Ilang Oras Lamang Bago Manganak ay Binawian ng Buhay ang Misis Niya Ngunit Ilang Buhay Naman ang Nagpatuloy Dahil sa Kanya
Si Mayeth ay isang mabuting tao. Bata pa lamang siya ay puro saya at liwanag na ang naibibigay niya sa mga tao sa kanyang paligid.
Ngunit nang siya’y nag-dalaga, unti-unti siyang naging mahina. Dalaga na siya noon nang malaman ng kaniyang pamilya na mayroon siyang sakit sa puso.
Mapalad siya dahil may kaya ang kanyang mga magulang. Nagkaroon siya ng oportunidad na sumailalim sa isang heart transplant para siya’y mabuhay.
“Mr. and Mrs. Castro, only a heart transplant can save your daughter’s life. If you are agreeing to do it, we need to perform it immediately,” wika ng kanilang doktor.
Hindi na sila nagdalawang isip pa sa kagustuhang maisalba ang buhay ng kanilang anak.
Dahil sa tulong ng kanilang pananampalataya ay naging matagumpay ang kanyang operasyon.
Nangako noong mga panahon na iyon si Mayeth na tutulong rin siya sa ibang tao bilang kabayaran ng pagtulong sa kanya ng isang tao.
Bumalik sa dating sigla ang kanyang pangangatawan. Unti-unti siyang naging malakas muli.
Nagbalik rin siya noon sa kanyang pag-aaral. Nakatapos siya sa kursong “nursing”. Para sa kanya, pangarap niya ang magtrabaho sa ospital at tumulong sa mga pasyente noon pa man. Ngunit mas nadagdagan ang kanyang kagustuhan sa pagtulong matapos niyang maoperahan.
Hindi rin maitatanggi ang natatanging ganda ni Mayeth, kaya naman hindi imposible ang pila-pila niyang manliligaw.
Ngunit sa lahat ng kanyang mga masisipag na manliligaw ay iisa lamang ang kanyang napupusuan.
Si Fred.
Isang musikero ang binata at naniniwala siyang nahulog ang loob ni Mayeth sa kanya dahil sa kanyang pagtugtog ng gitara at sa kanyang magandang boses.
“Bago kita sagutin gusto kong malaman mo ang isang katotohanan tungkol sa akin,” saad ng dalaga.
“Alin yun?” tanong ng binata at halatang siya’y kinakabahan.
“Noong ako’y dalaga pa, nag undergo ako ng isang heart transplant,” aniya.
“Yun na ba yun??” pabirong tanong ni Fred.
“Syempre gusto kong malaman mo na kahit matagumpay ang operasyon noon, hindi pa rin natin masasabi ang maaaring mangyari sa ating mga buhay,” sagot ng dalaga.
Tumango si Fred bilang pag-sangayon ng dalaga.
“Wag kang mag-alala tinatanggap ko naman ang nangyari sa’yo, at syempre gagawin ko ang lahat upang maalagaan ka ng maayos,” pangako ng binata.
Naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon.
Wala pang isang taon nang sila’y maging magnobyo ay niyaya na agad ni Fred magpakasal ang dalaga.
Sinorpresa niya ito sa isang magandang restaurant na may masarap na pagkain at may magandang tanawin ng syudad sa gabi.
“Wow! Ang ganda ganda naman dito Fred! Anong okasyon?” tanong niya habang tinitignan ang maraming ilaw na bumabalot sa syudad.
Hindi sumagot si Fred kaya naman binaling ni Mayeth ang tingin sa binata.
Laking gulat niya nang makitang nakaluhod sa Fred at may hawak na isang napakagandang singsing.
“Mayeth, dahil sa’yo natutunan kong pahalagahan ang bawat segundo ng aking buhay. Kaya naman sana pakasalan mo ako dahil ikaw ang nagbibigay halaga sa aking buhay,” sambit ng binata.
Hindi nakasagot ang dalaga at pag-tango lamang ang kanyang nagawa. Halos hindi niya na rin makita si Fred dahil punong-puno ng luha ang kanyang mga mata.
Matapos ang tatlong buwang preparasyon ay naikasal rin ang dalawa sa wakas.
Lahat ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak ay nandoon para makita ang kanilang pag-iisa.
Dalawang buwan matapos ang kasal ay napansin ni Mayeth ang pag-iiba sa kanyang katawan.
Pagbisita nila sa doktor ay doon nakumpirma na siya’y buntis na!
“Congratulations, parents! You have a healthy 6-week old baby,” banggit ng doktor.
“But, Mayeth, you have to be on bed rest. Okay? It might harm you or the baby if you strain yourself too much, baka hindi kayanin ng puso mo,” pagpapaalala ng doktor.
Nakinig naman ang mag-asawa sa lahat ng payo ng doktor. Hanggang sa dumating ang araw ng panganganak ni Mayeth.
“Kayang-kaya mo ‘yan, alam kong malakas ka, kaya galingan mo para sa akin at sa anak natin,” sambit ng kanyang asawa bago siya ipinasok sa delivery room.
Matapos ang ilang oras na paghihintay ay lumabas na ang doktor mula sa delivery room.
“Sir Fred, you can now visit your wife and your baby,” masayang balita niya.
Halos madapa sa pagtakbo si Fred para mahagkan ang kanyang mag-ina.
Isang napakalusog na sanggol na babae ang kanilang anak, kaya naman Mayeth din ang pinangalan sa kanya.
Hinalikan ni Fred ang kanyang asawa sa noo, “Magpahinga ka muna, mahal. Ang galing mo, proud na proud ako sayo. Mahal na mahal kita,” naiiyak na sabi niya sa kanyang asawa.
Nakakuha pa ng iilang litrato ang pamilya bago pumikit para magpahinga si Mayeth.
Ngunit hindi inaasahan ang mga sumunod na nangyari.
Bigla na lamang nawalan ng hininga si Mayeth habang siya’y natutulog at lahat sila’y nakita na ang flat line sa machine.
Hindi malaman ni Fred kung ano ang kanyang gagawin dahil bitbit niya ang kanilang anak.
Nakita pa ni Fred kung paano pilit na buhaying muli ang kanyang asawa ngunit hindi na talaga kinaya ng kanyang puso.
Hindi maintindihan ni Fred ang labis na sakit na nararamdaman niya habang nagpapaalam sa kanyang misis.
“Pangako ko sa’yo, magiging mabuti akong tatay sa anak natin. Palalakihin ko siyang ipinagmamalaki ang kanyang nanay,” naiiyak na mensahe ni Fred para sa kanyang yumaong asawa.
Nawalan man si Fred ng asawa, ngunit napalitan naman ito ng isang mabuti at magandang anak.
Hindi lang iyon, dahil nagkaroon rin siya ng maraming kaibigan at dahil ito sa pangakong ginawa ni Mayeth noong siya’y dalaga pa lamang – pagkatapos ng kanyang heart transplant.
Ang mga pamilyang lumapit kay Fred ay nagpakilalang mga receiver ng organs ng kanyang asawa.
Pumirma pala noon si Mayeth ng waiver na nagsasabing sa kanyang pagpanaw ay ido-donate ang kanyang mga malulusog na organs sa mga taong nangangailangan nito.
Laking tuwa ni Fred nang makilala ang mga taong nabigyan ni Mayeth ng panibagong buhay.
“Hanggang sa’yong pagkawala, tumutulong ka pa rin,” masayang bulong ni Fred sa kanyang sarili habang tinutukoy ang kanyang asawa.