus dahil alam niyang kung ano ang nasa isip niya ay nasa isip din ng dalaga. 

Nagpasya silang magkita, at batay sa huling chat ni Sophia, susunod lamang daw ito sa mga gagawin ni Marcus. Pinaghandaan ni Marcus ang unang pagkikita nila ng chatmate. Nagtungo siya sa suki niyang salon at nagpagupit ng buhok. Tiniyak niyang guwapong-guwapo siya kapag nagkita na sila. 

rear view of young man in barbershop having haircut - barber shop stock pictures, royalty-free photos & images

At dumating na ang araw ng kanilang pagkikita. 

“Nasaan ka na? Dito na ‘ko,” chat ni Marcus kay Sophia nang makarating siya sa mall kung saan sila magkikita. 

“Dito na rin.”

“Nasaan ka?”

“Dito sa likod mo. Lingon ka…”

Paglingon ni Marcus, biglang napawi ang kaniyang matamis na ngiti. Napalitan ito ng pagkunot ng noo at pagtataka. Kinabahan siya. 

“T-Trish… anong ginagawa mo rito?” tanong ni Marcus sa kaniyang nobya. 

Sa halip na sumagot, nag-chat si Trisha sa kaniyang cellphone. Maya-maya, nakatanggap ng mensahe si Marcus mula sa chatmate na si Sophia. “Sabi ko, dito na ako. Ito, sa harapan mo!”

“T-Trish… i-ikaw si… ikaw si Sophia?”

Sa halip na sumagot ulit, isang malutong na sampal ang pinakawalan ni Trisha kay Marcus. Wala siyang pakialam kung pagtinginan sila ng mga tao. 

“Hayop ka. Oo. Ako nga. Pinagplanuhan ko ang lahat. Gumawa ako ng poser account para malaman kung loyal at faithful ka pa ba sa akin. Bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin? Kaya sinubukan ko kung kakagatin mo ang isang babaeng maganda na magpapakilala bilang Sophia Mendez,” pagtatapat ni Trisha. 

Hindi makapaniwala si Marcus na nasukol ng kaniyang nobya ang pagiging babaero niya. Iniisip niya kanina kung may ‘sparks’ ba sila, subalit hindi iyon ang natanggap niya kundi bituin. Bituin ng pagkatulig dahil tila nahilo siya sa sampal ni Trisha.

“Wala palang girlfriend ha? Alam mo bang para akong sinaksak sa dibdib nang harap-harapan mong sinabi sa akin na wala kang karelasyon ngayon, kaya hinaharot mo si Sophia, na eventually, ako rin naman? Manloloko ka! Sa susunod, mag-ingat-ingat ka naman sa panloloko mo, mas galingan mo pa!” sabi ni Trisha.

asian woman having bad news on mobile phone - furious asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

Kinuha nito ang bote ng mineral water at ibinuhos ang natitirang laman, sabay sabing “Break na tayo!”

Natulala na lamang si Marcus. Napagtanto niya na totoo palang walang lihim na hindi nabubunyag, lalo na kung ang nag-iingat ng lihim ay hindi maingat, gaya niya. 

More Stories